Painful chapter of my life (last chapter)

805 52 28
                                        

Pagkatapos kong malaman na pinalayas ang mga kapatid ko, halos araw-araw akong naghahanap.

Pinupuntahan ko ang mga dswd sa bawat lugar na malapit sa barangay ng tiyuhin ko.

Pero mahigit tatlong linggo na akong naghahanap, wala parin.

Sa lahat ng pinuntahan ko, iisa lang ang sagot nila. 'wala eh!' halos mabaliw na ako sa kakaisip baka kung napaano na ang mga kapatid ko.

Laging pumapasok sa isip ko, paano kung napagtripan sila ng tambay sa kanto? Paano kung wala silang makain at------

Ayaw kong mag isip ng ibang bagay. Alam kong mabait parin si lord. Alam kong di niya pababayaan ang mga kapatid ko.

Patuloy lang ako sa paghahanap sa kanila. Halos hindi na nga ako pumapasok.

Ang kabanda ko naman, paminsan-minsan tumutulong sa akin, pero syempre! kailangan nilang pumasok sa school nila. Noong una nagpupumulit si Roi na samahan ako araw-araw, pero sinabi ko sa kanya na okay lang ako. Kaya ayun pumasok narin siya.

*******************

Ang tatlong linggong paghahanap nagiging buwan at unti-unti naring nauubos ang ipon ko at kinailangan ko nang maghanap ng trabaho. Umalis narin ako sa apartment ni Ate May kahit pinipilit niya akong manatili doon.

Nakakahiya narin kasi dahil siya na halos ang nagbabayad ng upa. Di naman lingid sa akin na yun ang madalas nilang pag awayan ng asawa niya.

Kaya nagpasya nalang akong umalis at lumipat sa mumurahing boarding house. Tuloy parin ang banda, kaya kahit papano, may kinikita parin ako.

Mula sa buwan naging taon na ang paghahanap ko sa mga kapatid ko pero hindi ko parin sila nakita. Tinulungan ako ng banda na ipahayag sa radyo at local tv pero wala parin.

Wala naman kasi akong kahit picture manlang nilang dalawa.

Unti-unti akong nawawalan ng pag asa sa bawat araw ng paghahanap ko, lagi lang sawi.

Kapag umuuwi ako sa boarding house naiiyak nalang ako.

Akala ko, yun na ang pinakamalaking problemang kinahaharap ko, pero hindi pa pala kasi nagulat nalang ako isang araw ng magpatawag ng meeting si Vin.

"Bakit Vin?" tanong agad ni Rod ng makumpleto na kaming lahat.

Napa-buntong hininga muna si Vin saka kami tiningnan isa-isa. Halata ang lungkot sa mga mata niya na parang maiiyak.

"Aalis na ako sa banda!" mahinang sabi niya. Kahit mahina lang iyon, pero parang ang lakas na sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya, kaya di ko mapigilang mapaiyak.

Buong buhay ko, nakadepende na sa kanila. Sila na ang itinuring kong kapamilya. Kaya masakit sa aking malaman na mabubuwag na ang banda.

"Pero bakit?" rinig kong tanong ni Rod. Napansin ko rin sila Lyndon, Kim at Roi tahimik lang.

"Nabuntis si Tess! Ayaw niyang sumali pa ako sa banda" sagot ni Vin habang nakayuko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya pero patuloy lang sa pag agos ng luha ko.

"Ganun ba?" matamlay na sabi ulit ni Rod. "Kung ganun wala na kaming magagawa. Pwede parin namang ituloy ang banda kahit kumalas ka" dagdag pa ni Rod.

"Di narin kami makakasali!" sabi naman ni Kim sabay tingin kay Lyndon at Roi.

"H-ha?" sa wakas nakapagsalita narin ako.

"Kailangan kong pumunta ng Canada kasi yun ang gusto ni Papa!" paliwanag ni Roi na tumingin sa akin saglit at pagkatapos yumuko agad.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon