CHAPTER 273:

537 29 11
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 273:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

KINABUKASAN ay naghanda ang lahat sa kanilang training. Sa kahapong nangyari ay nasermonan ang anim dahil sa pagkasira ng ring. Sinisi ng lahat si Hanamichi dahil siya naman talaga ang nakasira. Kasalukuyang naka-assemble ang lahat habang nasa kanilang harapan si Coach Kageyama.

"Magpakahanggang-ngayon ay hindi ko pa'rin matanggap ang nangyari sa outside gym kahapon." Wika niya tila pinaparinggan si Hanamichi.

"Baka naman masyado nang kinalawang 'yon kaya bumigay." Depensa ni Hanamichi.

"Nangatwiran pa." Rukawa

"Shattap!" Hanamichi

Napabuga nalang ng hangin si Coach Kageyama. "Oh bueno, papalitan nalang na'tin 'yon. Pero actually, dito talaga sa loob ng building ang magiging court niyo. 'Yong court na nasa labas ay para sa mga magseself-training. By the way, may line-ups na akong nabuo, salamat sa limang pinaiwan ko kahapon." Ngumisi siya sabay taas ng folder.

"Mayroon tayong 5 na magiging line-ups na'tin. Sinuri ko ito ng maigi bago hinanay na naa-ayon sa magiging kapangkat nito. Ito ang Line-up number 1 na tinatawag kong 'Forwards' na pamumunuan ni Maki, ang mga kasamahan niya sa line-up na'to ay sina Sendoh, Kiyota, Sakuragi, at Rukawa." Coach Kageyama

Agad napatakip ng bibig si Jin na parang nagpipigil ng tawa. "Nako, Maki. Puro magugulo ang kasamahan mo, good luck nalang sa pagmanage ng apat na 'yan."

Nakabusangot ang mukha ni Maki. Panigurado, magpapasikat ang mga ito dahil puro sila magkaribal. Nakita niya si Rukawa na nakatingin ng seryoso kay Sendoh, habang sina Hanamichi at Kiyota naman ay nagpapakyuhan. Tapos si Hanamichi at Rukawa naman ang nagbangayan.

"Haysss... Sakit agad sa ulo." Napahawak nalang siya sa kanyang sentido.

"Sa pangalawang Line-up. Tinatawag ko itong 'Line-up of Towers': Pangungunahan ito ni Akagi, ang kabilang sa line-up na'to ay sina Hanagata, Maki, Sendoh, at Sakuragi." Coach Kageyama

Ngumisi si Hanamichi. "Ayos, kasali na naman!"

"Wow, malakas na line-up 'yon ah?" Bulong ni Mito.

"Oo nga, magkasabay sa court si Gori at Lolo." Sagot ni Takamiya.

"Ang pangatlong line-up, ang tinatawag na 'Offensive Specialists' na pamumunuan ni Sendoh, ang kabilang sa line-up na'to ay sina Sendoh, Rukawa, Miyagi, at Fukuda." Coach Kageyama

"Aba wow naman! Ang lalakas!" Ohkusu

"Puro mga mahuhusay sa opensa lahat!" Noma

"Ligwak si Hanamichi sa line-up na 'yan HAHAHAHA!" tawa ni Takamiya.

"Bwisit, untugin ko kayo dyan ee." Barang bulong ni Hanamichi.

"Pang-apat na line-up, 'Point-Guards', pamumunuan ito ni Fujima." Coach Kageyama

"Uy siguradong ligwak na naman si Hanamichi dito." Takamiya

"One bar ka nalang sa'kin tabatchoy ka." Hanamichi

"Ang mga kasamahan ni Fujima sa line-up na'to ay sina Sendoh, Miyagi, Maki, at Akagi." Coach Kageyama

Agad nagtaas ng kamay si Hanamichi. "Sandali lang Manong Kageyama, bakit kasali d'yan si Gori? Hindi naman 'yan point-guard ah?" Reklamo niya.

Nakaekis ng kamay sa kanya si Coach Kageyama. "Natural, hindi pwedeng walang SENTRO sa loob ng court. Sagot niya ang mga higanteng aatake sa mga point-guards na'tin. Naintindihan mo ba?" Makatwirang sagot ni Coach Kageyama sa kanya.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon