My life 7 years after

99 2 1
                                    

Pitong taon ang mabilis na lumipas. Pitong taon na puno ng pagsisi at pangulila. Pitong taon na patuloy ko paring sinusumbatan ang sarili ko.

Pitong taon? Ganun na katagal. Wala na akong balita sa mga dating taong nakakasalamuha ko. Tuluyan na akong nabago, tuluyan ko nang ibinaon sa limot ang lahat. Pero di parin maiwasan minsan na maalala, lalo na kapag may makikita akong magpapaalala sa akin sa nakaraan. Tulad nalang ngayon, nasa harap ako ng drumset. Ako ang in charge sa entertainment department ngayon dito sa mall na pinapasokan ko bilang sale assistant. Di ko maiwasang isipin ang taong nag uugnay sa drumset na yun.

"Kamusta na kaya siya?" Tanong ko sa isip habang hinihipo ang parang bakal sa gilid ng drum.

Naipilig ko ang ulo saka pinilit nalang na magconcentrate sa trabaho.

"Uhm, excuse me miss?" Napaangat ako ng ulo ng may magsalita.

"Pa assist naman sa----------------MARIE?" gulat na sabi nito ng makita ang mukha ko. Ako din nagulat ng makita siya. At pagkatapos agad na nakaramdam ng takot dahil sa loob ng pitong taon di parin nawawala iyon sa akin.

"T-tita?" Nauutal kong sabi.

"Nakung bata ka! Kamusta kana? Ang tagal ka naming hinanap" sabi nito na mas lalong nagpatindi sa kabang nararamdaman ko.

"T-tita? Sorry po sa n-nangyari kay Rod" sabi ko sa mahinang boses.

Napabuntong - hininga muna siya bago nagsalita ulit.

"Kalimutan mo nalang ang nangyari. Wala kang kasalan. Nadala lang ako ng galit noon" mahinahong sabi ni Tita sabay gagap sa dalawang kamay ko.

Napatingin naman ako sa kanya. Na punong-puno ng pagtataka. Ngumiti siya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Paassist muna ako, may gusto akong bilhan ng regalo" sabi niya.

"H-ha? Ah e ano po ba gusto mong bilhin tita?" Bakas padin ang kaba na sabi ko.

"Magkano ang drum set na yan?" Sagot niya sabay turo sa drumset kung saan ako naupo kanina.

"Ah 7,999 nalang po tita dahil naka sale yan ngayon" sagot ko naman na pilit siyang inientertain baka kasi mapagalitan ako ng AI namin kapag makita akong hindi nagagawa ng maayos ang trabaho.

"Kaw na mag try iha kung ayos na ba ang tunog. Sigurado akong magugustuhan niya yan" sabi ulit ni tita. Kahit nagtataka, pinuntahan ko nalang ang drum saka sinimulang hampasin gamit ang stick. Tatlong beses ko muna ginawa iyon bago hinarap si tita saka kinakabahang ngumiti.

"O-okay na po tita. Siguradong magugustuhan ito ng pagreregaluhan mo" sabi ko.

Ngumiti siya.

"Sige pa assist nalang Marie ha, babayaran ko na yan sa cashier" sabi niya saka tumalikod na.

"Teka tita" pigil ko sa kanya kasi hindi ko pa  nasusulat ang barcode ng drum para bayaran niya.

"Ito po pakidala nalang sa cashier" sabi ko sabay abot ng kaperasong papel.

"Thanks Marie" sabi niya at tumalikod na. Ngayon hinarap ko naman ang drum set saka sinimulan ng e disassemble para malagay sa box. May guide naman iyon kaya alam kong makakaya na nilang e assemble ang drum.

Sakto namang natapos na ako ng lumapit si Jun isa sa mga bagger.

"Tapos na?" tanong niya. Tango lang ang sinagot ko sa kanya dahil ganyan naman ako hindi nakikipagusap sa mga kasamahan ko sa trabaho, maliban nalang kung kailangan talaga.

"Marie?" Tawag ni Tita sa akin kaya napalingon ako sa kanya. "Punta ka sa saturday sa bahay ha? Aasahan kita" nakangiti niyang sabi. Napanganga ako sa gulat. Anong petsa ba sa saturday? Birthday niya. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, kahit kailan. Napapikit nalang ako dahil aalala ko na naman siya. Hindi ko na namalayan na napatango nalang ako kay tita bago siya tuluyang umalis kasunod ni Jun na pasan ang box ng drum. Pinilit ko nalang ang sariling mag focus muli sa trabaho.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon