Bryll POV •
Naramdaman ko ang unti -unting pagpatak ng ulan,kasabay ng pamamanhid na aking katawan.
Paulit-ulit kong naririnig yung huli niyang sinabi.
Bakit ganoon?Bakit ngayon ko lang nalaman lahat ng tungkol doon?Bakit hindi ko agad pinakinggan yung sasabihin niya?Bakit puro ganito na lang ang laging eksena?Kung kailan malayo na yung taong mahal mo saka mo mare-realize na ikaw yung mali at hindi siya.
Gusto ko siyang habulin,pero para saan pa?
Para magsorry?para bawiin ko lahat ng mga sinabi ko kanina?.Ano pang magagawa nun kung alam kong lubos ko na siyang sinaktan to the point na parang pinatay ko na din siya sa sobrang sasakit ng mga sinabi ko.
Anak..."nakita ko namang nag-aalalang nakatingin sa'kin si Mommy.
Pero imbis na pansinin ko siya agad akong pumasok sa loob ng bahay.At tinungo yung kwarto ko.
Hinubad ko agad yung mga suot kong damit at agad na nagtungo sa banyo para magshower.Pero bago ko pa mabuksan yung shower agad na pumatak ulit yung mga luha ko.
Ang sakit sakit...bakit ba lagi na lang akong nasasaktan?At bakit ba laging na lang akong nanakit?Ito ba yung tinatawag na karma???
Binuksan ko na agad yung shower,pero mas lalo ko lang naramdaman yung sakit..ng maramdaman ko yung tubig na nangagaling sa shower..
Hindi ko na napagpatuloy yung paliligo ko...at sa unang pagkakataon..napahagulgol na ako ng iyak...
Iyak at hagulgol ko na lang yung naririnig ko sa loob ng banyo...
Bakit ako yata ngayon ang labis na nasasaktan..dahil sa mga sinabi ko?
Erish?Kung hihingi ba ako ng tawad mapapatawad mo ko?Babalikan mo ba ko?
O mas magmumukha akong tanga dahil ako ngayon ang maghahabol sayo?
Mahal na *huk* *huk* mahal kita..."yun na lang yung huli kong naalala..dahil unti unti ko ng naramdaman yung antok...
•Erishvida Madrazo POV•
Takbo lang ako ng takbo..
Ang sakit sakit pa rin..mas lalo nga yatang masakit kapag papalayo ka na sa taong nanakit at mahal na mahal mo..
BINABASA MO ANG
REACHING FOR THE STAR
Roman pour AdolescentsNagsimula ang lahat sa nakaraan..pero paano kung magkita muli kayo ng taong pinangakuan mo na di mo siya iiwan?? ..Handa ka bang gawin lahat ang paraan para maibalik ang dati nyong pagsasamahan?o hihiling ka nalang sa bituin na bumalik kayo sa dati...