Prologue

16 3 0
                                    

Prologue

Malawak ang hallway. Tahimik ang paligid. Tanging pag click lang ng aking high heels ang aking naririnig. Taas noo akong naglalakad. May sumilay na ngiti sa'king labi.

"Good morning, ma'am." Bati sa'kin ng isang studyante na nakasalubong ko.

"Good morning, too." I smiled.

Papasikat na ang araw. Tanaw ko mula rito sa ika-apat na palapag ng building ang pagsikat ng araw. Tumama sa'king mata ang sinag nito. Huminto ako at sinamantala ang pangyayari. Maganda sa katawan ang bagong sikat ng araw.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Marami na rin akong nakasalubong na mga studyante rito. Ilan sa kanila ang bumabati. Lima ang classroom dito. Pang-lima iyong akin, nasa last.

"Good morning, ma'am!" Bati sa'kin lahat ng mga studyante ko nang nakapasok na ako sa'king classroom.

"Good morning, too. You can take your seat, class." Wika ko.

"Since this is our first day of class, we will having a 'introduce yourself' today." I added.

This is my first day of being a teacher today. I have no experience yet, it's my first time.

"Ako muna?" Tanong ko sakanila.

"Yes, ma'am." Sagot ng isa sa kanila.

I slightly laughed. Sinadya ko talagang tumayo ng matuwid para pormal akong tingnan sa pananaw nila since pinili kong magturo ng senior high school. Bilang wala pang experience, medyo kabado ako ngayon. Ngunit, ika nga nila 'confidence is the key'.

Nilibot ko ang paningin sa'king mga studyante. Malinis sila tingnan. Nag-aantay din silang sisimulan ko.

"I am Miss, Sheenayah Jen Wilson. And I am expecting this class to have a manners. I am expecting as well, that you all are going to listen every time na mag d-discuss na ako, or even the other subject teachers." Ani ko.

Pagkatapos ko, sinimulan na din ng mga naka-upo sa harapan. They introduced theirselves.  Ngunit, may isang studyante ang nakapukaw ng aking atensiyon.

"Sorry, who are you again?" Tanong ko.

Tumayo ulit 'yong lalaking studyante na naka-upo sa likuran. May pagkatangkad ang height nito. Maayos din ang pagkagupit ng buhok nito. Malinis siya tingnan.

"Daffodil Anderson Jr, po miss."

I just nod at pina-upo na ito ulit. I shook my head nang may naalala. May sumagi lang sa'king isipan nang malaman ang buong pangalan ng binata.

Class ends at five thirty pm. Nandito ako sa waiting shed sa labas ng school habang iniintay ang susundo sa'kin. Napalingon ako sa may gate nang may nakitang mga grupo ng mga studyanteng kababaihan na nagtatawanan. Napatingin ako sa kanilang mga uniporme. Mapait akong napangiti nang may naalala na naman. I miss being a student again. I miss wearing those uniforms again.

I startled and almost shouted nang may bumusina sa harapan ko. Bumaba ang bintana ng pulang kotse at dumungaw doon ang isang lalaki na may pilyong ngiti.

Inirapan ko lang siya. Mas lalong lumawak ang ngiti nito. Bumaba siya sakanyang kotse at pinagbuksan ako. Pumasok naman ako roon.

"How's my passenger princess today?" Tanong nito habang ang tingin ay nasa kalsada lang.

Mga ilang oras na rin kaming bumabyahe. Alam kong malayo ang pupuntahan namin ngayon.

"I'm good." Maikli kong sagot.

"Kamusta ang pagiging architect?" Tanong ko.

"Basic lang 'yon. Nakakainis nga lang minsan ang mga client." Sagot nito.

"You're officially now an Architect Ramez. I'm so proud of you!" Magiliw kong saad.

Napailing nalang ito at ngumiti. "I am more than proud of you, my Teacher Wilson."

Pareho kaming natawa sa'ming mga sinasabi. We're proud of ourselves, dahil sabay naming naabot ang aming mga pangarap.

"We're already here."

Nahinto kami sa parking lot. As usual, pinagbuksan na naman niya ako ng pinto. Pinasadahan ko ng tingin si Hober ngayon. Naka tuxedo ito. Sobrang bagay naman sakanya at sa event na pupuntahan namin ngayon.

"I like your red dress, Nayah. It suits you." He winked.

Inirapan ko lang siya kahit may sumilay na ngiti na sa'king labi. I am very thankful to him. I am very grateful that he's my childhood best friend.

Sabay kaming pumasok sa building. Binati at pinagbuksan naman kami ng guard. Engrande ang event na ito. Today is the wedding day of Hober's parents. Pangalawang kasal.

Hindi nga lang ako nakapunta sa simbahan kanina dahil may klase ako kanina. Dito hineld ang pagpapakain ng mga bisita nila.

Pinaghila ako ng upuan ni Hober. umupo naman siya sa tapat ko. I roamed my gaze around. Maganda ang set up ng kasal nila. Marami naring mga bisita. Halatang yayamanin ang mga nandidito. Nasagip naman ng aking mga mata ang dalawang bagong kasal o pangalawang kasal na. Nakatayo sila sa mala-stage na nasa harapan. May kausap na mga bisita.

"Hindi mo ba pupuntahan ang mga magulang mo? You should congratulate them." Sabi ko kay Hober.

Sumenyas naman siya sa isang waiter na lapitan kami. Agad naman itong ginawa ng waiter.

"Two glasses of champagne, please." Sabi ni Hober sa kaniya.

Nang umalis na ito ay doon na niya ako tinapunan ng tingin.

"Later. Marami pa silang e-entertain na mga bisita nila, lalo na't mga relatives namin." Sagot nito sa'kin.

"Wait. Alam mo na ba ang-"

"Alam ko. Sinabi sa'kin ni, Kio." Putol ko sakanya at mapait akong ngumiti.

Tumitig lang siya sa'kin. Alam ko kung ano ang naglalaro sakanyang isipan ngayon. Kinurot ko siya sa kanyang braso nang hindi ko na kaya labanan ang kanyang mga titig sa akin.

"He called you?" Seryoso nitong tanong.

"No, text lang." Sagot ko.

Bago ako pumunta sa school kanina. May nag text sa'kin, it was Kionel. Kakilala ko lang noon. Schoolmates din kami noong high school days namin.

"Ano daw sabi?" Tanong nito.

Pinaglalaruan ang glass of champagne na nasa kanyang kanang kamay. Kanina lang dumating ang waiter dala ang sinabi sakanya ni Hober kanina.

"They arrived." Eksatong sabi ko kung ano ang tinext sa'kin ni Kio kanina.

Mabilis ko naman naintindihan kung ano ang gusto iparating sa'kin ni, Kio.

"Are you still affected?" Hindi pa rin ako nito tinantanan.

Umiwas ako ng tingin. "Of course not. Matagal na 'yon. At isa pa, wala namang namamagitan sa'min. Wala akong karapatan maramdaman ang mga iyon."

Tama naman ako. Wala akong karapatan magselos. Wala akong karapatan masaktan. Wala akong karapatan magalit o kung ano pa.

"Eyes can't lie, Nayah." Saad nito bago ako iwan.

Pumunta siya sa sakanyang mga magulang, dumalo sa mga taong nagkukumpulan doon.

I know Hober, and your actions speak louder, too.

I deeply sighed. So, bumalik sila?! Mapait akong ngumiti. I should accept the fact. Masakit ang realidad. Wala na akong magagawa para do'n

Tasting his PainWhere stories live. Discover now