Part 26

21.8K 1K 168
                                    



DO YOU WANT AN ADVANCE COPY OF THIS STORY?


Someone asked me about an advance copy of this story at pinag-isipan ko, why not? Nagtanong na din ako sa members ng Facebook group ko at may mga interesado ding bumili. So, sa mga gusto ng advance copy in ebook format (softcopy), pahintay na lang po ng susunod na info kasi pinag-uusapan pa namin ng Whimsical ang pricing and distribution. Sa ngayon po, ang masasabi ko lang about sa advance copy ay ito: It is the original unedited manuscript, meaning, hindi pa po na-edit professionally iyon. Gahol na kasi sa oras kung hihintayin pang ma-edit. We will sell it before the story ends here in Wattpad, so the buyers will have the privilege to read it completely before anyone else. Hindi lang iyon, may parts doon na wala dito sa Wattpad version. Kung interested po kayo, kindly wait for more details. Thank you so much! ~ ML 




 "Hiii! Kamusta ka na?" masayang tanong ni Collette kay Pierre.

"Ayos naman." Binalingan ni Pierre si Amari. "Siyanga pala, this is Amari, my girlfriend," pagpapakilala nito sa kanya kay Collette. "Amari, this is Collette."

Hindi nag-effort ngumiti si Amari. Badtrip ang vibe niya sa babaeng ito, hindi siya magpapaka-plastic. Hindi rin ngumiti si Collette sa kanya.

"Kilala ko siya, kapatid siya ni Nicci Forteza, 'di ba?" tanong nito kay Pierre.

"Kakambal, actually," pagtatama ni Amari.

Nagpaalam si Collette nang may waiter na nag-alok na ihahatid ito sa isang mesa. Kitang-kita ito ni Amari na panay tanaw sa kanila ni Pierre habang nakapuwesto malayo sa kanila.

"Saang beauty contest naman iyon, nanalo?" tanong niya kay Pierre.

Natawa ito bago sumagot. "Paano mo naman nasabing nanalo siya sa ganoon?"

Nagkibit-balikat si Amari. "Iyong itsura niya kasi, mukhang isa sa mga ex mo."

"Fine, she was my ex-girlfriend. Nanalo siya sa Bikini Open sa beach sa Rosario."

"Iyong summer contest sa Escape resort?"

"Oo."

"Bakit kayo nag-break?"

"Nag-abroad siya, she was working in a cruise ship casino or something."

"Bakit hindi mo pinigilan?"

Natigil sa pagkain si Pierre at tumingin sa kanya. "Bakit ko siya pipigilan kung iyon ang gusto niyang gawin? She said it was her dream to travel the world. Plus, we were both young that time, kaka-graduate lang namin sa college noon."

Muling tumingin si Amari sa direksiyon ni Collette, nahuli niya uling nakatingin ito sa mesa nila ni Pierre. That time, nakipagsukatan siya ng tingin dito. Tumaas ang isang kilay nitong de-guhit.

Aaay, may ganoon? Taasan pala ng kilay, ha? Gumanti siya siyempre. Mas mataas ang iniarko ng kilay niyang all-natural ang pagkakatubo at maganda ang pagkakaarko.

Lavarn, Maria!

"Nagsisisi na yata sa desisyon niya," sabi niya kay Pierre na hindi inialis ang tingin kay Collette na mas tumaas din ang japeyk na kilay. Naghahamon talaga ang hitad.

Siyempre hindi pa rin siya nagpatalo. May itataas pa ang kilay niya. Siya pa ba ang uurong sa tagisang ganito? Excuse her, ano? Kung taasan lang ng kilay, siya ang mag-uuwi ng korona.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon