BHM: I Survive

818 26 2
                                    

Kaybilis lumipas ang panahon, at ngayon ay recognition na namin. Ilang buwan na ba akong namumuhay mag isa? Ah di ko na maalala.

Pilit ko nalang na kinakalimutan ang mapapait na nangyari sa akin. Tulad nalang noong nakaraang buwan ng may dumaan na bagyo. Hindi manlang nag abalang silipin ako ng mga makag anak ko.

Mabuti pa ang ibang tao at nagmamalasakit sa akin.

Nasira noon ang bubongan ng bahay namin dahil nilipad ng malakas na hangin na dala ng bagyo. Basang - basa na ako ng ulan, pero di parin ako umalis sa bahay namin. Wala naman kasi akong pupuntahang iba. Ayoko na muling magbabasakali sa mga kamag anak kong walang puso. Baka ipagtaboyan lang ako ulit. Masakit pag pinagtatabuyan ka ng mga taong inaakala mong dadamay sayo.

Inumaga ako na nilalamig dahil basang - basa ng ulan.

Di ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari sa akin. Nagising nalang ako na nasa health center ng barangay namin.

Sabi ng kapitbahay namin nakita niya daw akong basang-basa at inaapoy ng lagnat. Ilang araw din akong nag stay sa health center. Pero di manlang ako magawang dalawin ng isa man sa mga kamag-anak ko.

Tanging ang kapitbahay lang namin ang nagtatayagang mag alaga sa akin. Sinabi pa niya noon na doon nalang daw ako tumira sa kanila, pero tumanggi ako. Dahil ayaw na ayaw kung kinakaawaan ako. Kaya pinagawan nalang nila ako ng maliit na kubo doon parin sa kinatatayuan ng bahay naming winasak ng bagyo.

"Now to our first honor! Marie Crisp!" narinig kung tawag ng emcee namin. Kaya dali-dali na akong umakyat ng stage umaasam na mayroon mang isang kamag-anak ang magkabit ng medal sa akin. Napayuko nalang ako ng ang adviser ko nalang sa grade ang nagkabit ng medalya ko.

"T-thank you Ma'am!" nakangiting sabi ko sa kanya. At pagkatapos noon, bumaba na ako ng stage at dumeretso ng pauwi, di ko na pinatapos pa ang program. Pagdating ko sa bahay, umiyak nalang ako ng umiyak.

Bakit ganoon? Araw-araw, hinihintay kong may pupunta dito sa tirahan ko at sasabihing--- "Marie kamusta kana dito anak?" pero wala. Ni anino niya ni minsan di ko na ulit nakita. Di narin siya nagawi dito sa baryo namin.

Nasaan na kaya siya?

Patuloy akong namumuhay mag isa. Minsan, sumasama ako sa kapitbahay namin sa dagat at tumutulong mangisda. Kahit babae ako, kayang-kaya ko ang mga gawaing panglalaki. Pwera nalang syempre sa pagbuhat ng mabibigat. Ang liit-liit ko para lang akong kindergarten sa laki.

Dumaan ang mga araw na ganoon lang ang buhay ko. Minsan, naglalako ko gulay mula sa mga tanim ni nanay noon sa bakuran namin na patuloy kung inaalagaan. Minsan naman naglilinis ng bahay ng isa sa mayamang pamilya sa baryo namin. At sa kakarampot na perang ibinigay nila ay nagawa kong makabili ng bigas para may makain ako sa araw-araw. Nagiipon din ako mula sa mga kinikita ko sa paglalako ko gulay at sa pagsama sa dagat.

Dahil ipinangako ko sa sarili, na kahit wala ng pumansin sa akin. Ipagpapatuloy ko parin ang pag-aaral ko.

Natapos ang bakasyon, at dumating na ang pasokan kaya pumunta na ako sa skwelahan ng baryo namin para mag-enroll.

"Marie! Mag eenroll kana ba?" tanong ng incharge sa pag lilista ng nag eenroll.

