Chapter 2

10 3 0
                                    

Chapter 2

"Hindi kapa uuwi?" Hober Asked.

"mamaya.." Sagot ko na hindi man lang siya binalingan ng tingin. Nakakunot ang aking noo habang binabasa ang libro. Nasa library ako ngayon. Sumunod sa akin si Hober kasi oras na ng uwian.

"Ok, mamaya na din ako uuwi." He simply said.

"Umuwi kana, Hober. Baka hinanap ka na ni Tita Nelia"

"Sabay na tayo. Sinabihan na din ako ni Mommy na do'n ka nalang sa bahay mag dinner." sabi niya dahilan upang maangat ko ang tingin sakanya.

"Magpapa-alam muna ako kina, Mama" Akto ko na sanang kukunin ang cellphone ko para e text si Mama ngunit nagsalita ulit si Hober.

"Tapos na, pinapaalam na kita" He winked at me.

I just shrugged at nagpatuloy sa ginagawa.

"Matagal pa ba 'yan? parang isang oras kana dito, ha" Pang-iistorbo niya sa akin.

"Huwag ka ngang maiingay" sita ko sakanya.

He pouted. "Halos bulongan nanga ang pag-uusap natin dito, e."

"Just shut up" I said.

"Ok, 1..2..3..Zip" sambit niya at umacting pa na parang zinizip ang kanyang bibig.

"tss, childish.." I rolled my eyes at him.

"Grabe ka naman, sa'yo lang naman ako ganito.." tila nagtatampo pa siya.

Hindi ko nalang siya pinansin. May hinahanap akong topic para picturan ko nalang. Ito kasing si Axon del Mier ay magpapa long quiz daw para bukas, tss. Dinaig pa ang mga guro. Sinabi niya na daw ito kay madame Alfanta at si madame nalang ang magpapa quiz sa amin.

"Finally!" hindi ko napigilang sigaw nang sa wakas ay nakita na din ang hinahanap.

I covered my mouth with my one hand when I realized something. Nilingon ko ang table ng librarian at madiin ang titig niya sa akin habang itinaas sa ere ang kanyang kamay at pinakita ang index finger niya. I just sighed.

"Warning one.." bulalas ni Hober sa akin.

"I know" tamad akong tumayo pagkatapos picturan ang nahanap na topic upang ma review ko.

Naglakad na ako palabas ng library at ramdam kong sumunod din sa akin si Hober.

"Ayos lang 'yan, Warning one pa naman 'yun, e." Comfort sa akin ng nilalang na ito.

"tss, gusto mo atang maglinis ako ng buong cafeteria at sa library 'pag naabot ko na ang warning three"

"Madaling parusa lang 'yan sa iyo, ang sipag mo kayang maglinis"

I stopped at walking at nilingon ang nakakainis na nilalang na ito. I raised my one eyebrow at him. Napakamot nalang siya sa kanyang batok.

"idadamay talaga kita kapag nangyari iyang pinagsasabi mo.."I said in irritated tone.

"Woah! grabi ka naman. Ganyan mo talaga ako ka mahal, Nayah, 'no? Pati sa paglilinis gusto mo kasama mo ako." He smiled. Ngiting kakaiba. Parang nang-aasar.

"Mas gusto ko nalang makasama si Newo" Sabi ko na ang tinutukoy ay ang nakababata niyang kapatid.

"Ouch, ang sakit mong mahalin, Nayah!" sabi niya na sabay hawak sa kanyang dibdib na tila nasasaktan.

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Ewan ko ba sa lalaking ito ang lakas ng trip. Ang hilig niyang mang-asar. Nakaka-bwesit! At sa tanang buhay ko sa pagpasok ng library ay ngayon lang talaga ako nabigyan ng warning. Shutang*na kasing Hober na ito, may pa sunod-sunod pa sa akin na nalalaman. Ayan tuloy, na warningan na ako. Hindi naman ibig sabihin na siya ang sinisisi ko kahit alam kong ako ay may kasalanan, pero parang ganon nanga.

Tasting his PainWhere stories live. Discover now