Saktong isang taon simula ng mapasali ako sa banda napag desisyonan kung sunduin ang mga kapatid ko. Sa palagay ko sapat narin ang kinikita ko para buhayin silang dalawa.
Nag enroll narin ako sa isang vocational school at kumuha ng computer technology. Sa ngayon, mag li-limang buwan na akong nag-aaral. Tuloy parin ako sa pag babanda. Tumigil na ako sa pagtitinda ng sigarilyo dahil gabi-gabi kaming nagpapraktis sa banda. Hindi naman kasi pwedeng mag praktis sa araw dahil may mga pasok kami sa school.
Every friday ang gig namin sa isang kilalang bar dito. At 1,500 ang kinikita ko kada linggo. Kaya't unti-unting nakakaipon ako. Para magawa ko nang suportahan ang pag-aaral ng mga kapatid ko.
Gabi ngayon at nandito kami sa isang studio na nirerentahan namin kapag nagprapraktis kami. Kung minsan naman, sa bahay ng drummer namin dahil sa aming anim, siya ang mas nakaka-angat sa buhay.
Ako lang yata ang walang ipagmalaki sa kanila. Pero ni minsan hindi nila ako itinuring na iba sa kanila.
Si Ate May naman, mayroon ng asawa at iniwan niya nalang sa akin ang apartment niya. Dahil may sarili na silang bahay. Pero binabayaran niya parin ang kalahati ng upa sa apartment. Sinabi ko naman sa kanya na lilipat nalang ako sa boarding house, pero ayaw niyang pumayag. Di ko nalang siya pinilit dahil alam kong di din naman siya makikinig sa akin.
"Oh! Ang tahimik yata ngayon ng bunso namin!" sabi ng bassist namin na si Rod. Bunso nila ako kung tawagin dahil ako ang pinakabata sa kanila. Mga 19 years old na kasi sila at ako mag fi-fiftheen palang.
"Oo nga! Kanina ko pa napapansin na matamlay siya!" sabi naman ng dummer namin na si Roi.
"Bakit? May nanakit ba sa bunso namin?" tanong naman ni Vin ang lead guitarist namin.
"Aba! Sabihin mo bunso! Bobogbugin namin!" sabay naman na sabi ni Kim ang organ namin at ni Seff ang backup guitar.
Napailing ako dahil sa mga reaction nila.
"Diba mga kuya, saturday ng gabi pa ang battle of the band na sasalihan natin?" tanong ko sa kanila.
Sabay-sabay naman silang tumango.
"Pwede ba akong umalis muna sa araw? May pupuntahan lang kasi ako." sabi ko ulit sabay yuko ng ulo.
"Bakit? Pupuntahan mo ang mga kapatid mo?" tanong ni Vin. Oo nga pala nakalimutan kong alam na pala nilang lahat ang kwento ng buhay ko. Marahan akong tumango.
"Sa sunday mo nalang puntahan bunso! Sasamahan ka namin" rinig kong sabi ni Roi. Nag angat ako ng ulo saka tiningnan sila. Nakangiti silang nakatingin sa akin. Tiningnan ko naman si Rod na naka akbay parin sa akin. Tumango lang siya. Kaya tumango narin ako.
"Yun! Ngumiti kana bunso! Hindi kami sanay na malungkot ka eh!" si Vin.
Ibinigay ko naman ang hinihiling nila. Masaya akong nginitian sila.
"Yun oh! Ang cute cute talaga ang prinsesa namin!" si Rod sabay pisil ng magkabilang pisngi ko.
"Yaah! Kaya mas lalong lumulobo ang pisngi ko dahil sa kakapisil niyo!" nakasimangot kong sabi pagkatapos tanggalin ang kamay ni Rod.
"Haha! Ang sarap kasing pisilin bunso! Ang lambot parang siopao!" Sabi niya pa saka pinisil ulit ang pisngi ko.
"At namumula pag pinipisil ang balat mo! Parang kamatis!" dagdag niya pa. Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Hayst! Sila nga ang itinuturing kong mga kuya na laging nagpapasaya sa akin.
"Tama na yan! Tara na praktis na tayo!" saway ni Roi sa kanya. Binalatan ko lang siya at pumwesto na sa harap ng mic.
********************************************************
BINABASA MO ANG
Behind The Happy Mask
Short StorySi Marie Crisp, simpleng babae, matalino, palakaibigan at masayahin. Pero sa kabila ng magiging masaya, nakatago ang pighati at pangungulila sa mga taong mahal niya. Hanggang kailan siya magdudusa sa pait ng kapalaran? Wala na ba siyang karapatang m...
