Chapter 20: Shouma

84.8K 3.1K 203
                                    

LEAN MACAROV

"Nagugutom ako" reklamo ni Flame habang papunta kami sa office ni HM, may sasabihin daw siya sa amin. "Dapat kasi prinito nalang nating yung isda  kanina."

Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"Hoy Flame umayos ka nga" inis kong sabi sa kanya. Parang kanina lang nag-eemote dahil bumalik yung ex-lover niya pero ngayon ako nanaman yung pinagdiskitahang paglaruan.

They still seem uneasy about it pero mas kumalma na ngayon, not like this morning. Pumasok kami sa office ni HM at mabilis na umupo sa sofa. Nakapambahay si HM at dala yung stick niyang massager. 

"You have another quest" sabi niya. They groaned still complaining. Maging ako ay natahimik, naalala ko bigla ang nangyari nung nakaraang mga araw. 

"HM, kadadating palang namin mula sa isang quest. Meron nanaman?" sabi ni Kairo.

"Di na kami makakahabol sa examination pag-ganon, marami na kaming na-miss na classes" dagdag pa ni Luke.

Hindi rin ako sang-ayon, parang natrauma ako sa nangyari sa nakaraan. Baka kung ano-ano nanaman ang ang mangyari sa amin.

"I exempted you this coming exam" sabi ni HM. Their head perked up, suddenly interested.

"Kailangan kami aalis?" sabi ni Tristan. Tinadyakan siya sa paa ni Tracy at tiningnan ng masama. 

"This won't be a hard one, I just needed seniors to do this" sabi ni HM "Wala ng available na Seniors sa ibang class. Vindora is in a mess, maraming nangyayari sa iba't-ibang kaharian at nauubusan na sila ng pinaghihingian ng tulong kaya lumalapit sila sa atin."

"Something is wrong" sabi ni Shane "Kahit ang mga mapayapang mga nilalang sa kagubatan ay nagiging wild, parang may masamang mangyayari"

"Yan din ang rason kung bakit puno ang oras ko, wala na akong panahon na magpahinga" sabi ni HM, napatingin naman kami sa kanya na komportableng nakaupo sa swivel chair niya at pinapahanginan ang sarili.

"Saan ba yung quest?" tanong ko, napatingin naman sila sa akin.

"Gusto mong pumunta Lean?" tanong ni Tracy sa akin. Nagkibit-balikat ako.

"These people have no one else to ask for help" sabi ko "Bakit hindi nalang tayo? isa pa exempted tayo sa exams, makakatulong pa tayo"

"See?" sabi ni HM "Buti pa ang isang 'to may mabuting puso"

"Actually, I just really don't want to study" sabi ko, natigil si HM at tumikhim. Napatawa naman ang mga kaibigan ko.

"You will be going to Aselith" sabi ni HM. Lahat naman sila at lumingon kay Flame at Tracy. "You will leave tomorrow at dawn."

--

Maaga kaming nagising, naghanda kami ng mga dadalhin para sa quest sa Aselith. Ito ang kaharian na tinitirhan nina Flame at Tracy, pati na rin si Krayver dito lumaki.

Sumakay kami sa karwahe papunta doon, ang sabi ay halos walong oras ang biyahe papunta doon kaya umidlip lang muna ako. 

Nasa loob ako ng isang kwarto, nakatingin sa mga maliliit na mga bituin at buwan na nakatali sa itaas. I remember reaching out to it pero hindi ko ito maabot. I remember crying, tears streaming down my face.

May gumawa ng ingay, but I still kept on crying. May isang anino na sinilip ako sa hinihigaan ako, nakikita ko ang mukha niya pero malabo. Ang alam ko ay may mahabang siyang buhok at nakangiti siya sa akin. Mabango ang amoy niya, parang bagong luto na cookies.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon