BHM: Bad

726 19 0
                                        

Mag-iisang buwan na akong nandito sa bahay ng tiyuhin ko.

At sa loob ng isang buwan na iyon, unti-unti kong nakikilala ang tunay nilang anyo.

Napakalupit nilang magpamilya, palagi nila kaming pinagmamalupitan.

Siguro totoo nga na may Cinderella pero wala lang prince charming.

Habang tumatagal lalo nila kaming pinagmamalupitan.

Ako lagi ang sumasalo sa bawat hagupit ng sinturon ng tiyuhin ko kapag may nagawang mali ang mga kapatid ko.

Malapit na ang pasukan, pero mukhang walang balak ang tiyuhin namin na e-enroll kami sa pinakamalapit na eskwelahan.

"Den! Pinag-aaral ba nila kayo?" tanong ko sa kanya. Nakita kong umiling lang siya. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa narinig.

"Gusto niyo bang mag-aral?" tanong ko sa kanila. Mabilis naman silang tumango.

"Pero ate! Ayaw nila!" si Jenboy. Napailing nalang ako, ngayon lang ako nakakita ng mga taong ayaw pag-aralin ang mga gustong mag-aral.

"Di bale, si Ate nalang ang teacher ninyo! Tuturuan kayo ni ate ha?" nasabi ko nalang. Agad namang nagliwanag ang mga mukha nilang dalawa.

"Ate tara na! Baba na tayo, malapit ng gumabi!" yaya ni Den. Nandito pa pala kami sa taniman ng niyog ng tiyuhin namin, dito kami maghapon, nanggagapas ng nagtataasang talahib.

"Sige tara na! Magiingat kayo sa dinadaanan niyo ha? Tingnan niyong mabuti, baka mamaya niyan may ahas na naman!" paalala ko sa kanila.

Ilang beses na kasi kaming naka encountered ng ahas. Buti sana kung maliliit lang pero ang lalaki ng mga ahas na nakikita namin. Pwedeng-pwede kaming lunukin ng buo.

Magtatakip-silim na ng dumating kami sa bahay. Pero nakalock ang pinto.

"Tiyo! Tiyo! Buksan niyo ang pinto!" sigaw ko sabay katok. Pero ilang minuto na kaming kumakatok, wala paring nagbubukas. Nagsisimula naring umambon.

"Naku Marie! Wala na diyan ang Tiyo at Tiya ninyo! Umalis kanina, papuntang maynila, kasama ng anak nila!" sigaw ng kapitbahay namin.

"Ha?" yan nalang ang nasabi ko.

"Ate? Paano tayo ngayon? Saan tayo matutulog? Nagsisimula ng umulan!" si Den.

Pumikit ako ng mariin para pigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko.

Tiningnan ko ang dalawang kapatid ko. Ano ang gagawin ko? Alam ko namang walang pakialam ang mga kapit-bahay namin dito.

Di naman pwedeng makisuyo sa kanila na doon lang muna matulog. Mga walang pakialam ang mga tao dito sa paligid namin.

"Ano kaya kung, bumalik tayo sa bukid? May kubo doon, pwede doon nalang muna tayo magpalipas ng magdamag!" sabi ko sa kanila.

"Ate! Gabi na! At malayo pa ang bukid mula dito! Baka makasalubong pa tayo ng ahas sa daan!" si Den.

Tuluyan nalang akong napaiyak dahil sa awa sa sarili at sa dalawang kapatid ko.

"Tara doon nalang tayo sa palaging tambayan natin. Kahit papano, makakasilong tayo sa ulan." yaya ko sa kanila.

Sumunod nalang sila sa akin at patakbo kaming pumunta sa sinasabi kong tambayan.

Ang tambayan na tinutukoy ko, ay isang malaking bato na parang kweba. May inilagay kaming mga kartoon doon, dahil minsan, doon kami nagpapahingang tatlo.

Pagdating namin doon, pinahiga ko na ang dalawang kapatid ko. Mabuti nalang at nakakain kami doon sa bukid bago umuwi.

Nanatili lang akong naka-upo habang pinagmamasdan ang dalawa kong kapatid.

Umiiyak na naman ako, di ko maiwasang sisihin ang mga magulang ko dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon.

Paulit-ulit ko nalang tinatanong sa sarili kong bakit nila kami iniwan.

Mag-iisang buwan na ako dito, pero ni minsan di ko manlang narinig mula kila tiyo na kinukumusta kami ni Inay.

********************

Mahigit tatlong linggo na ang nakaraan simula ng umalis papuntang maynila ang tiyuhin namin.

Kahit papano naging okay narin lang kami. Sa bukid nalang muna kami pansamantalang tumira. Kahit papano, nakakakain kami ng maayos doon. Mabuti nalang at nakahiligan kong mag tanim ng mga gulay kaya yun ang malaking nakatulong sa amin para may ipangbili ng bigas at ulam naming tatlo.

Sinimulan ko naring turuan ang mga kapatid kong magbasa at magsulat. Buti nalang at nadala ko ang mga notebooks ko noong nag-aaral pa ako.

Nagseself study narin ako mula sa mga lumang textbooks na napupulot ko sa basurahan. Kahit papano, nakatulong iyon sa amin para kahit di kami nag-aaral, may matutunan parin kami.

Pansamantala naming kinalimutan ang masaklap naming buhay sa piling ng demonyo naming tiyuhin. Nagpapasalamat narin ako sa kanya dahil sinundo niya ako doon sa lugar ng tatay ko, kaya natulungan ko ngayon ang mga kapatid ko. Iniisip ko, paano nalang kaya kung di niya ako sinundo doon. Parang ayaw kong isipin kung ano ang sinapit ng mga kapatid kung di ako nakapunta dito.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon