BHM: New Family?

721 19 1
                                    

Dumaan ang isang linggo,

isang buwan,

isang taon,

at ngayon recognition ko na sa Grade 3.

Di na ako umasa na babalik pa si Inay para sunduin ako. Nasanay narin akong mamuhay mag isa. Inilayo ko na ng tuluyan ang sarili ko sa mga kamag-anak ko. Gumawa ako ng sarili kong mundo.

2 weeks after ng recognition ko sa Grade 3 may dumating na lalaki at nagpakilalang tiyuhin ko daw at pinapasundo na ako ni Inay. Di na ako nagdalawang isip pa. Agad akong sumama sa kanya. Ang saya-saya ko dahil sa wakas magkakaroon narin ako ng tunay na pamilya.

Pagdating namin sa bahay nila, nandoon din ang dalawang kapatid ko, pero sa halip na matuwa, awa ang naramdaman ko para sa kanila. Agad ko silang niyakap pagkalapit ko. Ang payat nilang dalawa at butas-butas ang suot na damit.

"Ate! Dapat di kana sumama pa sa kanya" pabulong na sabi ni Den sa akin. Nagtataka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Ayaw niyo ba akong makasama?" malungkot na tanong ko. Umiling silang dalawa saka binuhat ang maliit kung bag.

"Tara ate, dalhin na natin sa kwarto ang gamit mo!" yaya ni Den saka nauna ng naglakad. Sumunod nalang ako sa kanila kahit naguguluhan.

"Dito ang kwarto niyo?" takang tanong ko ng makarating kami sa parang tambakan ng mga gamit.

"Oo ate!" sagot ng bunso namin na si Jenboy.

"Saan ang higaan ninyo?" tanong ko.

"Diyan din! Sinasapinan lang namin ng karton!" si Den ang sumagot.

"Ano? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

Sasagot na sana si Den ng may biglang kumatok sa pinto o mas tamang sabihin na may biglang kumalampag ng pinto.

"Hoy mga palalamunin! Mag igib na kayo ng tubig, maliligo ako!" sigaw ng isang babae mula sa labas ng pinto. Tiningnan ko ang dalawang kapatid ko. Nakasimangot sila sabay lakad palabas.

"Teka! Hintayin niyo ako!" sabi ko saka humabol sa kanila. Naabotan ko silang dalawa sa may likod bahay at may dala-dalang tatlong container. Sinundan ko lang sila kung saan sila nag-iigib. Malayo-layo din ang nilakad namin bago makarating sa isang batis.

"Dito kayo nag-iigib ng tubig? At sino ang mag-bubuhat ng mga container na yan?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo ate! At tayo din ang magbubuhat ng mga ito!" si Den. Nagulat ako sa sagot niya, ang liit-liit pa ng mga kapatid ko para magbuhat ng isang container.

"Teka Den! Maghanap ka ng kahoy at buhatin niyong dalawa ni Jenboy ang isang container. Ako na ang magbubuhat nitong dalawa" sabi ko pagkapuno ng tatlong container.

"Ate, kaya naman namin e!" tangi ni Den.

"Teka! Matanong ko lang, bakit parang utusan ang turing nila sa inyo?" tanong ko sa kanila sabay upo sa isang naka usling bato.

"Talagang utusan! Yan nga sabi ko sayo, dapat di kana sumama sa kanya. Kunwari lang mabait siya, pero demonyo yun!" si Den.

"Nasaan na si Inay? Bakit niya kayo iniwan sa kanila?"

"Wala na siya! Iniwan niya lang kami dito pagkaalis namin doon sa bahay natin dati!" si Dhen ulit.

"Ate, pagod na ako! Palagi nalang kaming pinagbubuhat ng mabibigat ni tiyo saka kami na halos ang gumagawa ng gawaing bahay!" si Jenboy.

Napa iyak nalang ako sa sobrang awa sa dalawa kong kapatid. Di ko akalaing mas higit pa pala ang hirap na dinaranas nila kaysa sa akin doon sa dating tirahan ko.

"Wag kayong mag-alala, nandito na si Ate. Di ko kayo pababayaan. Magtutulungan tayo" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa. Umiiyak narin sila.

Bakit ganito ang nangyari sa aming magkapatid? Bakit binigyan kami ng mga walang kwentang magulang? Bakit pa nila kami ipinanganak kung iiwan lang din pala? Mas lalo lang nadadagdagan ang poot ko sa aking inay at itay dahil sa nalaman kong hirap na pinagdadaanan ng mga kapatid ko.

