Chapter 5
Pilit kong inalis sa aking isipan ang mga sinasabi ni Axon kanina na ewan kung saan niya nakuha. I hate him so damn much and I'm pretty sure that he hate me too, the feeling is mutual, kaya ano 'yun?! Meron pa siyang pa 'hero-hero' tss, ang galing mambola.
"Sheenayah Jen Wilson"
"Present, madame." I raised my one hand.
Last subject na ito kay madame Barnabe, na Filipino. Ang schedule namin sa lahat ng subjects ay hindi magkasunod. Kaya ma gugulat nalang kami na ibang subject teacher ang pumasok at hindi 'yung inaasahan namin.
Nagreport lang kami sa kanyang subject at pagkatapos ay binigyan ng homework. Hindi pa kami makakalabas hanggat hindi sinasabi ni madame Alfanta--na adviser namin.
Ngayon ay nasa harapan na namin siya. Tapos na din kaming maglinis.
"Listen class!" She shouted.
Tumahimik na din ang aking mga kaklase. Hindi naman ako masyadong maingay dito, dahil bukod sa wala akong kaibigan dito ay hindi ako palasalita sa kanila, hindi ko lang gusto.
"Our cheer dance competition were almost starting, baka sa malapit na matapos ang fourth quarter ay magsisimula na tayo. So, starting tomorrow, magsisimula na tayong mag practice, be ready, class!" Ani madame Alfanta.
Naghiyawan naman ang aking mga kaklase. Lalo na 'yung mga babae.
"Gagi, I'm so excited!" Ani Zisa na katabi ko lang.
Hindi kami nagpapansin ng babaeng ito, I mean hindi palagi, dahil siya lang naman ang nakikipag kwentuhan sa akin.
"Ako din, gagstok beh, tapos mapapansin ako ni crush no'n" Tili ni Yesha, na katabi lang din ni Zisa.
Hindi ko nalang sila pinansin. Nakakarindi din minsan ang dalawang 'to.
Our class ends, finally! May usapan kami ni Hober kanina na sa waiting shed ko siya aantayin. Dahil mas una ang uwian ng mga JHs kesa sa mga SHS, tapos ang pinakahuli ay ang college.
It's almost night. Medyo madilim na din ang kalangitan. Naka-upo ako ngayon sa waiting shed sa labas ng paaralan.
May mga ilang tao din ang dumadaan dito. I really love night than day, para sa akin ay mas nakakagaan ang gabi kesa sa umaga.
Habang nag muni-muni ay biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko na naman ay 'yung stranger ang tumawag ngunit si Tita Nelia pala.
"Hello, darling" Masigla niyang bungad nang sagutin ko ang tawag.
"Hi po, Tita.." Medyo nahihiya pa ako.
"Alam kong hindi mo pa kilala o nakikita si Katrina kaya we have a dinner at their restaurant, I'll invite you, kaya sana pupunta ka, Darling, Nayah" She offered.
Hindi ako kaagad nakasagot. Parang may pumipigil sa akin. Parang pakiramdam ko, kapag tatanggapin ko ang invite ni Tita ay parang alam ko na kung saan ito patungo.
But, I ended up, saying 'yes'.
"Sige po, Tita. Magpapa-alam muna ako kay Hober at Mama" I responded.
"Oh! Speaking of my, son. Isaman mo na din siya, para magkita din sila ni Katrina, matagal na kasi simula no'ng nagkita sila." She giggled.
I just sighed. "Yes po, Tita."
She hang up the call. In the second time, I heavily sighed again. Nakonsesnya na naman ako. Pareho kami ni Hober na hindi pa naranasan na magkaroon ng nobyo at nobya. No gf and bf since birth kami. Kahit kailan din hindi 'yun nag kwento tungkol sa babae.
YOU ARE READING
Tasting his Pain
Teen FictionWhile hating him, I didn't notice that I am falling in love with him...While loving him...means, I am tasting his pain.