SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES
CHAPTER 274:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON’S POV
LUMIPAS ang isang linggo nang masimulan nila ang mabibigat na training sa kamay ni Coach Kageyama. Hindi inasahan ng mga players na ganito ang klaseng ensayo ang pinapasanay sa mga manlalaro bago sumabak sa laban. Isang linggo na 'ring suot-suot ang weights sa kanilang mga binti.
Si Sendoh naman ay ninenerbyos na baka magkaroon siya ng rayuma sa sistemang ito.
"Baliw ka talaga, Sendoh. Hindi mangyayari 'yon." Wika sa kaniya ni Fukuda.
"P-Pero... What if hindi ba?" Sendoh
"Ewan ko sa'yo. Maliban sa sabog, praning ka 'rin pala." Napabuga nalang ng hangin si Fukuda.
Napatingin ang lahat sa kanilang likuran nang dumating si Coach Kageyama. Hindi ito nakasuot ng pormal na damit sa halip naka-maong short ito at naka-beach polo habang may suot na shades sa ulo.
Ngumiwi ang mga players lalo na si Hanamichi sa porma ng Coach.
"Pormado ka ngayon, Manong Kageyama ah? Anong meron?" Tanong nito.
"Ah? Ito ba? Well... May lakad ako mamaya. Lalagap lang ako ng mga data tungkol sa papalapit na laban." Simpleng sagot niya.
"Lalagap ng data pero ganyan ang porma? Sinong niloloko mo?" Agad namang binatukan ni Akagi si Hanamichi dahil sa kaangasan ng tanong.
"Gumalang kang gunggong ka!" Akagi
Bahagyang tumawa si Coach Kageyama sa kanila. "Alam mo, Sakuragi. May sarili akong estilo at paraan pagdating sa pagkuha ng impormasyon. Huwag kayong mag-alala mga boys, mahalagang bagay ito dahil isang linggo nalang at magsisimula na ang Prefectural Matches." Sagot niya sabay kaway ng kamay. "Oh siya, maiwan ko na kayo. Mag-aalas sais na 'rin ng gabi. Maaari na kayong magpahinga." Dagdag pa nito at naglakad paalis.
Pero bago ito tuluyang makalayo ay huminto ito saglit at nagsalita muli. "May mga inorder akong sliced meat, paki check nalang sa cafeteria na'tin sa loob. Masarap 'yon pang-barbeque." Saad niya hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin ng mga players.
***
SA CAFETERIA ng KPT Camp ay masayang umiihaw ng barbeque ang mga players habang sina Haruko, Mito at ang tatlong extra ay hinihiwa ang mga pakwan.
"Players! Pakwan oh." Nakangiting tawag sa kanila ni Haruko sabay lapag ng mga hiniwang pakwan sa mesa. Kumuha naman ang mga players doon.
Samantala si Maki, Akagi, at Fujima naman ay hinihintay na maluto ang kanilang barbeque nang biglang dumating si Hanamichi at hinarab ang mga 'yon diretso sa bunganga.
"WALANGHIYA KA SAKURAGI!" bulyaw ni Akagi at sabay nilang pinagtadyakan si Hanamichi.
Nagpatuloy ang lahat sa pagkain sa kanilang munting salo-salo hanggang sa natapos sila.
Ilang oras ang lumipas nang magtipon ang lahat sa gymnasium na nasa loob ng building. Habang mag-isang nag-eensayo si Rukawa sa isang court, sina Hanamichi at Kiyota naman ay sa kabila. Ngunit, habang nagwa-1 on 1 ang dalawang unggoy, panay naman ang tingin ni Hanamichi kay Rukawa na nasa kabilang court. Napansin naman ni Kiyota ang mga tingin niyang iyon kaya hinagis niya ang bola kay Hanamichi. Nasalo ito ng henyo.
"Panay ang tingin mo kay Rukawa, crush mo 'no?" Asar niya.
"Lelang mo kadiri ka." Umirap si Hanamichi sa kanya.
Ngayon ay silang dalawa na ang sabay nakatingin sa kabilang court nang makita nila si Sendoh na naglakad palapit sa gawi ni Rukawa.
"Ows? Maghahamunan ba sila?" Enekis ni Kiyota ang mga kamay niya habang nakaismid.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]
Fiksi PenggemarSi Hanamichi Sakuragi ay isang 3rd-year College Player mula sa Tokyo International University na isa sa napili ng State System upang maging kinatawan sa kuponan ng Kanagawa Prefecture Team na siyang lugar na kanyang pinanggalingan. Sa match na'to ka...