Hey, guys! Sorry, hindi pala sa June 1st ang release ng advance copy natin. May preparations pa kasing gagawin, excited naman ako masyado. Haha! But anyway, target namin ang first week of June. As already announced, P550 po ang softcopy. Take note, digital po ito, hindi paperback o physical book. Thank you so much for your interest. I will post the final announcement with the next update. Stay tuned, everyone! And, oh, sa mga bibili ng softcopy, I advise you to read the story from the start kasi may parts na wala dito sa Wattpad. ;)
Also available in softcopy/e-book is Seduce Me Now, Marry Me Later. Same din po, may bonus contents na wala sa Wattpad version. P650 naman po ang price niyan. Available din ang physical copy/paperback which is P959 plus shipping fee. ~ ML
"GOOD morning, beautiful," nakangiting sabi ni Pierre nang magmulat ng mga mata si Amari.
Jusko, bakit ba guwapong-guwapo na agad ang lalaking ito sa umaga? Iyon agad-agad ang naisip niya kahit groggy pa siya mula sa paggising.
Nagtakip si Amari ng kumot sa bibig bago sumagot. "'Morning. Kanina ka pa gising?"
"I woke up to pee just a while ago, hindi na ako inaantok. Matulog ka uli, huwag ka pa bumangon."
Naghikab siya at nag-inat. Pierre gave her a kiss, never minding her morning breath.
"Kailangan ko na bumangon. Mahirap nang masanay na nagigising akong katabi ka."
Umupo ito sa gilid ng kama. "Ano namang masama kung masanay ka nga? Ayaw mo niyan, may nagigisnan kang guwapo araw-araw?"
"Yabang nito!"
She frowned. Bakit gusto niyang sumama ang loob na parang hindi sineryoso ni Pierre ang sinabi niya? Paano nga kung masanay na siya, 'di ba?
Nahiga naman ito sa kanyang tabi, humarap sa kanya. "Ayaw mo bang masanay?" saka seryosong tanong nito na may maliit na ngiti. "Kasi ako, sanay na akong katabi ka. At hiling ko na sana palaging mangyari iyon."
"T-talaga?"
Humaplos ito sa pisngi niya. "Oo."
Shit, bakit ang bilis bigla ng heartbeat niya? Hindi na niya yata kailangang magkape.
Bumangon na si Amari, pilit isinawalang-bahala iyong magandang naramdaman niya. Pierre just told her something so pure and romantic, and while she was swooning over it, there was a part of her that wanted to escape the feeling.
"Mag-breakfast na tayo tapos umpisahan na natin iyong photoshoot ko," aniya.
Madali lang nilang natapos ang photoshoot niya, ang iPhone ni Pierre ang ginamit nila. Hindi inakala ni Amari na magiging komportable siya sa pag-pose nang sexy habang naka-revealing clothes. First time niya magkaroon ng picture na naka-bikini.
Siguro ay dahil gandang-ganda sa kanya si Pierre na walang reklamo sa pagkuha ng litrato. Kahit dumapa ito sa lupa at tumuntong sa upuan ay ginawa nito para magkaroon lang ng magandang anggulo.
Iyon nga lang, pagkatapos ng photoshoot ay nauwi sila sa churvahan. Kanina pa daw libog na libog si Pierre sa kanya. Hindi na sila nakarating sa loob ng bahay, sa swimming pool nila pinakawalan ang init sa isa't-isa.
NAKA-POST na sa Instagram ni Nicci ang mga picture ni Amari na hiningi nito. Napa-log in tuloy siya sa inaamag niyang Instagram account. In fairness, libo-libo na agad ang likes sa mga picture niya sa post ni Nicci.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.