Chapter 18

89 24 0
                                    

Chapter 18

French PoV

Naibato ko na lang bigla yung cellphone ko sa sobrang inis!!!

Bakit hindi sinasagot ng babaeng yun yung cellphone niya? Bakit ngayon pa?

Erishvida Madrazo!!! Saang lupalop ba kita hahanapin. Alam kong hindi ka matutuwa kapag nalaman mong dumating na ang lolo mo.

At siguradong hindi maganda ang mangyayari kapag nakita niya kayo ni Bryll na magkasama.

Nandito ko ngayon sa labas ng bahay ni Bryll. Pero hindi lang ako nag-iisa sa pagpunta ko dito. Pati Lolo ni Erish kasama rin sa pagpunta dito. Maging ang mga magulang ko. Oo tama ang inisip niyo. They knew the truth!!

Gayundin yung mga magulang ni Bryll nandito na sila ngayon. Nasa loob silang lahat . Pero hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila ngayon. At wala akong panahon para makinig sa kanila. Kailangang malaman ito ni Erish bago sila makabalik dito galing sa kung saan. Pero paano ? Hindi ko siya macontact? Tapos ngayon naibato ko pa yung cellphone ko dahil sa frustration (>_____<) how stupid I am? Nasaan ba kasi yung assistant kong panget??

Oh,try to contact her?."narinig kong tanong mula sa likod ko

Tinignan ko siya ng masama.

Bakit ba ang epal mo?."lumabas na lang bigla sa bibig ko. Nakakainis kasi yung babae sa harapan ko . Napakaepal! Kung hindi dahil sa kanya hindi malalaman ng Lolo ni Erish

So totoo pala ang balita? Na may pagkamagaspang yang ugali mo?."tapos ng smirk siya.

So totoo rin pala ang balita na napaka epal mo sa mundo? Pati lovelife ng iba pinaki-kialamanan mo para makuha lang ang gusto mo. How spoiled you are!."sagot ko sa kanya.

Hahaha,ginagawa ko lang ang tama. Hindi tulad mo ,kinukunsinte mo yung fiance mo.Tama Mr. Garvida? Ikakasal na nga lang kayo hinahayaan mo pang humarot yung babaeng yun."pagkasabi niya nun,hindi ko na napigilan yung sarili ko.

Tinabanan ko ng mahigpit yung kamay niya!

Ouch, don't touch me.." sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ganoong babae si Erish. Tignan mo muna yung sarili mo bago mo husgahan ang ibang tao. Ikaw nga dyan ang mas mukha pang maharot kay Erish,ayaw na nga sayo ng tao,pinagpipilitan mo pa. Nakakaawa ka."then tinulak ko siya na dahilan ng pagbagsak niya.

Then sumakay na ako ng kotse ko. At mabilis na pina-andar ito.

Ang sakit talaga sa ulo ng mga babae. Lalo na yung Audrey na yun. I can't believe it na kapatid siya ng napakabait na manager ni Dannah. Tss. Sana hindi na ako maka encounter ng ganoong uri ng linta. At baka ilublob ko na yun sa kanal dahil sa sobrang inis ko!!!

Pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. ..

>>Flashback<<

Nandito ako sa bahay. Nang biglang mag ring ang cellphone ko..

Calling Mommy...

Sinagot ko kaagad yung tawag...

Hello Mom,napatawag ka?."sagot ko

We're here in the airport. Sunduin niyo kami ni Erish. Gusto siyang makita ng Lolo niya..."seryosong sabi ni Mom. Bakit ganoon yung tono ng pagsasalita ni Mommy? May problema ba?

Mommy may problema po ba?."tanong ko. Usually kasi kapag kausap ko siya sa phone lagi siyang masigla.

Wala hijo,basta sunduin niyo kami rito,siguraduhin mong kasama mo si Erish.." at ngayon ko lang narealized yung sinabi ni Mommy. So nakauwi na sila?

REACHING FOR THE STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon