Chapter 7

8 3 0
                                    

Chapter 7

It's almost night. Bumaba na din ang araw, tanaw na tanaw ko mula dito sa glasswall. Nagpa-alam ako kay Hober na hindi ako makakasabay sa kanya, niyaya ko naman siyang sumama sa'kin pero ayaw niya, alam ko na naman kung ano ang rason.

"Is he busy?" Tanong ni Katrina.

"Maybe" I shrugged. Sumimsim ako sa juice ko na in-order namin kanina.

Bukang bibig niya pa din hanggang ngayon si Hober. Gustong gusto niya talaga ang kaibigan ko. Itutuloy ko pa din naman ang favor sa akin ni Tita Nelia. Hindi na ako mahihirapan sa side ni Katrina dahil halata namang isang tulak lang nito patungo kay Hober ay bibigay na kaagad. Ngayon, si Hober nalang ang iisipin ko, na alam kong mahihirapan ako ng sobra.

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Pansin ko ding hindi siya busy sa school niya, parang sa resto niya lang.

"I stopped, but I'll pursue my studies next enrollment." She answered.

Kung lalaki siguro ako ngayon, paniguradong nagugustuhan ko na itong si Katrina. Napakagandang dilag, her skin is white as snow, mapupula ang labi, parang insik din ang mata, matangkad, mayaman.

"Ah!" I just nodded. Gusto pa sanang magtanong kung ano ang rason pero pinigilan ko, I know my limitations, alam ko din ang salitang privacy.

"Sa'n mo gusto after nito?" She asked.

"Uuwi muna ako sa amin, may gagawin lang ako, pero di ako sure kung makakapunta ba ako sa condo" Sabi ko.

She got shocked, but she smiled bitterly. "Tingin mo magkakasundo kami? Lalo na't kami lang ang magkasama?"

"Malamang oo, bibigay din 'yang si Hober, kulang lang 'yan sa pansin" I laughed.

She also laughed, pero alam kong pilit. "I hope so. Ang hirap kasi ng aming sitwasyon"

Agad nangunot ang noo ko dahil do'n, namuo ang kuryusidad sa aking katawan, but I stopped myself before I ask her, hindi ako manghihimasok kung ano man ang ibig niyang sabihin, wala akong karapatan kahit kaibigan ko pa si Hober.

"Ma!" Sigaw ko nang nakapasok na ako sa aming bahay. Mabuti nalang hindi kami nagtagal sa resto.

"Hindi pa umuwi si, mama" Sagot ni Chaillyn.

Pumasok muna ako sa aking silid at nagbihis. Habang wala pa si mama mag iimpake muna ako sa aking mga gamit. Hindi naman lahat ng aking gamit ay dadalhin ko. Sakto lang ito para sa lunes hanggang sabado. Plano ko kasing kapag may pasok ako ay sa condo ako uuwi, pero kapag weekends naman ay dito ako sa amin uuwi.

"Chaillyn,anak, nakauwi na ba ang ate mo?" Rinig kong sabi ni mama sa labas.

Agad akong lumabas ng kwarto.

"Kamusta ma? Ayos ka lang po ba? Hindi ka pagod?" I asked her and kissed her cheek.

"I'm good, anak" Sagot niya.

"Wow, forda english si momshie!" Singit ni Chaillyn.

"Tigil-tigilan mo'ko, Chaillyn" Si mama.

"Gusto niyo gumala bukas ma?" Tanong ko habang naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Bakit? anong meron?" Tanong ni mama.

Mahina akong tumawa. "Ito namang si mama, kailangan talaga may okasyon? Gagala lang po tayo, wala naman akong pasok bukas." oo dahil sabado.

"Wow! Gusto ko sa park." Si Chaillyn habang tumalon-talon.

"Street foods muna ang afford ng ate mo sa ngayon, Chaillyn." Sabi ko.

Tasting his PainWhere stories live. Discover now