"Ate! Tara na, uwi na tayo! Baka saktan na naman kami ni Melin pag tumagal tayo dito!" yaya ni Den.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa bato saka sinubukang buhatin gamit ang dalawang kamay ang dalawang container. Kahit mabigat at hirap na hirap akong buhatin iyon, tiniis ko para di na masyadong mabigatan ang dalawa kong kapatid. Mga ilang minuto din bago kami nakarating sa bahay.

"Bakit ang tagal ninyo ha? Naglakwatsa na naman kayo?" sigaw ng isang babae na nakapameywang at nakatayo sa labas ng gate. Siguro ito ang tinawag nilang Melin kanina.

"Pasensya na Melin!" si Den.

"Anong pasensya! Halika nga dito!" sigaw parin niya sabay lapit kay Den at piningot ito.

"Aray! Melin!" sigaw ng kapatid ko. Mabilis akong lumapit saka pilit na tinanggal ang kamay niya sa tenga ni Den. At ng matanggal ko malakas ko siyang itinulak.

"Aba't-----"

"Hoy! Bakit mo tinulak ang anak ko ha!" sigaw ni tiya.

"Mommy! Pinagtutulungan nila akong tatlo!" sungbong ni Melin sa kanya at umiiyak na yumakap.

"Aba't sumusubra na kayo! Di kayo kakain ng hapunan ngayon! Maliwanag!?" sigaw ni Tiya. Tumango lang ang dalawang kapatid ko pero ako nanatiling nakatingin lang sa kanilang mag-ina.

"O ikaw! Anong tinitingin-tingin mo diyan? Lalaban ka?" sigaw niya sa akin. Sasagot na sana ako pero naramdaman ko ang kamay ni Den na humawak sa nakakuyom kong kamao. Napayuko nalang ako sabay hingi ng tawad.

Walang sabi-sabing tinalikuran lang nila kami.

"Lagi ba kayong ginaganyan nila?" tanong ko kay Den. Tumango lang silang dalawa sa akin.

"Tara na ate, ilagay na natin tong tubig sa banyo nila!" yaya ni Den saka sinimulan na uling buhatin ang isang container. Ilang beses muna akong napabuga ng hangin para maalis ang galit na nasa dibdib ko saka binuhat na ang dalawang container ng tubig.

Kinagabihan, di nga kami pinakain ng hapunan. Nakita ko nalang ang dalawang kapatid ko na naglalatad ng kartoon para higaan namin.

"Ate! Tara na matulog na tayo!" yaya nila.

"Teka! Di ba kayo nagugutom?" tanong ko sa kanila.

"Nagugutom! Kaya lang wala na namang pagkain e! Inubos nilang lahat! Kahit naman may matira di parin ibibigay sa atin yun! Mas uunahin pa nila ang mga asong alaga nila, kaysa ipakain sa atin!" sagot ni Den.

Naikuyom ko nalang ulit ang mga kamay ko. Awang-awa na ako sa dalawang kapatid ko. Okay lang sana kong ako lang makakaya ko pa.

"Teka gagawa ako ng paraan! Diyan lang kayo!" sabi ko sa kanila saka mabilis na lumabas sa tulugan namin.

Pagkalabas ko, dumeretso ako sa likod bahay. May nakita akong tanim na kamote doon kanina, kaya nanguha ako ng talbos doon. At pagkatapos, kumuha ako ng isang kaldero sa kusina nila pati narin asin at betsin saka ko dinala sa kwartong tulugan namin. Pwede namang magluto doon, dahil may nakita akong lulutuan doon.

Naabutan kong natutulog na ang dalawang kapatid ko. Napaiyak na naman ako, dahil nakatulog lang silang walang laman ang tiyan. Sinimulan ko nalang na lutuin ang talbos ng kamote at ng matapos, ginising ko silang dalawa para makakain.

Halos maubos nila ang sabaw na niluto ko. Kahit walang ano mang sahog iyon, okay lang kasi kahit papano, malamnan ang mga tiyan nilang dalawa.

"Salamat ate! Nabusog kami!" si Den pagkatapos niyang kumain. Nginitian ko nalang silang dalawa. Maya-maya lang ay bumalik na sila sa pagtulog. Ako naman maingat na niligpit ang mga ginamit ko saka maingat na ibinalik doon sa kusina nila ng matapos bumalik na ako sa higaan namin at natulog na.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon