CHAPTER 286: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

691 30 9
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 286: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

SA PAGSISIMULA ng 2nd half ay hindi na pinatagal ng Kanagawa Prefecture Team ang paghihirap ng Yamanashi Prefecture Team sa kanilang laban. Minadaling tinapos nina Hanamichi, Kiyota, at Rukawa ang laro habang ang dalawang seniors na sina Sendoh at Hanagata ay sumuporta lamang.

Nang maipasok ni Kiyota ang bola ng kahuli-hulihang segundo...

*SHOOT!*

Ay siya namang malakas na hiyawan ng Kanagawa Prefecture Audiences. Pumalakpak si Coach Kageyama sa unang tagumpay ng kanyang mga players.

Samantala ang Coach naman ng Yamanashi ay tinapon sa sahig ang court board dahil sa sama ng loob.

"Bw*sit! Talo tayo!"

"Grabe ang lakas talaga ng Kanagawa Team! Tingnan mo ang agwat ng puntos!"

"Nagtapos ang laban na may 128 points samantala sa Yamanashi naman ay 22! Grabe! Ang laki ng agwat!"

"Napakahusay Kanagawa!"

Puno ng ingay at hiyawan ang audience area sa sakop ng court na pinaglaruan ng Kanagawa at Yamanashi Prefecture Team. Napatingin nalang sa kanilang gawi ang mga players ng Tokyo Team na nasa kabilang court.

Malaking ngiti ang mayroon sa mukha nina Zakusa at Yuki nang makitang panalo ang kuponan ng Kanagawa.

"Ayos! Panalo sila!" Tuwang wika ni Zakusa.

"Syempre, sila pa." Sang-ayon ni Yuki.

"Kung ganoon, tayo na rin. Tapusin na rin na'tin ang labang ito!" Pagpapatuloy ni Zakusa sa laro.

***

IPINAKILALA ng speaker ang mga nanalo sa 1st round. Mula sa left court, ang kuponan ng Kanagawa Prefecture Team. Sa kanang court naman ay ang Tokyo Prefecture Team.

Magalang na binati ng mga naglabang kuponan ang isa't-isa sa naging resulta ng laban.

"MARAMING SALAMAT SA LARO!"

Pagkatapos ng pagbati ay aalis na sana sa court ang Kanagawa Team nang tawagin ni Koga si Hanamichi.

"Sakuragi!"

May pagtatakang lumingon si Hanamichi sa kanya.

"Regards nga pala."

Ngumiwi si Hanamichi sa sinabi niya. "Gagi 'to ah. Hoy! Hindi tayo talo!"

"Siraulo, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Sa totoo lang Sakuragi, humahanga ako sa abilidad mo mula pa noong nasa Tokyo Team ka pa. Kaya naging Power Forward ako tulad mo." Wika niya na kinanormal ng hitsura ni Hanamichi.

"Kung ganoon... Fan kita?" Hanamichi

"Parang ganoon na nga." Mahinang tumawa si Koga nang isagot niya 'yon. Napakamot nalang siya sa batok. "Isang karangalan ang makalaro ang isang tulad mong Hari ng Rebound at Grim Reaper sa ilalim ng court. Maraming salamat." Dagdag pa nito at yumuko kay Hanamichi bilang paggalang.

Hindi pa'rin maintindihan ni Hanamichi ang nangyayari. Parang naging ibang tao si Koga, malayong-malayo sa naging ugali nito sa laban nila kanina.

Itatanong sana ni Hanamichi kung sinasapian ba ito pero nagpaalam na si Koga.

"Hanggang sa muling laban ulit, Sakuragi." Paalam nito hanggang sa nakabalik na ito sa kanyang mga kasamahan.

Napatingin nalang si Hanamichi sa Yamanashi Team na may malulungkot na mukha dahil sa pagkatalo. 'Yong ibang miyembro umiiyak pa sa kanilang pagkaligwak.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon