Chapter 7
Riley's POV
Habang naglalakad ako sa entrance ng school, napahawak ako sa dibdib ko. Parang tumatalon ang puso ko habang nag-usap kami. Hindi inaasahan na siya pa naghatid sa akin dito tapos niyaya niya ako na may pupuntahan kami mamaya. Namalayan ko na nakangiti pala ako. Masaya ako na parang yung katulad na dati na ganito bonding namin.
"Riley!"
Napalingon ako nang marinig ko yung sigaw ni Fred. Kita kong tumatakbo siya papunta sa direksyon ko. Yari siya kapag may nakakita sa kanya ng teacher rito.
Nagtaka naman ako. "O, Fred, kaaga-aga sumisigaw ka dyan at parang may humahabol sa iyo." puna ko. "May problema ba?"
Hiningal pa siya bago nagsalita. "P-Pasok muna tayo sa classroom." sabay namadali kami pumasok sa classroom.
Teka, mangyari ba na hindi ko alam? Nang makaupo kami, nilapit niya yung upuan niya sa akin.
"Ano ba iyon?" naiinip kong tanong nang nakaupo ako sa table ko.
"Kasi naman nagbubulungan yung mga tao rito. Sabi nila ay nakita nilang nakasakay ka sa isang mamahaling kotse. May ilan naman nakakita yung driver na ubod na gwapo daw. Alam mo naman yung mga girls dito." sabay pag-ikot ng mga mata niya. "Pero sino ba iyon? Yun ba yung kinuwento mo sa akin? Yung foreigner?" tanong niya halatang pagiging curious niya.
Napatunganga ako sa kanya. Pati ba iyan ini-issue rito sa school? Hay naku, mga waang magawa. Akala kung ano nangyari.
"Oo, siya yun. Hinatid niya lang ako dahil dadaan siya sa street na na ito." sagot ko.
"Mabuti naging okay na kayo. Kayo na ba?"
Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pinalo ko siya sa noo.
"Aray!"
"S-Sira! Kaibigan ko lang siya."
Kaibigan ko lang ba?
Sakit naman ginawa mo." sabay himas niya sa noo. "Biro lang naman." napapangiwi siya.
Umikot ang mga mata ko sa kanya. Kailan ba naging usisero ito si Fred?
"Maiba tayo, kamusta pala si tita? Nakalabas na siya sa hospital?" nag-alalang tanong niya.
Tumango ako. "Oo, nung last week pa siya nakalabas. Nasa mabuti kalagayan na si Mama saka lumipat na kami ng bahay."
Bumuntong hininga siya. "Hay, grabe yung nangyari sa inyo. Nung tumawag ka sa akin, nag-alala talaga ako. Plano ko nga na bisitahin ko kayo nung nakaraang araw pero alam mo naman yung parents ko masyadong strict. Pero okay lang ba bisitahin ko kayo kahit saglit lang?"
Ngumiti naman ako. "Oo naman."
Ang bilis ng araw. Kailan lang nangyari iyon sa amin ni Mama. Natapos nga pala ang imbestigasyon tungkol kay Papa Nestor dahil ginawa ng paraan ni Harold. Para sa ganun, hindi na kami guluhin pa maski ang mga pulis o reporter.
-
Third person's POV
"The f*ck! Ang dali na nga lang trabaho niyo, hindi niyo pa nagawa na maasyos!" bulyaw ni Mr. Trevor Espanya sa kausap niya sa telepono saka padabog na nilagay niya sa lamesa.
Mabigat ang hininga niya dahil sa galit niya. Niluwagan niya ang kanyang kurbada saka napahilamos ang mukha niya.
"Hot headed again, Mr. Espanya."
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #2: The Mute Mafia [BL I R-18]
RomanceSynopsis: "I'll make you scream. Scream my name in pleasure." Riley Montesa has a difficult life. Having to live with his mute mother and his abusive step-father. Pangarap niya makaipon para umalis sa pader ng step-father niya at makapagpatuloy ang...