LEAN MACAROV
Umuwi ako sa dorm pagkatapos ng nangyari. Tapos na ang concert at nagsiuwian na ang mga studyante sa kani-kanilang mga dorm.
"sigurado ka bang ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Krayver sa akin bago ako pumasok sa kwarto. Tumango ako sa kanya at binigyan siya ng isang matamlay na ngiti.
Pumasok ako sa kwarto ko para madatnan si Tracy, Shane at France na nakaupo sa higaan, nakapajama at hawak-hawak si Rift sa kanilang kandungan.
Lumipad si Rift palapit sa akin, niyakap ko naman siya. Gumawa ng parang umiiyak na ingay at man isiniksik ang kanyang sarili sa akin.
Naalala ko nanaman yung nangyari kanina, niyakap ko si Rift ng mahigpit at napaiyak. Nilapitan agad ako ni Tracy at Shane para yakapin. Si France nanatiling nakaupo sa kama at nakatingin lang sa akin, parang hindi niya alam ang gagawin.
"What happened sweetie?" nag-aalalang tanong ni Tracy. Mas humagulgol ako sa mga yakap nila. Matagal-tagal bago ako kumalma at sinabi ko sa kanila ang nakita ko.
Hindi ko makuhang magalit, wala akong karapatan. Ayokong manghimasok sa relasyon nilang dalawa. Pero sa tuwing naiisip ko na may kasama siyang iba, kung gaano niya kamahal si Hilda nasasaktan ako.
"Oh, love" malungkot na sabi ni Tracy "tanga lang ng kuya ko dahil di niya makita ang tunay na ugali ng babaeng iyon."
"Wala na ba talagang pag-asa? I mean--"
"Wag na," sabi ko at ngumiti "I just want him to be happy, that's all that matters."
Malungkot nila akong tiningnan. Ngumiti ako sa kanila, nabigyan ako ng pagkakataon na mapunta sa mundong ito, maging bahagi ng mundong ito at makakilala ng mga kaibigan na mamahalin ako kung sino ako. I wouldn't ask for more.
Natulog kaming tatlo sa kwarto ko nung gabing iyon. They stayed with me, ate chocolate with me and made me feel better kahit na pagod sila dahil sa mga activities.
Nagising kami sa susunod na araw at pumunta sa Market Place ng hindi nagpapaalam sa mga kasama namin, I was okay with it. Ayaw ko rin naman na makita si Flame.
Pumunta kami sa mga boutique at bumili ng mga susuotin namin para sa Fiarae ball mamayang gabi. Isang selebrasyon kung saan nakasuot ang mga studyante ng pormal nila na kasuotan at magsasayaw at magsasaya buong gabi. Though I doubt magiging masaya naman ako.
Pumasok kami sa iba't-ibang tindahan para bumili ng mga kakailanganin para mag-ayos mamaya. Naglibot kami hanggang sa nakahanap na kami ng gusto naming mga damit. Surprisingly, France has designer taste, siya ang namiling ng mga babay sa amin at sa taste namin.
Pag-uwi namin sa dorm ay wala ang mga kasama namin, mukhang umalis din para maghanda. Kumain kami at nagsiliguan. Si Tracy ang nag-ayos sa amin ni Shane pero si Shane naman ay ang nag-ayos ng mga buhok namin.
RIft was watching us the whole time, pinapakain din ng fish biscuits paminsan-minsan. Lumabas si Tracy ng CR at namangha kami ni Shane. Nakasuot siya ng V-line black long dress na may slit sa kanan niyang paa. Pinapakita nito ang kaunting cleavage niya at ang makinis niyang balat. Pinakulot niya ang kanyang itim na buhok na umaabot sa kanyang beywang, may maliit din siyang Tiara na suot.
Napatingin ulit ako sa cleavage niya, para akong manyakis pero naiingit lang talaga ako sa kanya, bukod na pinagpala. Sumunod naman si Shane na nakasuot ng Old Rose colored lace dress na long sleeves na umaabot hanggang sa talampakan. Her hair was in a braided crown embedded with flowers. She was so elegant.
Si France naman nakasuot ng turtle neck backless silver long gown at yung buhok niya kinulot at ginawang bun. Her make up was dark and sharp.
"Tracy looks so fierce and Shane looks so elegant, even France looks sharp" sabi ko "magmumukha akong dugyot kapag kasama ko sayo"
BINABASA MO ANG
SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE
FantasiSAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters another Realm thinking it was the Human World. To her surprise, flying fishes, floating rivers and unu...