Chapter 1
Pinaramdaman ko ang ihip ng hangin habang naka hilig ang ulo ko sa malaking kahoy at pumikit. Naka upo ako ngayon sa bermuda grass habang naka silong sa malaking kahoy. Parte parin ito sa AU o Academic University, kung saan ako nag-aaral. Magara o sosyal ang paaralan na ito. Tanging mga mayayaman lamang ang kayang makapag-aral dito. Ngunit, hindi ako anak mayaman, hindi din naman sobrang hirap, 'yung may kaya lang. Pero, hindi iyon sapat para makapag-aral ako dito, may tumulong lang talaga sa akin para makapasok dito,si Tita Nelia, ina ni Hober, at laking tulong na din ang aking scholarship para hindi gaanong mapagastos si Tita Nelia, nakakahiya naman kasi.
Narinig kong tumunog ang android kong cellphone nang may biglang nag text.
Hober:
Where are you? Puntahan na kita para sabay tayong mag lunch.
Me:
Hindi na, ako na ang pupunta diyan.
And after that. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. Kinuha ko na rin ang bag ko na nakasandal din sa puno bago ito sinabit ang isang sling sa aking balikat.
Naglakad ako papuntang cafeteria. Ngunit, habang naglakad papunta doon ay hindi ko maiwasan marinig ang mga bulongan sa paligid. No! hindi na iyon bulongan dahil parang sinadya na nila iyon upang marinig pa ng iba.
"Wala na pala sila?"
"Sinong wala na?" Tanong ng isang babae na nakikisali din sa mga nagkukumpolan.
"Girl, duh! Hindi ka ata updated" Inis naman no'ng isa.
"Ah ok! I get it."
"Sayang naman nila, ang sobrang tagal na kaya nilang magkasama sa buhay tas naghiwalay lang, bagay pa naman sila."
"What? Kung makapagsalita ka parang 'di ka nag-antay na maghiwalay sila ah"
"'Wag mo'kong itulad sa'yo, 'no"
Napa iling-iling nalang ako dahil sa narinig. Nang dumating na ako sa Cafeteria ay hindi ko agad nakita si Hober. Sobrang laki ng Cafeteria sa paaralang ito kaya imposibleng agad ko makita 'yung kaibigan ko, lalo na't napakadaming studyante ang kumakain dito.
Magtitipa na sana ako ng message para sa kaibigan ko ngunit para akong nabuhusan ng tubig---No! Nabuhusan talaga ako ng tubig, sobrang basa na ng damit ko.
Nag-angat ako ng tingin sa taong nakabuhos sa akin. I glared at him. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka sinadya niya ito, dahil sa expression niyang walang gana kung tumingin.
"Kung magagalit ka dahil sa ginawa ko, well don't, dahil kasalanan mo din naman 'yan" He said coldly.
Mas lalo ko siyang tiningnan ng masama. Ang mga tao sa Cafeteria ay nakabaling na din ang atensyon sa amin no'ng nagsalita na ang impaktong ito. Wala silang pakealam sa nangyari, at doon lang nakuha ang atensyon nila no'ng nagsalita na ang lalaking ito. Really? I mentally rolled my eyes.
"Are you freaking dumb? Hindi mo ba nakakitang nakatayo lang ako dito? Eh hindi ko nga pansin ang prensensya mo, paano ko naman naging kasalanan iyon?!" I almost yelled at him.
"Exactly! dahil sa ginawa mong pagtayo diyan ay nakalimutan mo ng Cafeteria pala ito at hindi tambayan ng mga adik sa labas" He said, calmly.
Mas lalo akong nagalit dahil sa sinabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Na nakaharang ako sa kanyang dinadaanan? Eh, kahit madami ang studyante sa loob ng Cafeteria na ito ay malawak pa din naman, kaya hindi rason ang pagtayo ko dito upang matapunan niya ako ng tubig, o baka ay sinadya niyang ibuhos iyon sa akin.
YOU ARE READING
Tasting his Pain
Teen FictionWhile hating him, I didn't notice that I am falling in love with him...While loving him...means, I am tasting his pain.