Chapter 16
Nakatitig lang ako sa ceiling. Hindi alam ang gagawin. Kanina pa din hindi lumabas ng kwarto si Hober. Si Katrina naman ay hindi pa din umuuwi dito sa condo. Plano ko pa naman na ngayon aalis at uuwi na ng bahay.
Mukhang hindi matutuloy 'yung plano namin na sabay kaming pupunta sa bahay at mamamasyal.
Mabilis akong napabangon sa aking pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto.
"Katrina.." Tanging sabi ko.
"Ah, hi. Sorry about last night." She said.
"Ha? Naku, ayos lang. Akala ko hindi kana uuwi dito." Wika ko.
Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Suminghap muna siya bago tumingin sa'kin ulit.
"I want to apologize, especially to Hober. I-i don't want to ruin this friendship." Kita sa mukha niya ang pagkalungkot.
"Hindi naman 'to masisira, e-"
"But it's obvious that Hober don't like me, Nayah." She cut me off.
"G-gusto mo ba siya?" My voice were shaking.
"Of course, I do love him." Mabilis nitong sagot.
"Try lang natin. Baka magustuhan ka din niya pabalik, diba?" Pagkukumbinsi ko.
Huminga ako ng malalim. Nasasaktan din ako sa part na pinagtutulakan ko si Hober sa taong alam kong hindi niya gusto.
"Sa tingin mo, may pag-asa pa bang magugustuhan niya ako?"
"Ha? Y-yes...Of course." I forced a smile.
Hindi ko din maiintindihan sa part na bakit pinipilit din ni Katrina ang sarili sa taong hindi siya gusto. She just hurting herself.
"Sorry nga pala sa ginawa ng pamilya ko sa mansion nila, Hober." She apologized.
"Hindi ka dapat sa'kin mag s-sorry, Katrina, kay Hober dapat."
"But still, nadamay ka pa din."
I just smiled at her. Niyakap ko siya at gumanti din siya. She's too genuine. Ang hirap saktan ng babaeng 'to.
"Can we act like it didn't happened?" She asked.
Bumitaw ako sa pagkakayakap. "Sympre, kaya ko 'yun."
Lumabas na kami ng kwarto. Pareho kaming natigilan nang nakita namin si Hober na kakalabas din ng kanyang kwarto at may dala-dalang maleta.
"Saan ka pupunta?" I asked.
Hindi niya ako sinagot. Tanging nakatitig lang siya kay Katrina. Titig na walang gana. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
"Can we talk-"
"No" Hober cut her off.
"Hober! Kailangan niyong mag-usap." I inserted.
"Ayos lang sa'kin kung ayaw mo. But please, hiling ko lang sana na pwedeng kalimutan na na'tin 'yung nangyari kagabi? Let's just act like it didn't happened, can you?" Si Katrina.
Matagal sumagot si Hober. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa'min ni Katrina. He sighed and then nod.
"Thankyou, Hober." Katrina smiled widely.
"Hindi ka pa nagbibihis? I thought pupunta tayo sa inyo?" Hober asked me. Benalewala ang sinabi ni Katrina.
Tumingin ako sa maleta niya. "Alam ko, at hindi ko na kailangan magbihis, sakto na 'to."
"'Yan pa ang suot mo kagabi, ah. Hindi ka din naligo-"
"Sa bahay ako maliligo" Inirapan ko siya.
"Sama pa din naman ako diyan, diba?" Si Katrina.
YOU ARE READING
Tasting his Pain
Teen FictionWhile hating him, I didn't notice that I am falling in love with him...While loving him...means, I am tasting his pain.