Sunday ng umaga at nag re-ready na kaming umalis. Tulad ng pinangako nila, sinamahan nila akong pumunta sa lugar ng tiyuhin ko. Si Rod at Roi ang kasama ko ngayon dahil natutulog parin sila Lyndon, Kim at Vin. Sa studio na kami nakatulog dahil nagkayayaan pang maginuman kagabi. Nagcelebrate pa kasi dahil kami ang nanalo.
"Ready bunso?" napalingon ako kay Rod ng tanungin niya ako. Ngumiti ako sa kanya sabay tango. Nakangiting ginulo niya ang buhok ko saka pinatalikod hawak ang dalawang balikat ko at itinulak papunta sa sasakyan ni Roi. Inalalayan niya akong makapasok sa likod dahil si Roi ang magda-drive at siya sa shotgun seat uupo.
"Bunso! Bumili kami ng pizza para may makakain mamaya ang mga kapatid mo!" sabi ni Roi. Napatingin naman ako sa dalawang box ng pizza na nasa tabi ko. Napangiti nalang ako saka nagpasalamat sa kanila.
"So! Let's go!" si Roi. Tumango lang ako sa kanya. Saka niya binuhay na ang makina ng sasakyan at nagsisimula ng magdrive. Buong oras ng byahe namin, nakangiti lang ako. Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya sila? Siguro naman hindi sila sobrang pinagmalupitan ng tiyuhin namin. Siguro naman may puso parin ang tiyuhin namin kahit papaano.
Dalawang oras ang ginugol namin sa byahe, dahil may kalayuan din ang lugar ng tiyuhin namin. Sinabi ko lang ang lugar sa kanila dahil hindi ko naman alam ang dereksyon papunta doon. Mabuti nalang at alam pala nila. Tumigil kami ng isang beses para mag banyo saka kumain narin ng tanghalian.
After 30 minutes, nasa byahe na ulit kami.
"Sorry ha! Sobrang layo yata ng lugar ng tiyuhin ko!" nahihiyang sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ano kaba! Wala yun! Ikaw pa e ang lakas mo sa amin!" sabi ni Rod sabay lingon sa akin. Ngumiti lang ako tapos tiningnan si Roi na nakatingin sa akin mula sa rearview mirror. Nakangiti din siya sa akin.
Hindi ko alam kung gaano pa ulit kami katagal bumyahe hanggang sa makita ko ang familiar na kulay ng gate. At alam kong ito na ang bahay ng tiyuhin namin.
"Dito nalang! Ayan na ang bahay niya!" sabi ko sa kanila. Huminto naman agad sila saka umibis ng sasakyan. Pinagbuksan ako ni Roi na nasa kanan ko. Nakangiti akong bumaba. Si Rod naman kinuha ang box ng pizza sa kabilang bahagi.
"T-Tara!" sabi ko dahil bigla nalang akong kinabahan pagkatingin sa bahay ng tiyuhin ko.
Hinawakan ni Roi ang kamay ko saka hinila na papalapit sa gate. Ng makalapit na kami, nagtataka ako kung bakit parang ang tahimik. Parang walang katao-tao.
"Tao po! Tiyo!" tawag ko. Pero nakailang beses na akong tumawag pero wala talagang sumasagot.
"Bunso! Baka walang tao!" sabi ni Rod.
Umiling ako. Impossibleng walang tao dahil linggo naman ngayon. Kung sakaling wala ang tiyuhin ko siguradong nandiyan ang dalawang kapatid ko. Pwera nalang kung pinagtrabaho niya parin siya kahit linggo.
"Marie? Ikaw na ba yan?" napapihit ako bigla ng marinig ang boses ng kapitbahay naming tsismosa.
"Opo!" sagot ko.
"Naku! Gumanda kana ah! Sa inyo pa yung sasakyan? Naku! Umasenso kana!" tuwang sabi niya. Lihim akong napaismid. Kung hindi ko lang alam na wala manlang silang pakialam sa amin noon. Matutuwa pa sana ako sa mga sinasabi niya.
"Ah! Eh! Naku sa kaibigan ko po yan!" sagot ko.
"Ito naman! Magkakaila pa!" sabi niya ulit sabay hampas ng mahina sa braso ko. Napailing nalang ako. Ang tao talaga, madaling mahata kapag plastic.
