Chapter 15

298 14 0
                                    

Chapter 15

Riley's POV

"Salamat naman. Sobrang nag-alala ako sa iyo." naluluha kong sambit habang niyayakap ko siya na mahigpit.

Kumalas kami sa pagkayakap. Hindi ko mapigilan na hinalikan ko siya na walang pag-alinlangan. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. Hindi nagtagal dumistansya ako. Uminit ang mukha ko pero hindi mawala ang ngiti ko sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngayon.

"Did you miss me?"

Natawa naman ako sa tanong niya. "Sino ba naman hindi."

"I'm sorry if I invite you here in this hour. Let's go inside. I have something to show you."

Sumunod naman ako sa kanya sa loob. Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit ang daming armadong tauhan nila. May nangyari ba sa kanilang misyon? Pinaupo niya ako sa sofa. Nagulat ako nang may binigay sa akin isang box.

"Nag-abala ka pa." masayang sambit ko habang sinuri ko yung box.

Napalunok ako habang dahan dahan kong binuksan ang kahon. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong isang family picture frame. Doon ko naalala ang mukha ng totoong magulang ko. Hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha.

"Ano ito?" tanong ko habang may hawak akong mga papeles.

Last will of testament? Tinignan ko yung ibang papeles at nagulat pa ako na titulo pa ng lupa, mga business at iba pang pag-aari ng magulang ko. Napatingin ako kay Luther na katabi ko siya sa sofa.

"Pero kung nakuha niyo lahat, anong nangyari kay-"

"He's downstairs. Torture room."

Bigla akong kinalibutan nang nasabi niya iyon. Hindi ko akalain darating ang araw na mahuli siya.

"Nand-dito siya?" Napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

Si Tito- hindi. Hindi siya dapat maging tiyuhin ko. Siya pa mismo sumira sa pamilya ko. Huminga ako ng malalim.

"Gu-Gusto kong makita siya." walang emosyon sa sinabi ko.

Umiling siya. "You can't."

"Luther."

"You're not going to like it."

Napapikit ako na pinakalma ang aking sarili. "Luther, gusto ko siya makausap. Please. May gusto akong malaman tungkol sa magulang ko." pakiusap ko.

Bumuntong hininga siya saka tumango. Sinamahan niya ako sa sinasabi niyang torture room. Nalaman ko nasa basement pala ito. Madilim pero may mga ilaw sa mga gilid. Nakarating kami sa isang pinto na may dalawang nagbabantay. Pinabuksan agad nila ang pinto.

Nakilabutan ako sa nakita ko sa loob. May nakakalat ng dugo na galing sa mga taong pinapahirapan nila. May mga gamit na pang-torture pa rito. Doon ko natagpuan si Trevor. Naka-black short lang ito habang nakatali ang mga paa at kamay sa isang upuan. Naliligo na ito sa sariling dugo at nabugbog na nangingitim ang isang mata niya.

Napalunok ako sa nakita ko. Pansin ko na kumuha ng isang basong tubig si Luther at binuhos niya kay Trevor na nagising ito.

"Ahh! Ha...Ha... W-What...?" pagtataka niya.

BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon