BHM: They have good heart

740 20 2
                                        

Simula nung nangyari sa tabing dagat, bigla akong naging mailap sa lahat ng tao. Lalong-lalo na ng malaman ko na ang pinsan ko pala ang lalaking iyon. Nakita niya siguro ako na papunta doon kahapon kaya sinamantala niya.

Nagagalit ako sa kanya. Wala siyang puso! Napakahayop niya! Ngayon, naglalako na naman ako ng gulay, para may ipangbili ng gamit sa school. Tatlong araw nalang at magsisimula na ang klase. Pero kahit isang gamit wala ako. Kung di lang kasi pinakialaman ng walang kwenta kong ama ang pera ko e di sana wala na akong problema ngayon.

"Marie! Ano yang nilalako mong gulay?" tanong ng isang kapitbahay naming tsimosa.

"Ah talbos ng kamote po!" magalang kong sagot.

"Magkano ba yan ha?" tanong niya ulit.

Ibinababa ko naman ang dala kong bilao saka inilapat sa mesang kawayan na nandoon.

"Limang piso po isang supot!" sagot ko.

"Sige bibili ako ng dalawang supot, itong sampung piso" sabi niya saka kumuha na ng dalawang supot ng talbos ng kamote.

"Salamat po! Alis na po ako!" sabi ko saka inilagay ulit ang bilao sa ulo ko.

Tumango lang siya kaya nagsimula na naman akong maglakad at sumigaw. Marami din naman ang bumili ng gulay na nilako ko at dalawang supot nalang ang natira.

Malapit na ako sa may plaza ng matanaw ko ang hayop kong pinsan na nakangising papalapit sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng takot at nanginginig akong mabilis na tumalikod at bumalik sa pinaggalingan ko. Medyo malayo pa naman ang kabahayan sa kinaroroonan ko.

"Marie! Teka lang! Bibilhin ko yang tinda mong gulay!" sigaw niya sa akin. Dahil nanginginig na talaga ako sa sobrang takot, binitawan ko nalang ang dala kong bilao saka kumaripas ng takbo. Narinig ko pang tinatawag niya ako, pero di ako tumigil para lingonin siya.

Pagdating ko sa bahay hinihingal akong napaupo higaan ko.

Nang umayos na ang paghinga ko, binilang ko agad ang perang kinita ko ngayon. Naka 50 pesos pala ako. Tamang-tama may pangbili na ako ng isang kilong bigas at ang natira pagkasyahin ko lang sa gamit ng school.

Nanguha nalang ulit ako ng gulay sa garden ni inay, dahil yun nalang ang uulamin ko. Kahit walang sahog okay lang. At pagkatapos pumunta ako sa malapit na tindahan para bumili ng bigas. Pagkabili, umuwi na ako agad at nagluto na.

Bago ako matuloy, sinigurado ko muna ang pinto at binta ko kong nakagapos ng maigi. Mahirap na, baka pasukin ako dito ng demonyo kong pinsan.

================================================

Lunes na, at ngayon ang start ng klase. Nakabili narin ako ng isang lapis, papel at apat na pirasong notebook. Hati-hatiin ko nalang sa subject ko, habang pinagiiponan ko ang pagbili ng panibago. Naglalakad na ako papuntang school. Sa ibang daan ako dumaan dahil kapag doon ako dadaan sa dati kong dinadaanan, siguradong makikita ako ng demonyo kong pinsan. Kahit medyo may kalayuan itong dinadaanan ko, okay lang keysa naman doon.

"Marie!" tawag sa akin ng bestfriend ko dito sa school. Siya lang ang nag-iisang hindi naniniwala na malas ako. Maliban sa mga teacher syempre. Naaawa narin nga ang mga teacher ko sa akin, dahil sa sitwasyon ko kaya nga ginawan nila ng paraan para mapasama ako sa mga scholar ng school.

"Tara pasok na tayo!" yaya ko sa kanya. Tumango lang siya saka hinawakan ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa school.

"Bakit wala kang bag?" takang tanong niya. Napayuko nalang ako, dahil nahihiya ako plastic bag lang kasi ang pinaglagyan ko ng gamit ko sa school.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon