BHM: Life goes on

754 19 0
                                    

Patuloy parin ang buhay ko.

Natutuwa narin ako kahit papaano dahil, every weekend umuuwi si itay sa bahay. Pero lagi lang lasing at minsan sinasaktan ako kapag wala akong maibigay na pagkain sa kanya.

Tiniis ko lang lahat ng yun. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na siya nalang ang natirang pamilya ko. Pero siya parang di kapamilya ang turing sa akin.

Minsan nga ng aksidente akong nabundol ng bisikleta, sa halip na ang nagbibisikleta ang pagalitan niya, ako ang sinaktan niya. At ang masaklap pa doon mismo sa gitna ng kalsada. Pinagpapalo niya ako ng sinturon.

"Ang tanga! Mo kasi!" sabi niya pa.

Marami ang nakatingin pero walang gustong umawat. Nagtatakbo nalang ako palayo sa kanya. Pero hinabol niya parin ako.

"Bumalik ka ditong boysit ka!" sigaw niya habang humahabol.

Dahil sa takot ko, gumapang ako sa ilalim ng kawayan. At doon nagtago. Malinis naman doon sa loob dahil minsan doon ako naglalagi. Wala rin kasing mga bata ang nakikipaglaro sa akin. Dahil daw binabawalan sila ng mga nanay nila. Tanging sa school lang ako nagiging masaya. Dahil doon, walang may nagbabawal sa mga estudyanteng makipaglaro sa akin.

"Nay? Nasaan kana? Bakit mo ako iniwan?" sabi ko habang yakap-yakap ang tuhod ko. Patuloy parin sa pag agos ang mga luha. Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang bata-bata ko pa? Bakit di nalang nila ako pinatay noon pa kung talagang malas lang ako sa kanila?

Doon na ako nagpalipas ng gabe sa ilalim ng kawayan. Meron naman cartoon doon na pwedeng higaan at sako na ginawang parang kumot. Madilim-dilim pa ng lumabas ako sa kawayanan saka maingat na umuwi ng bahay.

Pagdating ko sa bahay, wala doon si Itay kaya pumunta nalang ako sa may lutuan namin at nagpakulo ng tubig para makapagtimpla ako ng kape.

Naalala ko pala 1 week nalang at pasukan na. Kailangan ko ng bumili ng mga gamit ko sa eskwelahan. Mamaya pagsumikat ang araw, pupunta ako sa bayan para bumili.

"Sapat na siguro yung ipon ko para sa mga gamit sa school" sabi ko sa sarili.

Pagkakulo ng mainit na tubig. Nagtimpla ako ng dalawang tasang kape para kay Itay at sa akin. Pero sumikat lang ang pang-umagang araw di siya umuwi. Lumamig lang ang kapeng tinimpla ko sa kanya.

"Di na naman siya umuwi!" bulong ko sa sarili.

Itinapon ko nalang sa lababo ang kape saka hinugasan ang tasa at pagkatapos inihanda ko na ang sarili ko para makaalis na papuntang bayan.

Nang matapos na akong magbihis, agad kong pinuntahan ang pinagtaguan ko ng pera ko. Nasa isang kawayan iyon ng bahay ko na ginawa kong alkansya. Pero nanglumo ako ng makitang butas na iyon, at wala na ang pera ko sa loob. Napaiyak na naman ako.

"Itay! Wala ka talagang patawad!" impit kong sigaw.

Nagtatakbo ako papuntang plaza para hanapin ang walang kwenta kong ama.

Ilang minuto rin akong paikot-ikot hanggang sa makita ko siya sa isang tindahan at lasing na lasing pero patuloy parin sa pakikipag inuman.

Papalapit palang ako sa kanila ng marinig ko ang sabi ng isang kasamahan niya.

"Pambihira ka pare! Pati pera ng anak mo, kinuha mo pa!"

"Kulang pa nga to! Para pangbayad sa pagpapalaki ko sa kanya!" sagot naman ng walang kwenta kong ama.

"Itay! Bakit mo po kinuha ang pera ko?" sabi ko habang umiiyak. "Pambili ko po yan ng gamit sa school e!"

"Boysit! Umalis ka nga dito! Akin na ang perang to ngayon!" paasik niyang sagot sabay tulak sa akin. Kaya napaupo ako sa lupa.

"Ang sama-sama mo! Wala kang kwenta!" sigaw ko sa kanya saka mabilis na tumakbo pauwi ng bahay.

Hinihingal ako pagdating sa bahay. Di ko alam kong saan ako, nakakuha ng lakas ng loob para sabihan siya ng ganoon. Natatakot ako, na baka pag uwi niya mamaya, sasaktan na naman niya ako. Mabilis akong kumuha ng ilang pirasong damit saka dali-daling umalis sa bahay.

Nakita pa ako ng kapit-bahay naming palaging tumutulong sa akin.

"Marie! Saan ka pupunta?" sigaw niya. Pero di ko na siya pinansin dahil tumakbo na ako palayo dahil nakikita ko na ang walang kwenta kong ama na pasuray-suray pauwi.

Doon na muna ako titira sa isang kubo na malapit sa dagat. Wala namang nakatira doon kaya okay lang.

Pagdating ko sa kubo, agad kong nilisin iyon saka ipinagpad ang unan ang kumot na nandoon dahil sa puno na ng alikabok. May dating nakatira doon na lalaki, pero di na daw nakabalik pagkatapos pumalaot. Sabi ng mga matatanda, baka daw kinuha ng engkantong dagat. Sa murang isip ko, naniniwala ako doon.

Kinagabihan, habang mahimbing akong natutulog. May bigla nalang nagbukas ng pintoan. At pumasok ang isang lalaki. Kaya napabalikwas ako sabay bangon.

"Sino ka?" sigaw ko.

Pero di siya sumagot. Nakangisi lang siyang lumapit sa akin. Nakaramdam ako ng takot dahil iniisip ko, baka ito ang engkantong dagat na sinasabi ng matatanda. Malayong-malayo pa naman ang kubong ito sa kabahayan. Dahil nag-iisa lang itong nakatayo dito sa malapit sa dagat.

Naiiyak na ako at nanginginig sa takot. Patuloy parin siya sa paglapit sa akin.

"Maawa po kayo! Wag po!" sigaw ko.

"Wag ka nang pumalag pa! Wala namang makakarinig sayo dito e!" sabi niya.

Mas lalo akong nanginig. Ngayon ko pinagsisihan ang ginawang pagsagot sa ama ko kanina. Di sana di ako mapapahamak ngayon.

"Halika dito!" sabi niya sabay hatak ng paa ko. Nagpupumiglas ako pero ang lakas niya.

"Inay! Tulungan niyo po ako! Inay!" sigaw ko.

"Tumahik ka! Wag kang mag-alala, masarap tong gagawin natin!" sabi niya habang nakangisi. Lumayo siya ng kunti sa akin kaya sinamantala ko iyon at ibinato sa kanya ang unan. Saka tumalon sa bintana mababa lang naman yun kaya di ako napilayan.

Tumakbo ako ng mabilis kahit ang dilim-dilim, di ko alam kong saan na ako napadpad. Napatigil lang ako ng matisod ako sa nakausling bagay sa may tabing dagat. Napaupo nalang ako doon at umiyak ng umiyak.

Siguro nga ang malas - malas ko.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon