Chapter 13

295 11 1
                                    

Chapter 13

Riley's POV

Nakalipas ng ilang araw naging normal na ang kaganapan sa school. May mga nagtataka kung bakit may mga nasirang gamit na parang may nag-away. Agad naman nalipas ang issue na iyon. Kasabay iyon, natuloy ang pag-alis nina Luther at Lucian. Hindi na lang nila binanggit kung saan iyon. Naninibago pa ako dahil ilang araw na wala si Luther. Sinabi pa niya na di siya makakatawag dahil madi-distract lang sa magiging plano nila ng kapatid niya. Bumuntong hininga ako. Talagang hassle ang pagiging mafia.

Nagulat ako nang may bumulaga sa harapan ko. Pambihira naman si Fred. Itong loko naman tawang tawa naman.

"Uy, Riley, tahimik ka naman dyan." kinuha niya ang isang bakanteng upuan. "May problema ba? Yung foreigner na jowa mo na naman ba?"

Umikot ang mga mata ko. "Hindi ko pa siya jowa, Fred."

"May 'pa' pala. Edi ibig sabihin magiging kayo nga."

Napangiwi ako sa mga sinasabi niya. "Tumigil ka nga." inis kong sambit.

Tumawa ang loko. "Ikaw naman. Ano nga problema mo ngayon?"

Wala sana akong balak sabihin sa kanya. Bumuntong hininga ako at umiwas ang tingin niya sa akin.

"Nalulungkot lang ako dahil may importanteng pupuntahan siya kasama yung kuya niya pero babalik siya ng next week naman." saad ko. "At plano kong umamin sa kanya pagbalik niya."

Lumapad ang ngiti ni Fred. "Talaga? Masaya ako para sa iyo, Riley."

"Sa tingin mo ba, mawo-work out ba yung relasyon namin?" alanganin kong tanong.

"Alam mo wala naman masama kung susubukan mo." diretsong sagot niya.

Sakto naman nag-bell at uwian na. Dati rati si Luther ang palaging nagsusundo sa akin pero ngayon ay mag-isa na ako umuuwi o pumunta sa part time job ko. Mabuti may pamasahe pa ako-

"Riley."

Napalingon ako sa kabilang diretso kung saan may tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ezra. Kumaway siya sa akin. Naka-casual yung suot niya pero may nakita akong may college ID na suot niya. Pansin ko na may mamahaling sasakyan pa siya.

"Hi!"

"H-Hello. Napunta ka rito."

"Bilin din ni Lucian na samahan muna kita dahil may gagawin sila ng kapatid niya." saad niya. "May free time ka ba ngayon? May bagong bukas na arcade sa mall ngayon."

Binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti. "Pasensya na, Ezra, may part time job pa ako."

Medyo na dismaya ang itsura. "Ganun? Sayang." madaling lumiwanag ang itsura niya nang may naiisp siya. "Eh kung doon na lang ako mag miryenda, okay lang ba? Sabay na tayo pumunta doon. Tutal mamaya pa uuwi ang parents ko at wala naman si Lucian kaya doon muna ako."

Hindi ko mapigilan na matuwa sa narinig ko. "Sige, pwede naman."

Niyaya niya ako sumakay sa sasakayan at sa kanya ko nalaman na kay Lucian pala itong koste na ito. Nakilala ko pa ang personal driver niya na si Mr. Caleb. Pagdating namin doon ay pinakilala ko kina Marco at Tracy. Nag-order si Ezra ng two slices of chocolate cake at shake.

Umabot na 2PM at kaunti lang yung customer namin dahil ganito talaga kapag Wednesday o Thrusday. Nagpaalam ako kay Tracy na kausapin ko lang si Ezra kaya pumayag naman siya.

BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon