CHAPTER 283: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

547 34 11
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 283: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

ANG BOLANG nai-shoot ni Hanamichi ay hindi counted dahil sa violation na nagawa nito. Panatag ang Yamanashi Team sa nangyari, ganunpaman si Hanamichi ay na-iigti sa inis.

"Bw*sit naman oh... Para akong high school dahil sa violation na 'yon! Hanamichi Sakuragi—pogi! 3rd year college kana! 3rd year na kaya umayos ka!" Saway niya sa kanyang sarili at inaalog-alog pa ang ulo.

Napunta ang bola sa team ng Yamanashi. Hawak iyon ng Power Forward Team Captain na si Koga.

"Sakuragi, ayos lang 'yan! Kasisimula palang naman ng laban." Pukaw sa kanya ni Hanagata at tinapik ang kanyang likuran bago tumakbo sa kabilang half court.

Dumaan naman si Rukawa sa kanyang harapan. "First round palang sabog na, nakakahiya ka."

Tila pumutok agad ang ugat sa ulo ni Hanamichi sa sinabi nito. "Ee kung upakan kita diyan?!" Singhal niya.

"Balik na sa laro, unggoy!" Singit ni Kiyota.

"Isa ka pang matsing ka! Magsama nga kayo!" Sigaw ni Hanamichi saka tumakbo para sundan ang kalaban.

Dinribol ni Koga ang bola palabas sa home court ng Kanagawa Team. Sa saktong paglagpas niya sa division line ay siya namang paglantad ni Sendoh sa harapan niya.

Nagulat siya sa bilis ng kilos nito. "N-Number 7..."

*PAKK!*

Naagaw ni Sendoh ang bola mula sa kanya na walang kahirap-hirap. Sinundan naman ni Koga ng tingin ang bola subalit hindi niya na ito nakita.

"Nasaan na ang bola?" Koga

"Sakuragi!" Pasa ni Hanagata sa ere.

"Nasa kanya?" Gulat na wika ni Koga at tanging narinig niya nalang ay ang malakas na dakdak mula sa home ring ng Kanagawa Team.

*DUNKKKKKKKK!*

Naghiyawan ang Kanagawa Prefecture Audiences sa unang puntos ng kuponan.

"Ayos! Ang bilis makabawi ni Sakuragi!

Nagka-violation man kanina, atlis nabawi agad!

Ang galing mo Sakuragi!" Hiyawan ng mga manonood.

Ngumisi naman si Hanamichi at nag-victiry sign sa madla. "Aba! Ako na ata 'to— ANG HENYONG SI HANAMICHI SAKURAGI! NYAHAHAHA!"

Ang unang puntos ay nasungkit ng Kanagawa Prefecture Team kaya may 2 points na sila.

"AYOS, MGA BOYS! FOCUS LANG SA LARO!" Cheer ni Coach Kageyama sa kanila habang sa tabi nitong si Haruko ay nakangiti lang. "Ang goal na'tin for today ang manatiling lamang sa apat na sets. Every 10 minutes dapat kayo ang lamang." Dagdag pa nito.

"Insist na insist ka diyan Coach ah? Matic na sila ang lalamang sa apat na sets, anong meron doon?" Tanong ni Miyagi.

"Awh, wala naman... Nakipagpustahan lang kasi ako kay Coach Ryuusuke ng Tokyo Team. Malaki ang mapapanalunan ko kapag nanalo ako. Libre ko pa kayo." Ngising sagot ni Coach Kageyama.

Napangisi rin si Miyagi. "Ikaw Coach ah, hindi ko akalain na may kabulastugan ka palang nalalaman ah?"

"Sshhh ka lang." Coach Kageyama

Ang bolang naidakdak ni Hanamichi ay napunta muli sa Yamanashi Team para sa opensa. Hawak ito ng Vice-Captain Center na si Baki.

Ngayon niya palang napansin na walang Team Captain na namumuno sa Kanagawa Team.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon