Chapter 17

8 3 0
                                    

Chapter 17

I get my phone when I heard it rung. Unknown number ang tumawag kaya nag dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba. But at the end, I answered the call.

"Sino 'to? Pa'no mo nakuha ang number ko?" Diretso kong tanong.

"This is, Axon. I got your number from your, mom. Pinasabi lang sa'kin-"

"Hep! Wait muna. Nasaan naba sila mama, ha? Gabing-gabi na, wala parin sila!"

"Listen to me, first."

"Ay, no! 'Kala mo nakakalimutan ko na 'yung nangyari sa waiting shed, ha. Huy! Inis na inis ako sa'yo no'n. Ang hangin mo! 'Kala mo kung sinong gwapo!" I shouted.

Nang matapos kakasigaw ay naghabol ako ng aking hininga. Nangunot ang aking noo nang katahimikan ang naghari. Hindi nagsalita si Axon mula sa kabilang linya.

"Hello? Andyan ka pa ba?" Tanong ko.

"Are you done? Parang masisira na 'yung screen ng phone ko kakasigaw mo."

"Nasaan na ba sila?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi sila makakauwi ngayon. Dito muna sila matutulog sa'min."

"What?!" I shouted again.

"Fuck! Don't yelled again you crazy girl. Masisira 'yung ear drums ko sa'yo."

"Ba't diyan sila matutulog?" Pag-iiba ko ng usapan ulit.

"It's almost midnight, I think it's dangerous-"

"Edi ihatid mo, gag*ng 'to!" Irap ko.

"Too busy."

"Nakakainis ka talaga-"

"I think, I deserve to receive a second thank you." He cut me off.

"Ha?"

"I helped you to review your all lessons. Sigurado akong perfect mo na lahat ng dial me test."

Ang galing! Pagkatapos niya akong maliitin na baka hindi ko nasagutan ng maayos ang dial me test ay sasabihan niya ako ng ganito. Ang labo! Para hindi na hahaba ang usapan ay ginawa ko nalang ang gusto niya.

"Edi thank-"

"Never mind, I changed my mind. Libre mo nalang ako ng kape galing Starbucks."

Umupo ako sa aking kama habang nakataas ang isang kilay. "Swerte mo! Ang mahal kaya no'n".

"Ok, then. Let's review together at the library."

I deeply sighed. "Ok fine! Let's do a review together."

"Good." And then, he hang up the call.

Wala naman atang mali do'n kung sabay kaming mag-aaral sa Lib. Hindi naman 'yun study date, and besides, we're both single, wala nama atang magagalit, but except Hober.

It's already eleven pm. Hindi pa din ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa'king kama. Ginawa ko na lahat para antukin ngunit wala pa din talaga.

I decided to stood up. Nagsuot ako ng Jacket at pajama. Nang masagi sa'king paningin ang maleta ni Hober ay plano ko sanang buksan ngunit hindi pala para sa'kin 'yun. Napag-isipan ko nalang na lumabas muna ng bahay.

Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa'kin ang napakalamig na hangin. Bukas pa din 'yung ilaw ng mga kapit-bahay namin kaya kahit papano ay may ilaw pa din sa daan.

Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta ngayon. Kung sa'n nalang siguro ako dadalhin ng aking mga paa ay do'n nalang ako. Gusto ko din magpa antok.

Medyo malayo-layo na ako sa'ming bahay. Patagal ng patagal ang aking paglalakad ay palamig din ng palamig ang hangin. I stopped when I noticed the moon. It was half moon. Ang ganda ng buwan. May tatlong bituin ang nasa tabi niya na lalong nagbibigay ganda sakanya.

Tasting his PainWhere stories live. Discover now