"Opo Ma'am!" masigla kong sagot.

Ngumiti siya. Saka tinapik ang balikat ko. Di naman lingid sa kanilang lahat o sa buong baryo kong ano ang kalagayan ko. Minsan naiiling nalang sila na pinipilit ko paring ipakita sa kanila na masaya ako.

"Di mo na kailangang magpayag ng enrollment fee! Dahil ikaw ang 1st honor, scholar kana ng eskwelahang ito. Ang kailangan mo nalang gawin ay mas pagbutihin pa ang pag - aaral at emaintain ang iyong mga grado!" nakangiting sabi niya.

"Talaga ho ma'am? Naku! Maraming salamat po!" tuwang sabi ko saka niyakap siya. Tinapik niya naman ang likod ko. Di ko na napigilan ang luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata ko. Mabuti nalang at may mga mabubuting tao pa ang natira para tumulong sa akin.

Pagkagaling ko sa skwelahan, deretso na ako ng uwi.

Pagdating ko sa bahay, tuwang-tuwa ako ng madatnan ko doon si itay.

"Itay! Umuwi kana!" tuwang sabi ko at akma sana siyang yayakapin pero tinulak lang niya ako.

"Wag na wag mo nga akong hahawakan! Mamalasin na naman ako sayo e!" sagot niya. Napayuko nalang ako at tahimik na umupo sa nagiisang upuan ko doon na gawa sa kawayan.

"Saan po kayo nanggaling? Bakit ngayon lang kayo umuwi?" tanong ko na pilit pinipigilan ang mga luha kong nagbabadya na namang lumabas mula sa mga mata ko.

"Ano naman ang pakialam mo? May pera ka diyan? Akin na!" sagot niya sabay lahad ng kamay sa harap ko.

Napaangat naman ako ng ulo. Ngayon di ko na talaga mapigilan ang mga luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

"Ilang buwan niyo akong iniwan dito? Ni hindi niyo nga alam kung may kinakain ako o wala! Tapos uuwi lang kayo dito para humingi ng pera sa akin? Di na kayo nahiya?" bulyaw ko sa kanya.

"Aba't kaylan kapa natutong sumagot - sagot sa akin ha?" sigaw niya sabay sampal ng malakas sa pisngi ko.

Dahil sa lakas ng sampal niya, napabalya ako sa may dingding ng bahay ko. Napahiyaw naman ako sa sakit dahil bumaon sa braso ko ang naka usling pako sa may dingding.

"Marie! Anong nangyari sayo! Bakit ka sumisigaw?" rinig kong sabi ng kapitbahay namin sabay pasok sa pintuan ko. Medyo nagulat pa siya ng makita si itay, pero agad niya akong binalingan at dinaluhan.

"Wag kang makialam dito!" sigaw ni itay sa kanya. Galit naman siyang binalingan ng kapitbahay namin.

"Alam mo! Pwedeng - pwede kitang ereklamo sa dswd, dahil sa ginagawa mo sa anak mo! Pitong taong gulang palang yan, pero nagawa ng mamuhay ng mag-isa dahil pinabaayan ng ama niya!" sabi ng kapitbahay namin.

Hinatak ko ang laylayan ng suot niyang damit para patigilin siya.

"E di mag report ka! Para kunin na nila ang malas na batang yan!" sigaw niya sabay labas na ng pinto.

Binalingan naman ako ng kapitbahay namin saka alalang-alala na tiningnan ang braso kung nadudugo dahil sa pagbaon ng pako.

"Halika sa bahay! Gamutin natin yan sugat mo! Naku! Baka magkatetano kapa!" sabi niya sabay hatak sa akin para makatayo. Di nalang ako nagprotesta pa, umiiyak akong sumunod sa kanya. Hindi dahil sa hapdi ng sugat ko, kundi dahil sa katotohanang baliwala nalang talaga ako sa aking ama.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon