Chapter 15

9 3 0
                                    

Chapter 15

Katahimikan ang nabuo sa'ming dalawa habang nasa sala. Nilabanan ko ang kanyang titig sa'kin habang siya ay nakatayo sa aking harapan at habang ako ay naka upo sa couch.

"Ilang ulit pa ba kitang sasabihan na 'wag kang lumapit sa lalaking 'yun?" He broke the silence.

Para siyang tatay habang pinapagalitan ang kanyang anak.

"Ops, correction, hindi ako ang lumalapit sakanya, kundi siya!" pagtatama ko.

"Gano'n pa din 'yun, Nayah. Hindi lang isang beses kong nalaman na nag-uusap na pala kayo ng lalaking 'yun, kundi dalawang beses na!" He almost shout.

Yea right. May inutusan pala siya no'n upang bantayan ako.

"'Wag ka ngang sumigaw diyan!" I shouted.

"Hindi ako sumisigaw, Nayah. Hindi ko gagawin 'yun dahil ayaw kong saktan ka."

"Alam kong nagtitimpi ka lang, Hober. Now, go on, sigawan mo'ko! Pagalitan mo'ko! Simpleng bagay lang, umabot kana sa ganyan?!"

He gasped. "What? Simpleng bagay? Kung para sa'yo simpleng bagay lang, pwes para sa'kin hindi. Alam kong wala akong karapatan na ipagkait ka sa iba...pero, gusto ko ako lang."

Natahimik ako. Gusto ko pang magsalita ngunit parang may pumipigil sa'kin, umatras ang dila ko. Ewan ko kung bakit.

"What do you mean, Hober?" I forced to asked.

Alam kong sanay na ako sakanya, sa kung paano siya magsalita, his sweet words, his action na kung sa iba ay parang may malisya, his all efforts, pero alam ko sa sarili ko na ginagawa niya lang 'yun dahil magkaibigan kami.

"Kailangan pa bang itanong 'yan? Of course dahil kaibigan kita. Ako ang kauna-unahan mong naging kaibigan at gusto ko ako lang, gusto ko wala ng susunod sa'kin o kahit iba pa man...gusto ko nang gano'n, Nayah." He almost pleaded.

"E, pa'no kung boyfriend?"

Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. "Ayaw ko, bata ka pa."

"Pa'no kung malaki na tayo?"

"Pwede na, pero sa isang tao lang...'yung deserving para sa'yo." Halos humaba na ang kanyang nguso.

"Pa'no kung si, Axon ang deserving para sa'kin?" I teased him.

"Halata namang hindi 'yun deserving para sa'yo, at hindi din kayo bagay."

I crossed my arms on my chest."E, sino naman ang deserving para sa'kin?"

Dahan dahan sumilay ang ngiti sakanyang labi. "Sasabihin ko nalang sa'yo 'pag malaki na tayo"

He left me clueless. Inirapan ko nalang siya habang naglalakad sakanyang kwarto. Tumayo ako at hinanap sa paligid si Katrina.

"Nasaan si Katrina?" I shouted to ask Hober.

"Meeting up her, Mom." He shouted as an answer.

I just shrugged. Tumungo ako sa silid namin ni Katrina at nagbihis. Mabuti nalang tapos na ang red day ko. Pagkatapos magbihis ay tumungo ako sa kusina upang magluto pero parang nalilito ako kung ano ang lulutuin. Lalabas na sana ako ng kusina upang kausapin si Hober pero bigla akong napahinto nang bigla siyang sumulpot sa may pinto ng kusina.

"Be careful, baka mahalikan mo'ko niyan." Mayabang nitong saad.

"Ang swerte mo naman 'pag natikmam mo ang labi ko." I rolled my eyes.

"I know right, kaya patikim nga." Ngumuso pa siya at pumikit.

Tinampal ko ang kanyang mukha. "Shut up, Hober."

Tasting his PainWhere stories live. Discover now