"Ah matanong ko lang po! Bakit walang tao sa bahay nila Tiyo!" sabi ko.
"Naku! Wala na sila diyan! Nasa Maynila na sila! Magta-tatlong buwan na!" sagot niya.
"Ho? Ang mga kapatid ko po nasaan?" gulat kong tanong ulit.
"Naku! Matagal ng pinalayas ng tiyuhin mo ang dalawang kapatid mo dahil nanlaban si Den sa kanya! Nakita mo ba yang balon na hinukay niyo noon?" sabi niya sabay turo ng mababaw na balon sa di kalayuan. Pinagtulungan namin iyong hukaying magkapatid para di na kami mahirapang umigip sa malayo ng pandilig sa halamanan ng tiyuhin namin.
Liningon ko muna ang tinuturo niyang balon saka tumango at ibinalik ang tingin sa kanya.
"Naku! Alam mo bang ilang beses inilublub ng tiyuhin mo diyan si Jenboy? Kasi kapag sinasapak niya nawawalan ng malay!" sabi niya ulit. Napasinghap ako sa narinig. Kasunod ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko akalaing mag sobra pa pala ang dinaranas na kalupitan ng mga kapatid ko.
"W-Wala po ba kayong alam kung saan napunta ang mga kapatid ko?" tanong ko ulit sa kanya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
"Wala eh! Pasensya kana ha!" sagot niya. Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa narinig. Saan na ang mga kapatid ko? Saan ko sila hahanapin? Naramdaman ko naman ang kamay ni Roi na hinagod ang likod ko. At pagkatapos kinabig ako para mabasubsub sa dibdib niya. Doon ko binuhos lahat ng luha ko. Umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya.
"Ah manang! Maraming salamat ha! Ito oh sayo nalang!" narinig kong sabi ni Rod pero hindi ako nag-angat ng tingin. Gusto ko sanang mag protesta dahil hindi naman karapat-dapat bigyan ang kapitbahay namin na yan. Pero wala akong lakas para gawin iyon.
"Naku! Salamat! Sige mauna na ako! Marie!" sabi niya sabay alis hindi na hinintay ang sagot ko.
"Bunso! Wag kang mag-alala, tutulungan ka naming hanapin ang mga kapatid mo!" pag-aalo ni Rod sa akin.
"Oo Marie! Tutulongan ka namin! Andito lang kami lagi!" bulong ni Roi sa akin. Mas lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi nila. Sadyang mabait talaga si Lord sa akin, kasi sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, mayroon talagang mabubuting tao na handang tumulong sa akin lagi.
"Tara na bunso! Umuwi na tayo! Magga-gabi na oh!" aya ni Rod. Tumango lang ako saka kumalas sa pagkayakap ni Roi. Napahiya pa ako dahil basang-basa ng luha ang suot niyang t-shirt.
"Sorry Roi! Nabasa ko pa ang t-shirt mo!" nahihiyang sabi ko.
Tumawa siya ng mahina sabay gulo ng buhok ko.
"Okay lang yan!" sagot niiya. "Tara na!" dagdag niya at inalalayan akong pumasok ng sasakyan.
Tahimik lang akong umiiyak habang byahe. Paminsan-minsan, lumilingon si Rod para aluin ako. Pero hindi parin talaga matigil ang mga luha ko.
Iba ang tumatakbo sa isip ko. Dahil sinisisi ko ang sarili ko ngayon kung bakit nangyari yun sa mga kapatid ko. Kung sana napaaga lang ang pagsundo ko sa kanila, e di sana magkasama na kami ngayon.
Saan ko na ngayon hahanapin ang mga kapatid ko? Kung mahigit anim na buwan na silang naglayas, ano na ang nangyari sa kanila? May pagkain ba sila? O baka naman nagkasakit na sila? Maayos ba ang tinutulugan nila?
"Oh Lord! Please wag niyo pong pabayaan ang mga kapatid ko!" piping dasal ko ng paulit-ulit.
Sana makita ko kaagad silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Behind The Happy Mask
Historia CortaSi Marie Crisp, simpleng babae, matalino, palakaibigan at masayahin. Pero sa kabila ng magiging masaya, nakatago ang pighati at pangungulila sa mga taong mahal niya. Hanggang kailan siya magdudusa sa pait ng kapalaran? Wala na ba siyang karapatang m...