Chapter 6
Riley's POV
"Wow." Ito ang una kong salita pagkarating namin sa bagong bahay na pagmamay-ari nina Luther at Lucian.
Hindi matanggal ang mga mata ko sa simple pero maganda ang bahay. May second floor ito na kung saan doon ang kwarto namin ni Mama. Kompleto na mga gamit rito kaya hindi na hassle na sa amin yung ibang sirang gamit. Tinabi ko muna yung mga bag at inaalayan ko si Mama pumasok sa bahay. Ngayon araw kasi ang discharge niya sa hospital kaya sakto din pagpunta na namin rito.
"Upo ka muna rito, Ma. Ako ang bahala sa ibang gamit natin." Sabi ko at tumango siya sa akin.
Medyo bumabalik na rin ang lakas niya pero syempre pina-advice ng doctor na kailangan niya rin magpahinga at huwag siya mabinat.
"Nakakapanibago rito lalo pa ang ganda yung bahay nito." sabi niya habang mangha siya sa bagong nilipatan. Napatingin siya kay Luther na nasa likod ko. "Hijo, salamat sa tulong mo sa amin."
"You're welcome, Ma'am." Napatingin siya sa akin. "And, Riley, I need to go back to my brother. I'll visit you tomorrow then." sabi niya.
Napatulala ako sa kanya. Wala siyang expression ang mukha niya. Biglang may kumirot sa dibdib ko. Parang nahihinayang ako. Napalunok ako saka nagsalita. "Sige, pasabi na rin sa kapatid mo na salamat sa tulong niya rin." sabi ko.
Napatikom ang bibig ko dahil pinigilan ko magsalita pa. Alam ko hindi maganda naging usapan namin nung huli. Tumango na lang siya saka umalis. Nagpahinga muna kami ni Mama bago nag-ayos ng mga gamit namin at nagluto ng pananghalian. Hindi namin pinag-usapan muna yung mga nangyari. Binigyan pa kami ni Luther ng mga bagong cellphone. Atleast daw, naka-detect ang GPS at bagong number para hindi ma-trace ng mga kalaban.
"Ma, mamaya na lang ko ligpitin yung ibang gamit. At huwag po kayo muna mapagod ngayon." sabi ko habang pinunasan ko ang aking pawis. Kunting ayos na lang sa mga gamit tapos okay na.
Habang kumakain kami ng tanghalian, may nag-doorbell ngayon. May kailangan kaya si Luther? Tinignan ko sa peekhole at napakunot noo ako dahil hindi ko kilala yung tao. Pagkabuksan ko ng pinto ay kasing edaran ko lang yung lalaki o mukhang babae ang itsura niya at sa pangangakatawan niya, at medyo maliit siya kaysa sa akin.
"Sino po kayo?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "Ah... Hello po. Ako yung kaibigan ni Luther. Ezra ang pangalan ko po." pagpapakilala niya.
"Hello din." bati ko. "May kailangan ka rito?"
"Actually, gusto ko lang ma-meet kayo since kinukuwento ni Lucian sa akin. Nalaman ko pa na yung nangyari sa inyo kaya nag-alala din ako. So, naisipan ko na bisitahin dito."
Mukhang mabait naman siya. Halata naman na concern siya sa amin.
"Thank you sa concern mo. Riley ang pangalan ko."
Ngumiti ulit siya saka binigay sa akin yung isang basket na prutas. "Okay lang ba punta ulit ako rito? Hindi ako nakapagpaalam sa parents ko ngayon para magkilala pa tayo." sabi niya na napapakamot sa batok niya.
"Walang problema sa akin." nakangiti kong sabi.
Nagpaalam na uuwi na siya. Hindi ko akalain na makilala ko ang mga kakilala ni Luther. Ibig sabihin kasama din siya sa mafia? Parang imposible din dahil sa itsura at kilos niya. Narinig kong ang pagtawag ni Mama sa akin dahil naiwanan ko yung kinakain ko.
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]
Lãng mạnSynopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive step-father. Pangarap niya makaipon para umalis sa pader ng step-father niya at makapagpatuloy ang...