Chapter 8
"'Wag ka ngang maingay!"
"Tahimik lang ako dito, ikaw nga ang nang gugulo diyan!"
"Really? Ilayo mo nga yang kamay mo sa kamay ko---Shit! I don't know why I'm talking to a girl like you"
Ako ata ang nahihiya sa dalawa kong kasama ngayon, ayaw tumigil sa kaka-away, nasa simbahan pa naman kami ngayon. It's Sunday, plano ko na talagang magsimba ngayon pero wala sa plano ko na isama ang dalawang 'to.
"Nasa simbahan tayo, 'wag ka mag mura!" Si Katrina.
Mabuti nalang nasa pinakadulo kami umupo. Pero medyo nakakahiya pa din dahil may mga ilang tao ang naka upo sa likuran namin, 'yung may dala-dalang upuan dahil wala ng bakante.
"Acting like an angel, huh" Si Hober.
"Uuwi ka na ba ng condo after nito, Nayah?" Si Katrina.
I nod. "Yea, pero may kukunin pa ako sa bahay kaya una muna kayo do'n"
"Why? Sama ako" Mahinang sabi ni Hober. Napansin niya na din ata na pinagtitinginan na kami ng mga matatanda dito sa simbahan.
"Mabilis lang ako, Hober. Kukunin ko lang ang malita ko" I replied.
"Aalis ka?" Si Katrina.
I just shook my head as an answer. Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil nakaramdam na ako ng hiya. Mabuti nalag tumahimik na ang dalawa. Natapos ang mesa at agad na tumungo kami sa kotse ni Hober. Sinamahan ko lang ang dalawa.
"Ingat kayo.." Sabi ko.
"Katrina can drive, kaya sasama ako" Pagpupumilit ni Hober.
"Next time nalang, kulit mo e, 'no?!" Inis kong saad.
"Hober si right, Nayah. I can drive, isama mo nalang siya" Katrina inserted.
"See.." Hober said and smirked.
"Babae ka pa din, Katrina, kailangan ligtas ka" Pagpupumilit ko din.
"No worries, I can handle myself, and besides magkikita pa kami ni, mom."
I just shrugged. "ok"
"Susi oh" Kinuha ni Hober ang kanyang susi at binigay kay Katrina.
"Thanks, don't worry iingatan ko ang kotse mo" Pagkasabi niya no'n ay agad siyang pumasok sa driver's seat at pinaandar ang makina.
"Ingat ka, Katrina.." I waved at her.
"You too...Also you, Hober" Tiningnan niya sandali si Hober bago binaling ang tingin sa kalsada.
Hindi iyon pinansin ni Hober, pinaglalaruan lang ang kanyang cellphone, alam ko namang para-paraan lang niya ang paglaro sa cellphone para hindi pansinin ang babaeng nagpapaalam sa kanya.
Umuna na ako sa paglalakad at agad naman iyon napansin ni Hober kaya agad itong sumunod sa akin.
"Mag c-commute ka?" Tanong ni Hober bago ako inakbayan.
"Malamang, may kotse ba tayo?" Saad ko at inis na tinggal ang braso niyang naka-akbay sa akin.
"Blame Katrina" Wika nito.
Hindi ko nalang siya pinansin, wala talaga akong ideya kung bakit ayaw niya sa babaeng iyon, Katrina is nice, kaya dapat tratuhin din niya ito ng tama.
"Kain muna tayo?" Aya sa akin ng binata.
"Sa bahay nalang" Sabi ko.
Nandito na kami ngayon sa waiting shed, nag-aantay ng masasakyan. Kanina na din ako naiinis, hindi na ata mapinta ang mukha ko dahil sa inis, ang mga dumadaan kasi na tao dito sa kinatatayuan namin ay puri ng puri, pero hindi sa'kin, kundi sa aming dalawa ni Hober, napagkaamalan kami na magjowa, pero hindi na bago sa akin ito, nakakainis nga lang.
YOU ARE READING
Tasting his Pain
Teen FictionWhile hating him, I didn't notice that I am falling in love with him...While loving him...means, I am tasting his pain.