Chapter 10
"Ano pa?" Tanong ni Katrina habang nagsusulat sa kanyang mini notebook.
"Paborito niya din ang seafoods" Sagot ko habang busy sa pagtirintas ng kanyang buhok.
Nasa condo na kami at kasulukuyang nandito sa aming kwarto. Hindi ko pa din nakita si Hober, hindi din nag reply sa text ko, tinanong ko naman si Katrina tungkol do'n at sinabing nasa mansion nila, at kay Katrina ko din nalaman na hindi pala siya pumasok kanina. Nainip ako sa paghihintay kaya nag commute nalang ako.
"What kind of seafoods? lahat?" Tanong niya.
"'Wag ka munang malikot, baka hindi maayos ang pagka tirintas nito" Paalala ko nang lilingunin na niya sana ako.
"Oo ata.." I added, answering her question.
"Dika sure? Baka allergy siya nito, ha!"
"Shrimp nalang, alam kong hindi siya allergy diyan."
"Ok, noted! Ano pa?" Tanong niya at tumayo bago humarap sa akin.
Tapos na ako sa pagtirintas sa buhok niya. Napangiti ako nang maganda ang gawa ko at sobrang bagay sa kanya.
"Sakto na 'yan, sobrang dami na ng nalista mo" Wika ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Sumunod naman sa akin ang babae. Dumiretso kami sa kusina.
"Marunong ka magluto?" Tanong niya at binuksan ang ref tyaka may kinuha.
"Medyo, ano ang lulutuin na'tin ngayon?" Saad ko habang tinitingnan ang cabinet na kung saan ay nado'n ang mga pinamili namin.
"Ewan, ano ba paborito mo?" Kumagat siya sa apple na kinuha niya sa ref.
"Kumakain naman ako kahit ano." Sinarado ko na ang cabinet. Sobrang dami naman ng stocks namin pero ang hirap mamili.
"Tawagan mo nalang si Hober, tanungin mo kung ano ang gustong ulam ngayon dahil baka hindi pa magustuhan ang luto na'tin kung hindi niya ito paborito."
I raised my one eyebrow. Really? Palagi niyang iniisip si Hober at inuuna, sobrang lakas talaga ng tama niya sa binata!
"Hindi nga ako nireplyan sa text, tawagan ko pa kaya?!" Medyo inis kong saad.
"Just try it, baka na busy lang kaya hindi ka na replyan." Pagkumbinsi niya.
I just sighed. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng aking short at tinawagan si Hober. Nag ring naman pero hindi sinagot. Tinawagan ko pa ulit pero gano'n pa din ang eksena.
"Mag adobong manok nalang tayo" Nakangiting saad ni Katrina at kinuha ang isang pack na manok. Napansin atang hindi sinagot ni Hober ang tawag.
Sinunod ko naman siya. Kinuha ko ang mga ingredients at hinugasan. Kahit hindi sakto ang paghiwa sa mga ingredients ay pinagpatuloy ko nalang. Si Katrina naman sa manok. Pinagtulungan naming lutuin ang manok, mabuti nalang at alam ko ang pagluto nito.
"Sa tingin mo magugustuhan niya 'to?" Tanong niya habang nakatingin sa niluluto. Inantay nalang naming kumulo 'yung kaunting sabaw.
"Oo, wala namang arte ang lalaking 'yun." Sagot ko.
Unlike Axon. Pilit ko nalang inalis ang eksena kanina. Ilang beses ko ng nasaksihan ang gano'ng eksesa nila, pero iba ang kanina, pakiramdam ko sobrang komplikado ng kanilang relasyon, parang ang hirap.
Sa kalagitnaan ng paghihintay naming maluto ang manok ay may biglang nag doorbell. Nag presenta si Katrina na siya nalang ang bubukas, halata sa babae ang sobrang excited.
"Where's Nayah?" Rinig kong tanong ng isang lalaki.
It was Hober.
"N-nasa kusina." Rinig ko namang sagot ni Katrina.
YOU ARE READING
Tasting his Pain
Teen FictionWhile hating him, I didn't notice that I am falling in love with him...While loving him...means, I am tasting his pain.