BHM: Runaway

683 17 1
                                    

Parang kailan lang, kay bilis lumipas ng panahon. Di ko manlang namalayang, mahigit apat na taon na ako dito sa piling ng demonyong tiyuhin ko. Di na rin mabilang kung ilang beses na niya kami pinagmamalupitan. Halos, manhid na ang katawan ko sa mga palo niya ng sinturon sa araw-araw. Pero tinitiis ko para sa mga kapatid ko kakayanin ko.

Mas higit pa siya kay Itay kapag nalalasing. Ang hindi ko lang matanggap, ang ilang beses niyang pagtangkang halayin ako. Pero palagi akong nakakatakas sa kanya. Yun lang kapag nagawa kong makatakas, ang mga kapatid ko ang napagbuntonan niya ng galit.

Ilang beses ko naring tinangkang saksakin siya habang himbing na himbing sa pagtulog. Pero sa huli di ko rin nakaya.

Halos araw - araw nalang lagi akong may pasa sa buong katawan dahil sa hagupit ng sinturon niya. Tulad nalang ngayon, ako na naman ang hinahagupit ng sinturon dahil sa munting kasalanan na nagawa ni Den.

"Ang titigas talaga ng mga ulo niyo!" sigaw niya habang patuloy akong hinahagupit ng sinturon niya. Napapapikit nalang ako sa tuwing tumatama ang sinturon sa katawan ko.

Ang mga kapatid ko, tahimik lang na umiiyak sa gilid. Nginingitian ko lang sila para iparating sa kanilang okay lang ako. Kahit alam kong alam nila na hindi ako okay.

Tulad sa mga nakaraang taon, lalayasan lang kami ng tiyuhin namin pagkatapos kaming bugbogin. Kinakandado ang pinto ng bahay para di kami makapasok. Pero sanay na kaming tatlo kaya palagi kaming handa. Kapag nagkataong gabi na, doon na muna kami sa tambayan namin nagpapalipas ng gabi. At kinaumagahan nalang pupunta sa kubo namin sa bukid at doon na pansamantalang titira.

Lahat ng iyon tiniis ko lang para sa mga kapatid ko. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Isang araw noon pagkagaling lang namin sa bukid. May isang tao kaming naabutan na tumatawag sa labas ng gate.

Agad ko siyang nilapitan para tanungin.

"Ano po ang kailangan niyo?" agad kong tanong. Lumingon naman siya sa akin sabay ngiti.

"Ah may sulat kayo galing maynila!" sagot niya sabay bigay sakin ng tatlong sobre. Tinanggap ko iyon saka nagpasalamat sa kanya. Tiningnan ko isa-isa kung para kanino ang sulat. Tatlo iyon ang dalawa para sa tiyuhin ko at ang isa para sa akin.

Dahil para sa akin naman yung isang sulat, binuksan ko na agad saka binasa. Napaiyak nalang ako pagkatapos kong basahin ang sulat na galing sa nanay namin. Sukdulan ang galit ko sa aming inay na wala naman palang katuturan. Di naman palang totoo na pinabayaan niya kami. Regular siyang nagpapadala ng pera para sa pangangailangan namin sa araw-araw at sa pag-aaral. Tinatanong niya sa sulat kung may honor daw ba ako ngayong grade six ako.

At sigurado akong ang walang hiya kong tiyuhin ang nagwawaldas ng perang ipinapadala ng nanay namin. Meron pang sinabi si Inay sa sulat kung natanggap na daw namin ang pinadala niyang mga damit na para sa amin. Pero ni isang damit, wala kaming natanggap. Nagtatyaga lang kami sa pinaglumaan ng mga pinsan namin at saka gula-gulanit na.

Kinahapunan noon, kinumpronta ko ang tiyohin namin. Sinumbat ko sa kanya lahat - lahat ng sinabi ni Inay sa sulat. Pero sa halip na humingi ng tawad, nagalit siya saka ako binugbog at pagkatapos agad na pinalayas sa bahay niya.

"Ate! Ate! Wag mo kaming iiwan dito!" palahaw ni Jenboy habang nakatayo sa may gate at hawak ang kamay ko.

"Lumayas kana! Walang utang na loob! LAYAS!" patuloy na sigaw ng tiyuhin namin.

Wala akong magawa kundi tumalikod nalang at umalis. Pilit kong itinataboy sa isip na ang mga palahaw at pagmamakaawa ng mga kapatid ko na wag ko silang iwan. Dahil di na ako makatiis pa, binalikan ko silang dalawa.

"Den? Jenboy? Hindi pa kayo madadala ni Ate ngayon. Pangako! Magsisikap ako! Babalikan ko kayo! Pangako yan!" sabi ko.

"Ate! Baka patayin niya kami dito! Ateee!" patuloy na palahaw ni Den habang mahigpit na hawak ang kamay ko.

"Hindi niya gagawin yun! Pangako, babalikan ko kayo! Wag kayong mag-alala babalikan kayo ni Ate. Basta magpapakabait lang kayo sa kanya, sundin niyo lang ang lahat ng iutos niya!" sabi ko.

Ilang minuto pa akong nagtagal sa harap ng gate, dahil ayaw akong bitawan ng mga kapatid ko. Pero kailangan ko ng umalis kasi kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko sa tiyuhin ko, ayaw niyang makinig. Buo na ang loob niyang palayasin ako.

Umalis ako sa lugar na iyon na mabigat ang dibdib. Di ko kayang iwan ang mga kapatid ko sa demonyong iyon. Pero anong magagawa ko, 13 years old palang ako noon. Pero bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon, ipinangako ko sa sariling balang araw makakaganti din ako sa demonyong tiyuhin namin.

Umiiyak akong naglalakad palayo sa lugar ng demonyo kong tiyuhin ng may masalubong akong babae.

"Iha? Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin.

"Pinalayas po ako ng tiyuhin ko" sagot ko.

Mukhang naawa ang babae sa akin kaya dinala niya ako sa bahay niya. Tinanong niya ako kung gusto kung mag-aral, Oo naman agad ang sagot ko. Pero sabi niya, pag-aaralin niya daw ako pero kailangan ko daw alagaan ang mama niyang matanda na at may sakit. Di naman ako nagdalawang isip pa agad akong pumayag.

Napagalaman ko noon na may isa pa siyang school girl maliban sa akin. Noong una maayos pa ang lahat, nakapasa narin ako sa Acceleration Exam para tuloy na akong highschool. Tuwang-tuwa naman ang babaeng kumupkop sa akin dahil ang talino ko daw. Pero sadya talagang may mga taong naiinggit at handang sirain ang magandang kinabukasan ko. Pinagbintangan niya akong nagnakaw ng pera sa kanya. Pero alam ng panginoon na hinding-hindi ko magagawang magnakaw.

"Alam mo Marie! Pinagkatiwalaan kita! Pero anong ginawa mo? Sinira mo ang tiwala ko sayo! Kaya lumayas ka!" yan ang huling salitang binitawan ng babaeng kumupkop sa akin dahil lang sa maling akala niya.

Pilit akong nagpapaliwanag sa kanya pero ayaw niyang makinig. Ng tangkain ko namang kausapin ang kasama kong school girl. Nag galit-galitan lang siya saka sinuntok kunwari ang pader habang umiiyak.

Wala na akong magawa. Umiiyak nalang akong umalis sa bahay na iyon. Tuluyan ko nang itinanim sa isip ko na isa talaga akong malas na tao. Buong akala ko, sila na ang maging daan para maabot ko ang mga pangarap ko. Pero hindi pala, dahil ang bilis nilang manghusga.

Behind The Happy MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon