BHM: New journey of my life

653 19 1
                                    

Ilang buwan pagkatapos akong palayasin sobrang napakahirap sa akin.

Ilang beses akong natulog sa mga bench ng park.

Daig ko pa ang isang baliw na palaboy-laboy sa kalsada.

Nakuntento narin ako sa ganoon. Hanggang sa may naawa sa aking GRO.

Sinabi niya sa akin kung gusto ko raw mag tinda ng sigarilyo sa tapat ng bar na pinagta-trabahoan niya.

Agad akong pumayag ng sabihin niyang papahiramin niya ako ng puhunan.

Natuwa naman ako sa unang gabi ng pagtitinda ko, marami ang bumili. Hanggang kalaunan mula sa pagtitinda ng sigarilyo, nadagdagan pa ng balot at saka candy. Tatlong linggo lang ng pagtitinda ko, naibalik ko na ang puhunan na ipinahiram sa akin ng kaibigan kung GRO. Nakikishare narin ako sa apartment niya.

At ngayon nga mag ta-tatlong buwan na akong nagtitinda sa harap ng club. At sa awa ng diyos, malakas parin ang binta ko.

"Oh Marie! Isa ngang yosi at saka limang pisong candy!" sabi ng isang kasamahang GRO ng kaibigan ko. Madalas kasi siyang tumatambay sa labas ng bar. Katwiran niya, mas malaki daw ang kikitain niya pag nasa labas siya.

"Ito po oh!" sabi ko sabay abot ng binili niya.

"Marie! Nasaan naba ang mga magulang mo?" tanong niya ulit habang hinihithit ang sigarilyo niya.

Umiling ako. Hangga't maaari ayaw ko sanang ipagsabi sa iba ang kwento ng buhay ko dahil ayaw kong kaawaan ako. Kaya nga pilit kong pinapasaya ang panglabas kong anyo pala lang maitago ang lungkot at pagdurusa sa loob ko.

"Wag mo nalang sagutin ang tanong ko!" sabi ulit niya.

Ngumiti nalang ako. Maya-maya lang may isang grupo ang lumapit sa pwesto ko para bumili ng yosi at kendi. Nagja-jamming sila habang naninigarilyo. Napapangiti lang ako sa tuwing nag-aacoustic sila. Masyado akong nadala sa kinakanta nila kaya di ko namalayan na nakikisabay na pala ako sa pagkanta nila. Napatigil naman sila sabay tingin sa akin. Ako naman, parang napahiya na yumuko nalang sabay hingi ng paumanhin.

"Teka! Kanta ka nga ulit?" sabi ng isang lalaki na may hawak na gitara.

Napa-angat naman ako ng ulo sabay tingin sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin din sa akin.

"Kantahin mo ulit yung kinanta mo kanina!" sabi niya ulit.

"W-wag na! N-Nakakahiya!" sabi ko sabay yuko ulit.

"Bakit ka nahihiya? Ang ganda kaya ng boses mo!" sabi niya ulit.

"Oo nga Marie! Di ko akalaing may talent ka pala sa pagkanta!" sabad naman ng kaibigan ng kaibigan ko.

Kahit nahihiya, sinimulan ko na ulit ang pagkanta. Simula pa pagkabata ko, hilig ko na talaga ang pagkanta kaya kapag kumakanta ako, binubuhos ko lahat ng emosyon na nararamdaman ko sa kinakanta ko.

"Wow! Ang galing mo!" sabay nilang sabi saka pumalakpak pa.

Nahihiyang napayuko nalang ako.

"Bakit di kana lang maging lead vocalist ng banda namin? Nag backout na kasi ang vocalist namin eh! Nabuntis ng boyfriend niya!" sabi ng nag-gigitara kanina habang kumakanta ako.

"Ha? V-Vocalist?" nauutal kong sabi dahil di ako makapaniwalang magiging vocalist ako ng isang banda. Nakita kong tumango siya habang nakangiti parin.

"Sige na Marie! Sali kana sa kanila, pera din yan!" panghihikayat ng kaibigan ni May yung GRO na nagbigay sa akin ng puhunan.

Napapikit ako sandali para magdasal. Humihingi ako ng sign kay Lord kung payag siyang sumali ako sa banda ng mga ito para maging vocalist. Pero di pa nga natatapos ang dasal ko, agad ng ibinigay ni Lord ang sign.

"Marie!" si Ate May humahangos na papunta sa pwesto ko.

"Ate! Bakit po?" takang tanong ko. "May nangyari po ba?" dagdag kong tanong.

Umiling siya habang sapo-sapo ang dibdib at medyo hinahabol pa ang hininga.

"Wala! Kaya ako agad napasugod dito kasi may good news ako!" sabi niya ng tuluyang humupa ang paghabol niya ng hininga kanina.

"Good news?" nagtataka paring tanong ko.

"Oo good news! Kasi, nakapasa ka sa Accelaration exam for high school! Pwede kanang tumuloy sa college kong gu-gustohin mo!" masayang sabi niya.

Napatulala yata ako sa sinabi ni Ate May. Hindi dahil sa nakapasa ako, kundi dahil yun ang sign na hiningi ko kay Lord.

Napapikit nalang ako ulit saka umusal ng pasasalamat kay Lord.

"Oi Marie congrats! So! Sasali kana?" napalingon ako ulit sa grupo ng banda. Tumango nalang ako sabay ngiti sa kanila.

"O ayan! May bago kanang pagkakakitaan! Congrats Marie! You deserve it!" sabi ni Ate May.

"Thanks Ate! You are really my angel!" sagot ko naman.

Napasimangot naman siya bigla sa sinabi ko.

"Angel na may buntot?" sabi niya sabay tawa ng malakas. Naiiling nalang ako habang nakamasid lang sa kanya na patuloy sa pagtawa. Kahit ilang ulit niya pang e-deny, para sa akin siya ang Anghel sa buhay ko. Dahil kong di dahil sa kanya, di ko mararanasan ang ganitong buhay ngayon. Sana nga magtuloy-tuloy na ito para mabalikan ko na agad ang mga kapatid ko para kuhanin sa demonyo kong tiyuhin.

I must say, this is the new journey of my life!

===================================================================

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon