BHM: I left alone

895 29 9
                                        

Tatlong linggo ng di umuuwi si Itay sa bahay, akala ko noon magiging masaya na ulit kami kahit wala na si Itay.

Patuloy parin sa paglalabada si Inay! Ako naman, minsan naglalako ng gulay na itinanim ni inay sa may bakuran namin, sayang din naman pangdagdag nang pambili ng bigas at ulam namin sa araw-araw.

Ngunit isang araw, sabado yun at kakagaling ko lang sa dagat kasi nanghuli ako ng maliit na isda para sana uulamin namin sa tanghalian. Nagmamadali na akong umuwi medyo tinanghali ako sa dagat. Ang saya-saya ko dahil ang dami kung huli kaya ang kalahati ng huli ko ay pwedeng ibinta ni inay.

Pero para akong pinagbagsakan ng langit ng pag uwi ko sa bahay nakita ko si inay na pasakay na ng tricycle kasama ang dalawa ko pang kapatid.

"Inay! Inay!" tawag ko sa kanya. Liningon niya ako pero nagtuloy parin sa pagsakay ng tricycle.

"Inay! Sasama po ako! Bakit niyo po ako iiwan!" sigaw ko ng magsimula ng tumakbo ang tricycle palayo.

Pilit kong hinahabol ang tricycle pero dahil sa ang liit-liit ko, di manlang ako makahabol.

Napatigil nalang ako sa pag habol.

"Inay! Inay" tawag ko sa kanya ng paulit-ulit pero di manlang siya lumingon. Iniwan niya lang ako na wala manlang sinabi na kung ano. Basta niya lang akong iniwan.

Nanlulumo akong umuwi ng bahay, at doon, maghapong umiyak. Pilit kung tinatanong ang sarili ko kung bakit niya ako iniwang mag isa! Paano na ako ngayon?

Kinagabihan, umuwi si Itay at galit na galit sa akin. Kasi daw ako ang boysit sa buhay nila! Ako daw ang malas sa kanila! Kasalanan ko daw kung bakit lumayas si Inay kasama ng dalawang kapatid ko. Umiyak nalang ako ng umiyak sa isang sulok. Kasalan ko ba talaga kung bakit iniwan nalang ako ni inay? Malas ba talaga ako?

Sa mura kung edad! Itinamin ng walang kwenta kung ama sa isipan ko na ang malas-malas ko.

Iniwan nila akong mag-isa.

Di ko na namalayan ang mga araw, patuloy parin ako sa pagpasok sa eskwelahan. Kahit walang baon, pinipilit ko paring pumasok. Minsan naman binibigyan ako ng mga klasmeyt ko ng baon nila. Sa harap ng mga klasmeyt at teacher ko, makikita nilang napaka masayahin kung bata.

Pag sa school, ang saya-saya ko at sa tuwing sasapit ang uwian, parang ayaw kung umuwi kasi ang lungkot lang sa bahay. Kung pwede lang sana na sa school nalang ako habang buhay doon nalang ako.

Sa tuwing sasapit ang uwian, that was my greatest fear, because I feel like, I was killed slowly by loneliness.

Di ko narin nakita ang walang kwenta kong ama, simula noong sinumbatan niya ako at sinabihang malas. Di na siya ulit umuwi.

Di ko alam kung paano ako nakakasurvive sa mag-isang namumuhay. Salamat narin sa ilang mabubuting kapitbahay, na minsan nagbibigay ng pagkain sa akin. Minsan naman inilalako ko ang gulay sa bakuran namin, para pambili ng bigas.

Natuto akong mamuhay ng mag-isa. Dahil kahit ang mga kamag-anak ko, ayaw akong tanggapin. Bakit sila ganoon? Minsan nga ng pumunta ako sa bahay ng tiyahin kong may tinitindang banana q para sana tumulong sa pagbibinta pero sakit lang sa puso ang natamo ko.

"Lumayas ka nga dito! Di pa ako makabinta dahil sayo e!" galit na sabi ng tiyahin ko.

"Tutulongan ko po kayo Auntie, kahit isang banana q nalang po ang isahod niyo sa akin, sige na po di pa po kasi ako kumakain e!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Pakialam ko ba! Layas ka nga dito! Ang malas mo kaya magtiis ka sa gutom!" sigaw niya sa akin at di pa nakuntento, tinulak-tulak pa ako palabas ng tindahan niya.

Wala akong magawa, umiiyak nalang akong umalis sa tindahan ng tiyahin kung walang puso. Umuwi nalang ako sa bahay at doon tubig nalang ang pinagtyagaang inumin para maibsan ang gutom na nararamdaman ko.

"Marie? Nandiyan kaba?" rinig kung may tumawag sa akin kaya lumabas ako para tingnan kung sino.

"Ay! Aling Tere kayo pala! Bakit po?" masayang sabi ko.

Nakita kung naiiling nalang siyang nakatingin sa akin.

"Oh! Itong tinapay, kainin mo na! Alam ko namang gutom na gutom kana!" sabi niya sabay abot ng tinapay.

Naramdaman ko na namang nag iinit ang sulok ng mga mata ko. Habang nakatingin sa iniaabot na tinapay ng kapitbahay namin.

"Naku wag na po! Salamat nalang po! Busog na po ako!" sabi ko sabay talikod kasi tutulo na talaga ang mga luha ko.

"Naku! Ikaw na bata ka! Ako pa ba pagkakailaan mo? Narinig kita kanina doon sa tindahan ng tiyahin mo! Kaya wag kanang magsinungaling pa! Ito na kunin mo na!" sabi niya sabay hawak sa balikat ko para makaharap sa kanya.

Nahihiya man, pero tinanggap ko narin ang bigay niya. Naiiyak akong tumingin sa kanya.

"Maraming salamat po! Mabuti pa kayo lagi akong binibigyan ng pagkain!" umiiyak na sabi ko. Niyakap nalang niya ako habang umiiyak narin.

Simula noon, tinuruan ko na ang sarili kung wag umasa sa mga kamag-anak ko. Mabuti pa ang ibang tao kaysa sa kanila.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon