LEAN MACAROV
Nahiyawan at nagsigawa ng mga tao nang maglakad papunta sa arena si Flame at si Krayver, hindi ko alam kung bakit ang malas nila dalawa at mga pangalan pa nila ang nabunot ng referee. For a lot of people, this fight will be interesting. Two of the strongest, fire and electricity. Not to mention mga gwapo pa.
Nakita ko rin ang pag-aalala sa mga mukha ng mga dormmate ko, the cheers were loud and drowning pero hindi ko maiwasang kabahan. Flame was ready to kill him that day at ngayon may pagkakataon na siya, I just hope the professors notice it soon enough.
Tumayo sila sa gitna ng ring, pumito ang referee na hudyat na ng pagsimula ng laban. May sinabi si Krayver kay Flame pero hindi ko marinig. fire ignited from Flame's fists, flickers of electricity sparked through Krayver's body.
Di nagtagal ay pinalibutan ni Flame ng apoy ang buong ring. Isang simbolo na hindi niya papatakasin si Krayver. Tumakbo sila sa isa't-isa, loud screams were heard from students all around. They clashed around like metal cymbals. Tanging apoy at kuryente lang na nagbabanggan at aatras at banggan ulit ang nakikita namin mga sa bleachers. It was so bright.
Tumigil sila sa pagclash at bumalik sa magkabilang dulo, parehong nagpahinga. Gumawa si Krayver ng whip na gawa sa kuryente at tinali sa paa ni Flame na napahiga sa lupa at hinila ito papunta sa kanya. Hinawakan ni Flame ang whip na nagspark sa mga kamay niya pero nagliyab ito at gumapang ang apoy sa whip papunta sa kamay ni Krayver kaya binitawan niya ito.
Hinawakan ni Flame ang lupa at may sunod-sunod na pagsabog mula sa ilalim ng lupa ang pumunta sa dereksyon ni Krayver. Mabilis na nakailag si Krayver mula sa pagsabog sa paanan niya at nagpagulong-gulong malapit sa apoy na pinalibot ni Flame sa ring.
Tumayo silang dalawa, inikot ni Flame ang leeg niya at nag-inat, mas nagsigawan ang mga tao sa paligid. Nagtanong-tanong ako sa mga katabi ko kung bakit mas umingay.
"Demon form ni Flame!" nagtitiling sigaw ng babae sa akin "Ang hot!"
Tumingin ako sa reaction ng mga dormmate ko pero mukhang hindi sila nasisiyahan, seryoso lang silang nakatingin dito. Bumalik ang tingin ko kay Flame, may dalawang matutulis at itim na sungay ang tumubo mula sa ulo niya.
Napansin ko ang pagiging taranta ng mga professor. Nagbubulung-bulungan sila sa harapan. May professor na bumulong kay HM pero tinaas niya ang kamay niya at tumahimik ang mga professor.
Ang pulang apoy ni Flame ay naging itim. Sarkastikong napatawa si Krayver sa ginawa ng kalabas, pinalibutan din niya ang sarili niya ng nagliliyab na kuryente, nagkaroon ng kulob at kidlat sa bukana ng dome.
Tinapat ni Flame ang kanyang kamay at nagpalabas ng itim na apoy at tinutok ito kay Krayver, ganun din ang ginawa ni Krayver, nagpalabas siya ng kuryente at tinapat ito kay Flame. Nagclash ang mga ability nila at gumawa ito bilog sa gitna ng naghahalong kulay puti at kulay itim.
If my friends weren't going to die, this was the most beautiful thing I ever saw. Biglang tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang tatlong minuto. I hear boos and complaints pero kahit na pinapatigil na sila ay lumaki ng lumaki bilog.
wala nang nag-ingay, things were getting serious at the students were panicking dahil kapag bumitaw si Krayver at Flame ay sasabog ang bola sa gitna at masisira ang dome, patay lahat ng mga taong nasa loob.
Mabilis na kumilos sina Shane at pumunta sa iba't-ibang class, sinasabihan na kumalma. Napansin kong tumayo si HM at bumagal ang oras. Lahat ng tao sa paligid ko tumigil sa paggalaw pero laking gulat ko ay nakakalaw pa rin ako. Tumayo ako at lumapit sa railings ng bleachers. Naglakad si HM sa ibabaw ng tubig, hindi bumaon ang paa niya sa tubig. He literally walked on water.
BINABASA MO ANG
SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE
FantasiSAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters another Realm thinking it was the Human World. To her surprise, flying fishes, floating rivers and unu...