Chapter 25
"The costumes will arrive later. Kinuha pa iyon ni, Deb" Ani madame.
Kanya-kanya namang reaction ang ipinakita ng mga kaklase ko. Lahat ng mga babae rito ay abot hanggang tenga ang kanilang mga ngiti. Ako naman ay hindi ko rin maiwasan ang hindi mapangiti.
"Since sa monday na ang inyong periodical exam, you should be ready class. After that, sa miyerkules ay recognition niyo na, walang pasok sa martes. Sa huwebes naman ay may prom tayo, all levels, bago matapos ang school year na ito." dagdag pa niya.
Naghiyawan ang aking mga kaklase.
"Completers kayo but sad to say is ititipon nalang kayo sa mga junior high during recognition. But, may pictorial na magaganap, pagkatapos ng exam. Punta lang kayo sa building ng mga college, doon ang set.."
"Wala kayong pasok sa martes dahil araw iyon ng mga graduates," She continued.
"Bakit po naging ganyan, madame?" Tanong bigla ng kaklase ko.
"Actually, I am sad as well na ganyan ang nangyari, but the reason is wala tayong sapat na oras para mag practice, dahil nga nakuha na iyon lahat sa cheerdance niyo. Biglaan kasi ang lahat...but at least, lahat kayo ay may award na matatanggap."
May iba na nalungkot dahil sa narinig. Ako rin naman. Pero wala kaming magagawa. Ang importante ay makaka-akyat parin kami ng stage.
Tatlong guro lang ang pumasok ngayon upang magturo sa'min. Ang iba naman ay ibinigay nalang nila sa'min ang oras para makapag gawa ng 'pom-pom'.
"Ang hirap!" Rinig kong reklamo ni, Yesha.
"Oa mo! Pagawa mo nalang 'yan kay Ian" Tawa ni Zisa.
"Gaga ka. Wala na kami!" Si Yesha.
"Hindi na nakakagulat bruha ka" Si Zisa.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy nalang ang paggawa sa akin. Sa panghuling stapler ay tapos na ako. Tumayo ako habang pinagkatitigan ang aking pom-pom. Ang ganda! Kulay gold ito.
"Tapos kana? Paggawa naman ako oh!" Lumapit sa'kin ang isa kong babaeng kaklase.
Pilit naman akong ngumiti sakanya. Nag-alinlangan kung papayag ba.
"Ako rin, Sheenayah. Please" lumapit din sa'kin iyong isa.
Hanggang sa ang paningin ng lahat ng kaklase ko ay nasa sa'kin na. Halata sa mukha nila ang magpapagawa rin sa'kin.
I sighed and was about to accept their favor but Sir Deb suddenly came in. Hingal itong inilagay sa teacher's table ang mga dala niya. Tila naliligo na rin ito sa sariling pawis.
"Narito na ang mga costumes niyo! Hindi ko alam kung ano ang mga sukat niyo dahil ako rin mismo nagulat na ngayon na pala magsisimula. Biglaan ang pagpalit ng date. Hindi ko na kayo nasukatan! Minamadali ko rin iyong nagtatahi nito...oh sige! Linya kayo! Alphabetical order!" Mabilis nitong wika.
"Make two lines! For boys and girls!" Dagdag pa nito.
Agad naming sinunod ang utos niya. Sumilip pa ako kung ano ang hitsura ng aming costumes. Napangiwi ako ngunit nagagandahan din naman. Iyong palda na sobrang ikli ay kulay pula habang iyong pang-itaas ay croptop ngunit hindi naman gano'n ka ikli. One strap lang ito.
"P*ta! Ang ganda!" Sigaw ni Zisa.
Na tanggap na naming lahat ang aming mga costumes. Pinagkatitigan ko pa iyong mabuti ang akin. Napangiti naman ako nang naisip na kasya sa'king katawa iyong akin. Sakto sa katawan ko na petite.
"We have one hour left bago mag start ang competition!...kaya bilisan niyo na at mag bihis na kayo, ayusin niyo rin ang mga sarili niyo!" Sigaw uli ni Sir Deb.
YOU ARE READING
Tasting his Pain
Teen FictionWhile hating him, I didn't notice that I am falling in love with him...While loving him...means, I am tasting his pain.