A/N: a person who use sign language and the text message (lines with bold and italic)
Chapter 3
Riley's POV
Sa wakas nakahiga na rin. Pagod na pagod ako ngayong araw. Nakabulagta ako sa aking higaan habang nakatingin ako sa kisame. Napagod ako dahil sa trabaho at sa review para sa exam na naman. Ito lang oras ko na nakapagpahinga.
Dumilat ang mga mata ko nang marinig ako sa pag-beep ng cellphone ko. Agad ko naman tinignan kung ano man iyon. Napakunot ang noo ko ng makita ko isang unknown number sa text message. Sino kaya ito?
'Hey' sabi sa text.
Napabangon ako sa pagkahiga. Ang alam ko walang nakaalam sa number ko except kina Fred, Tracy, at Marco. Baka prank ito. Sinasayang lang nila yung load. Hindi ko na lang papansinin nang sumunod ng isa pang text message.
'It's Luther.'
Luther? Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan niya. Sandali, paano niya nalaman yung number ko? Ni-replyan ko na lang siya.
"Good evening, Luther." bati ko.
'Did I disturbing you or something?'
Ha? Hindi ko mapigilan na tumawa.
"Hindi ah... Nagtaka lang ako kung paano mo nalaman yung number ko."
'I've been to the cafe lately and I asked your coworker about your phone number.'
Naramdaman ko uminit ang mukha ko. Naalala ko pala na may binanggit si Tracy sa akin na pumunta si Luther sa cafe. Akala ko naman nagjo-joke siya nung araw na iyon.
"May messenger ka ba? Doon na lang tayo mag-chat para di sayang yung load mo."
'I don't have any social media accounts. Sorry'
"Seryoso siya?" sabi ko na nang mabasa ko yung text. Pambihira, kayaman ng tao ito ay wala siyang account.
'Can I meet you at the cafe tomorrow?'
Hindi ko namalayan na napangiti ako sa text.
"Sure. Araw-araw naman ako nagtatrabaho doon."
'Good to hear that. See you tomorrow and goodnight.'
"Goodnight din"
Nang nagpaalam kami sa isa't isa, hindi pa rin maalis ang ngiti. Pero napaisip ako kung bakit gusto niya akong makipag-close bigla.
Kinabukasan, habang abala ako magpunas ng mga table ay saka dumating si Luther. Casual ang suot niya na plain white shirt at black pants. Iba talaga ang charisma niya. Marahang napailing ako. Bakit ko nasabi iyon?
"Aba, nandito na naman si Mr. Handsome." puna ni Tracy habang bitbit niya ang cafe poster. "Uy, Riley" tawag niya sa akin na sinikuhan niya ako. "Ano mayroon? Nase-sense ko na may something siya sa iyo. Iba kasi kinikilos niya eh."
"A-Ano pinagsasabi mo dyan?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Kita namin na kumaway si Luther sa akin.
"Yieee. Sige na puntahan mo na siya. Wala naman gaanong costumer ngayon. Tawagin na lang kita kapag mayroon." pag-instruct niya sa akin sabay kumindat pa siya.

BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]
RomanceSynopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive step-father. Pangarap niya makaipon para umalis sa pader ng step-father niya at makapagpatuloy ang...