Chapter 2

553 14 0
                                    

A/N: a person who use sign language and the text message (lines with bold and italic)


Chapter 2


Riley's POV

Sabado ngayon at full time naman ako sa cafe. Sinugurado ko na naibigay ko yung gamot ni Mama bago ako umalis sa bahay. Si Papa Nestor naman pumunta sa kakilala niya para magtrabaho doon kaya malamang gagabihin na naman siyang umuwi.

Nang magtanghali na ay nagpaalam si Marco na papasok na siya sa klase niya kaya ako at si Tracy ang nagtatrabaho ngayon. Kakatapos ko lang maglinis nang may pumasok isang lalaking naka-suit.

"Good day, Sir." masayang bati namin ni Tracy.

Sandali, siya yung lalaking foreigner na may pilat sa mukha na nakita ko nung nakaraang araw. Umupo lang siya malapit sa may salamin. Baka naghihintay ito ng kasama niya yata. Nilapitan ko siya para itanong kung ano kailangan niya.

"Hello, sir." pormal na bati ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin. Napatigil ako nang nakatitigan kaming dalawa. Green eyes siya. Kahit may peklat sa mukha, may nababakas pa rin ang kagwapuhan niya. Medyo may kahabaan ang buhok niya. Halatang may built ang katawan niya. Nakaitim na gloves yung mga kamay niya. Sandali, kanina pala ako nakatulala. Jusko, nakakahiya.

"S-Sorry. Do you have order, Sir?" nauutal kong tanong.

Nakakahiya talaga. Malamang pulang pula ang mukha ko. Nagtaka ako nang makita ko na kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinayp siya saka pinakita niya sa akin.

'Apologize, I can't speak. I'm mute by the way.'

Nang mabasa ko ay nanlaki ang mga mata ko. Ow, katulad siya ni Mama.

"Did you learn sign language? I know how to interpret it." sabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin. Kita ko na inangat ang kamay niya.

'Really?' tanong niya na marunong nga siya mag-sign language.

"I'm glad to know." natutuwa kong sambit.

Tumango na lang siya saka sinabi niya ang inorder niya na isang black coffee. Habang hinintay ko yung kape ay napatingin ako sa puwesto niya ulit. Nakatingin lang ito sa bintana at walang makikita na emosyon sa mukha niya.

"Ito na black coffee." sabi ni Tracy saka nilapag niya ang order.

"Thank you, Tracy."

Dinala ko na agad yung inorder ng foreigner.

"Here's your order, Sir"

Tumango na lang siya. Namula ang mukha ko nang tumingin ulit siya sa akin. Bumalik na lang ako sa counter saka inaasikaso ko yung ibang gawain. Umabot ng kalahating oras at nandito pa rin yung foreigner. Habang naglilinis ako ng table nang may nakita akong tao na lumapit sa foreigner. Isang foreigner din na may edad na yung lalaki. May dala itong isang suit case. Hindi ko na lang sila pinansin at tinapos ko na maglinis. Ilang minuto nakalipas, tumayo na yung dalawa saka umalis na ito. Sandali, bakit nahihinayang ako nung umalis siya? Hay, guni guni ko lang ito.

"Riley, patulong sa mga boxes sa likod." sabi ni Tracy.

"Sige, susunod na ako."

-

Luther's POV

The face of the young man. The image of him can't get out of my head. The way he smile and look at me are something tingle in my chest. I bang my head in the steering wheel twice. This is so frustrating. I only met him once but why I can't get over him. I need some beer to drink.

BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon