Chapter 12
Riley's POV (Few minutes ago)
Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko. 9AM na at malapit na magsimula ng program. Lahat ng estudyante at mga guro narito sa gymnasium. Medyo crowded pa nga dahil lahat ng year nandito. Matatagal pa kaya magsimula? Hindi ko na mapigilan na ito.
"Fred, CR lang ako." Paalam ko habang abala pa siya sa paglalaro sa cellphone.
"Sige. Sige. Ay, buwisit. Natalo na naman ako," namamadaling sagot niya habang gigil na gigil sa nilalaro niya.
Napailing na lang ako saka umalis sa pwesto ko. Lumabas na lang ako dahil alam kong maraming tao doon sa CR ng gymnasium. Atleast, sa kabilang CR ay walang katao tao doon. Nang matapos umihi, pansin ko yung lalaking janitor. Siya yung nakita ko kanina sa hallway namin. Dumaan siya sa exit ng gymnasium na may dalang isang bag. Bigla akong kinatuban ng di maganda.
'Sundan ko kaya?' Isip ko.
Dahil hindi akong makapali, sinundan ko siya. Maingat akong naglakad para di niya akong mapansin. Bigla akong huminto at nagtago sa sulok nang may nakasalubong siyang tao. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung isang lalaki na naka-suit. Binigay ng janitor yung bag sa kanya.
"The bomb is ready."
"Wait for my signal."
Bomb?! Parang bumuhos sa akin ng malamig na tubig sa katawan ko nang marinig ko iyon. Nang makaalis na silang pareho, hindi ko mapigilan na kabahan. Kailangan ko isumbong ito. Kinapa ko ang aking bulsa pero pansin ko wala doon ang hanap ko. Malas naman. Bakit ko naiwan pa yung cellphone ko sa bag ngayon? Makitawag na lang kay Fred ngayon para tawagin si Luther.
Bumalik na lang sa dinaanan ko pero muntik na ako mapasigaw nang may tumumba sa akin ng isang lalaki at tinutok ang kutsilyo sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Luther. Maski siya ay nagulat din.
"L-Luther?"
Agad naman umalis sa pwesto niya at tinulungan niya ako tumayo. Sandali. Kung nandito siya ibig sabihin-
"I'm so sorry, Riley. I didn't expect to see you now." Paliwanag niya
"Mabuti nga nandito ka. Hindi ko alam kung saan o kanino ako hihingi ng tulong ngayon." Pag-alala kong sambit sa kanya.
Halos maiiyak ako sa mangyayari.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Y-Yung bumisita sa school ngayon, may mga dalang bomba." sumbong ko sa kanya. "Sinundan ko yung di kilalang janitor rito at narinig ko usapan niya sa kasama niya yung mga gagawin nila mamaya."
Mukhang napaisip si Luther. Kung nandito siya, ibig sabihin ay alam niya na may mangyayari rito sa school? May kinuha siya sa pants niya at binigay sa akin ng isang hand gun. Nagulat ako sa nahawakan ko.
"Just in case if you're in tight situation, use it." sabi niya.
"P-Pero"
"We don't have much time. Go back inside and I'll make sure to defuse the bomb."
Pagkatapos na sinabi iyon, umalis agad siya. Napalunok ako sa kung ano mangyayari. Mag-focus ka, Riley, at gawin mo ang bilin niya. May tiwala naman ako kay Luther pero hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Nang makabalik ako sa loob ng gymnasium, sinugurado kong nakatago yung baril ko sa pants. Mabuti at maliit ito kaya hindi halata kapag tinago.
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]
RomanceSynopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive step-father. Pangarap niya makaipon para umalis sa pader ng step-father niya at makapagpatuloy ang...