A/N: a person who use sign language (lines with bold and itallic)
Chapter 1
Riley's POV
Tunog ng alarm clock ang una kong marinig sa umaga. Pagkamulat ko ay nakita kong 5:30 AM na. Kailangan ko na magluto at mag-ayos baka magalit si Papa Nestor. Nang matapos ang morning routine ay pumunta na ako sa kusina. Napahinto ako nang makita ko si Mama na nagluluto. Hay, minsan pasaway din si Mama. Agad kong nilapitan siya.
"Ma, bakit nagluto ka pa?" pag-alala kong tanong. Kita ko naman na kakatapos lang niya magluto ng isda. "Dapat nagpahinga ka ngayon." sabi ko.
Ngumiti naman siya sa akin. "Maayos ang pakiramdam ko ngayon, anak. Gusto kong magluto para sa iyo." sabi niya gamit ng sign language.
Pipe ang Mama ko mula noong isinilang daw siya. Ngayon, nagkaroon siya ng sakit sa puso kaya todong alaga ko sa kanya.
"Ma, kahit na-"
Napailing siya. "Hayaan mo na ako. O siya kumain na tayo. Yung Papa Nestor mo gigising na siya mamaya."
Isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kanya at pumayag na lang ako. Nang matapos kaming kumain, inaasikaso ko naman ang mga gamit ko sa pagpasok ko sa high school. Kahit sa edad ko na 18 ay nasa 4th year high school palang ako dahil nag-stop ako ng 3 years para makaipon ng pera.
"Ma, alis na po ako." paalam ko habang sinusuot ko yung sapatos.
Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti naman siya sa akin. Naglakad lang ako papunta sa school kahit na malayuan yung lugar dahil nagtitipid ako sa pera. Kung di lang sana nabaon sa utang si Papa Nestor sa negosyo niya ay di sana kami naghihirap pa at baka napagamot na tama si Mama.
Sa pagmuni-muni ko ay may narinig akong ingay sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang grupo ni Danillo Perez. Agad naman napatakbo ako dahil ayokong sumalubong sa kanila. Mga bully sa school na minsan napagtripan nila ako pero ngayon todo iwas hangga't maari.
Pagkarating ko sa San Isidro High School, dumiretso agad ako sa classroom. Semi-public itong school kaya afford ko mag-enroll rito. Isa pa advantage ko yung pagiging scholar ko kaya naging less ang mga gastos ko. Masaya na ako doon.
"Riley Sanchez." tawag sa akin isang kaibigan ko. Kailangan talaga banggitin sa full name ko?
"Ano yun, Fred?" taka ko.
Frederico Basido ang kaisa isa kong kaibigan. Kasing tangkad ko siya, katamtaman ang katawan niya, at mas bibo siya sa amin. Naging close kami dahil may similarities sa mga hobbies namin.
"Alam mo ba? May plano na ang parents ko na ma-enroll ako sa sikat na university." natutuwang sambit niya. "Excited na ako."
Ngumiti naman ako sa kanya. "Magandang balita iyan." maikling papuri ko.
'Mabuti pa siya.' sa isip ko lang. Hindi ko sure kung matutuloy pa ako mag-college. Sa ngayon, kaunti pa lang ang iniipon ko. Yung ibang ipon ko ay para sa gamot ni Mama at yung iba naman ay paglilipatan namin dalawa.
"O, bakit malungkot ka?"
"W-wala naman." tanggi ko. "Marami lang ako iniisip. Pero natutuwa ako para sa iyo. Oo nga pala, natapos mo na yung project natin?" paiba kong usapan.
Ilang minuto pa kami nagkukwentuhan nang dumating ang adviser namin. Buong araw puro lectures at project dahil malapit na matapos ang 3rd quarter. Nang matapos ang klase ay dumiretso agad ako sa part time job ko.
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]
RomanceSynopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive step-father. Pangarap niya makaipon para umalis sa pader ng step-father niya at makapagpatuloy ang...