Chapter 23

11 2 0
                                    

Chapter 23

Kagat-kagat ko ang aking labi habang akyat-baba sa hagdan. Ilang hakbang lang ang ginawa ko. Nagdadalawang isip kong tutuloy ba ako.

Gusto kong antayin si Hober sa labas ng classroom nila gaya ng sinabi niya sa'kin. Ngunit, may kaba rin sa'king dibdib dahil alam kong makikita ko ro'n si, Axon.

I shook my head. Hindi ako dapat magkakaganito nang dahil lang sa lalaking 'yon.

Sinimulan kong humakbang paakyat. Nakarating na ako sa ikalimang palapag. Nakita ko na rin ang unang classroom. Pangatlo ang classroom nila Hober. Tahimik ang paligid pati na rin sa loob ng mga classroom. Hudyat na nag k-klase pa sila.

Matapang akong naglakad patungo sa ikatlong classroom. Napahinto ako sa may pinto. Ngumiti ako nang nakitang nakatingin sa'kin ang professor nila. At sinundan naman ng tingin ng mga studyanteng nasa loob.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mukhang nag-aantay ang professor nila kung ano ang sadya ko. Nilibot ko nalang ang paningin ko sa loob ng classroom. Buti nalang nakita ko agad si, Hober. Nakatingin ito sa'kin.

Bubuksan ko na sana ang aking bibig upang magsalita ngunit narinig kong may nagsasalita.

"Shit" Mura niya.

It was, Daffodil. Nangunot ang aking noo nang nakita siyang kakalabas palang sa ika-apat na classroom. Kasunod nito. Sumunod naman sakanyang paglabas ay si, Kionel.

"Fuck off, bro. Nang-iistorbo ka," Inis na wika ni Kio sakanya.

Aktong papasok na sana si Daffodil sa classroom na iyon ngunit pinigilan siya ni, Kio.

"Go back to your University, you fucking bastard," Pigil sakanya ni Kio.

Tila pabulong lang ang kanilang pag-uusap kahit alam kong gusto na nilang magsigawan. 

Nakita ako ni Daffodil at do'n na siya huminahon. Marahas na tinanggal niya ang kamay ni Kio na nakahawak sakanya.

"Balik kana sa loob, Kio. Malapit na ang prof niyo. Aral ka ng mabuti, ha" Inosenteng wika ni Daffodil habang ang mga tingin ay nasa sa'kin.

Napailing-iling nalang si Kio. Tinapunan niya ako ng tingin bago pumasok ulit sa loob ng room nila.

"Hi, Nayah. Do you miss me?" Pilyo nitong tanong.

Naglakad ito papalapit sa'kin. Pinigilan ko siya nang naramdamang wala itong planong tumigil sa kakalakad papalapit sa'kin. Dumapo ang dalawa kong palad sa dibdib niya upang pigilan siya.

Agad naman akong bumitaw nang pumasok sa'king isipan na maraming mga matang nakatingin sa'min.

Tumikhim ako at aktong tatalikuran na siya ngunit mabilis niyang hinawakan ang bewang ko.

"Oh, sa'n ka pupunta? Ngayon lang tayo nagkita ulit, e." Masuyo nitong wika.

Hindi ako makatingin sakanya. Pinilit kong makaalis sa pagkakawak niya sa'kin ngunit masyado niyang hinihigpitan. Shit, nakakahiya! Alam kong maraming mga matang nakatingin sa'min ngayon.

Yumuko ako upang itago ang nahihiyang mukha. Sa pagkuyo ko, do'n naman napahiga sa sahig si Daffodil. Mabilis ang pangyayari. Nasa kanang gilid ko na ngayon si, Hober. Nag-tiim bagang at kuyom ang mga kamao.

"Fuck! Ilang beses ba akong dapat masuntok ngayong araw?!" Galit na sabi ni Daffodil habang nakatingin sakanyang kamay na may dugo. Galing iyon sa labi niya.

"It suits you. Bagay sa'yo ang may putok sa labi. Kulang panga 'yan." Singit ni Axon na nasa kaliwa ko.

Tumayo si Daffodil at isa-isa kaming tinapunan ng tingin.

Tasting his PainWhere stories live. Discover now