BINUKSAN ni Pierre ang master bedroom at pinaunang pumasok doon si Amari.
"Sobrang laki ng kama," ani Amari. "Double-king size yata."
Hinila siya ng lalaki at pinaupo sa kandungan nito. "Do you like my house?"
Nakangiti siyang tumango. "Yes, it's a beautiful home. Gusto ko iyong kitchen, saka itong kuwarto mo."
"Puwede ka magpunta dito anytime, kahit wala ako sa bahay.I will give you the pass code. Pumasok ka agad kasi may gumagalang malaking aso dito, mukhang mabagsik. I call him Cujo."
"Cujo? Iyong aso sa movie?"
Ngumiti si Pierre. "Napanood mo pala iyon. Paborito kong writer si Stephen King."
"Sabi na sa 'yo, mas mahilig ako manood kesa magbasa."
"Pag pinalayas ka ng Kuya mo, puwede kang mag-crash dito anytime."
Kinurot niya ito sa dibdib. "Sige, sa akin iyong room malapit sa hagdanan, ha?"
"You can sleep here in my room. Ang laki ng kama, kasyang-kasya tayong dalawa."
"Okay lang sa iyong magtabi tayong matulog?"
"Why not? Kung hindi lang maliit ang kama mo, matagal na sana akong natulog sa tabi mo. I just didn't want you to be uncomfortable."
"Bakit gusto mo akong makatabing matulog?"
Kainis. Kinikilig na naman siya.
"I dunno." Pierre looked puzzled for a moment. "Maybe I want to share a big part of my life with you," he then answered her.
Napangiti si Amari sa narinig. Gusto niyang haplusin ang mukha ng binata ngunit natigil sa ere ang kanyang kamay.
This was just the potion working. Ang mga ginagawa ni Pierre sa kanya ay tulak ng gayumang nainom nito. Hindi niya magawang matuwa nang lubusan kahit ang kaligayahang hatid ng lalaki sa kanya sa maikling panahon ay hindi matatawaran.
But then again, ang sabi naman ng seller ay hindi napipilit ang nagayuma na makaramdam ng anuman. So Pierre's affection to her might be legit. Okay, so ipagpalagay nang legit nga, what would happen next? May tatlong buwan ang bisa ng potion, puwede magpainom uli pag hindi pa na-in love sa kanya ang nagayuma.
Falling in love... Natatakot siyang isipin kung ano ang nasa dulo ng lahat ng ito, kung hanggang saan aabot ng affection sa kanya ni Pierre. Would he... would he perhaps fall in love with her?
Hindi siya makapaniwalang napapatanong na siya ng ganoon. Kuntento lang naman siya kung anong mayroon sila ni Pierre. Masaya siya sa ganoon, nag-e-enjoy. She was not in it for the love or romance in the first place. Did something change?
Hinawakan ng lalaki ang kamay niyang nasa ere pa rin, hinalikan ang kanyang palad.
"Would you sleep here with me tonight?"
Humaplos ang mga kamay ni Amari sa hita ng lalaki. "My pleasure."
She was not in this for the love or romance. Sex ang gusto sa kanya ni Pierre, iyon din ang gusto niya mula rito. Patutunayan niya iyon ngayon.
Hinalikan niya sa bibig si Pierre, hinaplos ito sa dibdib. Gumiling-giling siya sa kandungan nito, siniguradong nasasagi ang pagkalalaki nito. Napatawa siya nang mabilis itong tinigisan.
Dumausdos si Amari pababa mula sa kandungan ni Pierre hanggang nakaluhod na siya sa pagitan ng mga hita nito. Nakangising kinalas niya ang belt ng pantalon nito. Napaungol ito nang agad dumampi ang mga labi niya sa pagkalalaki nito nang matambad iyon sa kanya. She nuzzled it, lightly kissed it all over before taking the whole length in her mouth. Sumabunot ang kamay nito sa kanyang buhok, lalo niya namang idiniin ang pagsubo.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.