July 19, 1991
Friday Afternoon
I just got home from elementary school na pinapasukan ko malapit lang dito sa bahay namin. Grade 1 first section.
Papalapit palang ako sa bahay dinig na dinig ko na ang sigawan ng mga magulang ko nag aaway na naman. Pagkapasok ko, tumambad sa akin ang nagkalat na mga gamit at sa sulok malapit sa kusina namin nakita ko ang dalawa kung kapatid na nanginginig sa takot. Dali-dali ko silang nilapitan at niyakap.
"Anong klaseng bahay ito? Wala manlang makain?" sigaw ni itay sabay dampot ng kaldero saka itinapon kay inay.
Lasing na lasing na namang umuwi si Itay. Sa buong linggo niyang pagtatrabaho, di manlang nagbibigay ng kunting pera sa kay inay para pambili ng pagkain namin. Naaawa ako kay inay dahil sa paglalabada niya.
"Ano naman ang ibibigay kong pagkain sayo! Ni hindi ka nga nagbibigay sakin ng perang pambili! Sa buong linggo mong pagtatrabaho diyan lang sa sugal at inom napupunta ang pera mo!" umiiyak na sigaw ni inay. Tahimik lang ako dito sa sulok kasama ang dalawang nakababatang kapatid kong lalaki na umiyak dahil sa takot.
Naawa ako sa kanilang dalawa, dahil sa murang edad ganito na ang nararanasan nila.
"Sshh! Wag na kayong umiyak! Nandito na si Ate" sabi ko sa kanila habang yakap yakap silang dalawa. Umiiyak narin ako, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nag uumapaw na galit sa walang kwenta kung ama.
"Bakit ha? Pag binigyan kita ng pera siguradong gagastosin mo lang kasama ng mga lalaki mo!" sigaw ulit ng kanyang ama.
"Aba't gago ka pala e! Buong maghapon akong naglalabada para may ipambili ng pagkain ng mga anak mo! Kasi kung aasa kami sayo, baka mamuti lang ang mga mata namin sa kakahintay dito! Kaya wag na wag mo akong pagbibintangan ng ganyan!" sabi ng kanyang inay.
"Ah ganon! Sumasagot kapa ha?" galit na galit na sabi ng kanyang itay at nilapitan si Inay saka biglang sinakal. Napatakbo naman ako palapit sa kanila at pilit na itinulak palayo si itay. Dahil sa sobrang kalasingan napatihaya siya sa lakas ng tulak ko. Nang makatayo, sa akin ibinunton ang galit niya. Parang wala lang na ibinitin niya ako saka walang pakundangang ibinalibag sa may tarangkahan namin. Sa liit ko ba naman, para lang akong unan na basta lang itinapon.
Napangiwi ako ng malakas na humampas ang likod ko sa may kawayang pinto namin. Napasigaw naman si inay at dali-daling lumapit sa akin.
"Hayop ka talaga! Demonyo kang hayop ka!" galit na galit si inay at pinagpapalo si itay ng nadampot niyang kahoy panggatong namin.
"Aray! Lumalaban kana ngayon ha!" galit na galit na sabi ni itay kay inay.
Sinampal niya ng malakas si inay. Di pa nakuntento inundayan niya pa ito ng suntok sa sikmura.
"Hayop ka! papatayin kitang hayop ka!" sigaw ni inay sabay dambot ng itak.
Parang nawala naman bigla ang kalasingan ni itay. Kaya't dali-dali siyang tumakbo papalabas ng bahay.
Nanginginig na napa upo si inay sa tabi ko saka ako niyakap. Nagsilapit din ang dalawa ko pang kapatid na hanggang ngayon umiiyak parin.
Sabi ko noon sa sarili ko. Dadating ang araw na makapaghigante ako.
I hate you! I hate you itay!
![](https://img.wattpad.com/cover/4588537-288-k235196.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind The Happy Mask
Historia CortaSi Marie Crisp, simpleng babae, matalino, palakaibigan at masayahin. Pero sa kabila ng magiging masaya, nakatago ang pighati at pangungulila sa mga taong mahal niya. Hanggang kailan siya magdudusa sa pait ng kapalaran? Wala na ba siyang karapatang m...