Chapter 16
Riley's POV
'Anak, ito pala ang graduation gift ko sa iyo.' senyas ni Mama saka binigay sa akin isang regalo.
Napatakip ang bibig ko dahil na-overwhelmed ako sa binigay ni Mama. Kanina lang natapos ang high school graduation namin. Highest honor ang natanggap ko kaya laking tuwa ko sa achievement ko ngayon. May napag-usapan na kami ni Mama kung saan ako papasok ng college o university pero syempre depende kung nakapasa ako sa entrance exam at kung may scholarship.
"Ang ganda naman ito, Ma." komento ko habang sinusuot ko itong bagong sapatos. "Salamat po."
Kita kong napaluha siya sa saya. 'Hindi ako nagsisi na pinalaki kita na isang mabuti at masipag na anak.'
"Ayan ka naman, Ma. Umiiyak ka naman." natatawa kong sabi sa kanya at niyakap ko siya na mahigpit.
Napatigil kami nang may nag-doorbell. Nandito na pala siya. Hindi ko mapigilan na ma-excite. Pagbuksan ko saka lumapad ang ngiti ko sa kanya. Si Luther. Kahit simple lang ang porma niya, nangingibabaw pa rin kagwapuhan niya. Sandali. Sandali. Kung ano-ano na naman iniisp ko.
'Are you busy right now?' tanong niya.
Umiling ako. "Hindi naman." Lumingon ako kay Mama. "Ma, labas lang po kami ni Luther." nahihiyang paalam ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at pumayag din. Simpleng T-shirt at short pants ang suot ko. Sabi ni Luther may supresa daw siya sa akin. Napalunok ako kung ano man iyon. Sumakay kami sa motor niya pauwi sa kanilang mansion. Pagkadating namin pansin ko kaunti lang nagbabantay dito.
'My brother and Ezra went to their date. Then, that's my chance to do this.'
Ha? Ano ibig niya sabihin na 'chance' daw? Nabigla ako nang humawak sa kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob. Dumiretso kami sa kanyang kwarto.
"Ano pala ipapakita mo sa akin?" hindi ko mapigilan itanong ko sa kanya dahil na-curious ako.
Kita ko na may kinuha siya sa drawer. Isang sobre. Kumunot noo ko. Ano kaya ito? Binasa ko ang sulat at nanlaki ang mga mata ko. Ito ay... Napatingin ako kay Luther.
"College scholarship? Luther-"
'I know you're not deciding where to go to college, so I decided that the scholarship from our management would be yours.'
Napaubo pa kaunti habang namumula ang mukha niya. Hindi ko alam na may ganitong side si Luther. Niyakap ko siya na mahigpit.
"Salamat rito. Hindi ko pagsisihan ito at sisikapin ko na makapagtapos sa pag-aaral."
Kita ko na bumuntong hininga siya at parang nalungkot ang mukha niya.
"May problema ba. Luther?" nag-alalang tanong ko.
May kinuha pa siya sa kanyang drawer. Napataas ang kilay ko nang binigay niya sa akin. Isang family picture? Isang middle age man na mukhang strikto at isang magandang middle age woman na nakaupo sa silya. Katabi nila ang dalawang binati. Hindi ko akalain na ang layo ng itsura ni Lucian dito. Samantala, ito talaga si Luther pero pansin ko na maaliwalas ang dating niya.
"Pamilya mo ito, hindi ba?" puna ko habang nakatingin pa rin sa picture. "Bakit pinakita mo sa akin ito?" tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/340574619-288-k660892.jpg)
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]
RomanceSynopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive step-father. Pangarap niya makaipon para umalis sa pader ng step-father niya at makapagpatuloy ang...