BHM: Introduction

5.6K 40 2
                                    

Prologue

Sadya nga bang tayo rin ang gumagawa ng ating kapalaran?

Tayo rin ang pumipili ng bawat daan nating tatahakin?

Sino nga ba ang taong nakakaalam ng kanyang kapalaran? Wala diba?

Minsan sa buhay, dumadaan tayo sa matinding unos hanggang sa umabot na sa puntong parang gusto mo nang sumuko pero kailangan mong kayanin dahil sa mga mahal mo sa buhay na umaasa sayo.

Ang iba naman dahil sa kapabayaan, napapariwara at napupunta sa maling daan.

Yung iba naman kapag may nakitang pwedeng masandalan, umasa nalang. Di na natutong tumayo sa sariling mga paa.

Siguro nga tayo talaga ang gumagawa ng ating kapalaran, sa pamamagitan ng ating mga pipiliing desisyon.

Tulad ko, napili ko ang maling desisyon para sa aking kapalaran. Di ko alam kung ako ba talaga ang may kasalan o dahil sa pagkukulang ng mga magulang?

Maitatama ko pa kaya ang pagkakamaling nagawa ko? O muling mapatutunayan na nasa huli ang pagsisisi.

**********************************************************************

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon