Epilogue

712 18 4
                                    

Epilogue

Riley's POV

Akala ko noon hindi ko na mahahanap ang kaligayahan ko. Yung tipo makukulong lang ako sa madilim na mundo hanggang sa natagpuan ko ang taong makakatulong sa akin para malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Kumbaga sa faiytale, siya yung dark knight. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan niya ako kahit makapatay pa siya kung kinakailangan.

Hindi ko namalayan na huminto na pala ang kotse. Napatingin ako sa palagid at nakita ko nga nasa sementeryo na kami. Halo ang nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ako ni Luther sa kamay ko.

'Ready?' tanong niya.

Tumango ako at kinuha ko ang isang basket na bulaklak. Si Luther nagsabi sa akin na pinahanap sa mga tauhan niya ang mga bangkay ng magulang ko. Sa pagkuha ng mga labi, pinalibing nila na maayos dito sa sementeryo. Nang marating namin ang puntod, hindi ko mapigilan na umiyak nang mabasa ko sa lapida.

In Loving Memories,

Mary Jane and Benedict Delgado

Nilagay ko ang bulaklak sa tabi ng puntod at nagsindi ng kandila. Nagdasal ako para sa kanila. Kung saan man sila, gusto kong malaman nila na nasa maayos ang kalagayan ko dahil sa tulong ni Luther. Nang matapos ko ang gusto kong sabihin sa kanila, nagpaalam na ako na maayos bago umalis.

"Halika na, Luther." pagyaya ko sa kanya.

'Are you okay now?'

Kita ko sa kanya ang pag-alala. Ngumiti ako sa kanya. "Oo, masaya na akong nakalibing na sila na maayos at pwede ko na silang bisitahin dito." Niyakap ko siya na mahigpit. "Salamat. Salamat sa lahat, Luther. Hindi mo lang alam kung gaano mo akong pinasaya."

Niyakap niya akong pabalik at hinalikan niya sa noo ko. Sinulyap ko sa huling sandali ang puntod ng magulang ko.

"Ma, Pa, mauna na po kami. Pupuntahan ko ulit kayo sa susunod. Mahal ko po kayo."

Sa isip ko kasabay na malakas ang ihip ng hangin dito.

-

Nakalipas ng isang buwan, kasalukuyang nagpart-time pa rin ako sa cafe. Ayoko naman galawin yung iniwang yaman ng magulang ko. Gamitin ko na lang kapag kailangan. At nae-enjoy ko pa makasama sina Tracy at Marco sa trabaho.

"May kailangan ka pa, Ezra?" tanong ko sa kanya habang umiinom siya ng milktea.

Umiling siya agad. "Ay! Wala na. Okay na ako rito. Salamat, Riley."

Ngumiti ako sa kanya habang tinapos ko paglilinis sa kabilang table. Galing pa siya sa bahay ng best friend niya kaya naisipan niya daw na kumain na lang siya rito. Yung magkapatid naman ay may pinuntahan sila dahil sa involvement ng Vendetta Organization. Sa ngayon, hindi pa natagpuan ang natitirang leader sa grupo na iyon.

"Alam mo, excited na akong makasabay na tayo pumasok sa college sa susunod na pasukan." masayang sambit niya. "Ipapakilala kita sa dalawang kaibigan ko. Sigurado ako magiging ka-close mo rin sila."

"Okay lang ba sa kanila? Kung ganun, sana nga makasabay ko kayo sa mga lunch break." sabi ko naman.

Sayang lang at nasa ibang college napasukan ni Fred. Mami-missed ko yun. Magsasalita pa sana siya nang marinig namin ang isang pamilyar na boses.

"Good day, gentlemen."

Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang Godfather. Naka-office attire pa siya. Bakit nandito pala siya? Hindi ko naman akalain na bibisita siya ngayon.

BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon