CHAPTER 279:

444 29 5
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 279:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

HANDA na ang lahat para sa kanilang nalalapit na labanan. Ang mga preparasyon na naaayon sa mga magiging konsepto ay handa na 'rin dahil...

Bukas mismo ay magsisimula na ang laban.

Ang kanilang huling araw sa kanilang pagsasanay ay nilaan ni Coach Kageyama para sa kanilang stretching session. Dahil ang sabi nito ay makakatulong ang stretching para makapag-adjust ang kanilang mga muscle tissues na naranasan nila sa training lalo na ang pabigat na nakakabit sa mga paa ng players na tumagal ng dalawang linggo na walang tanggalan.

"Okay, ngayon naman stretching para sa lower body areas niyo. Makipagpartisipa kayo ng maigi dahil kung hindi niyo seseryosohin ang stretching session na ito ay maaaring mabinat ang mga muscles niyo sa paa at hindi makapaglaro." Anunsyo ni Coach Kageyama na kinatango ng mga players.

"Yes, Coach!" Sagot nilang lahat.

Si Haruko at ang apat na ungas ay nakamonitor sa mga players. Napatingin naman si Haruko sa bracket ng Prefectural Matches.

"Sa Division 1 kung saan nakahanay ang Team na'tin ay wala niisang team na kilala na'tin. Ang Tokyo, Osaka, Akita, at Aichi ay parehong nasa Division 2." Wika niya.

Sumang-ayon si Mito sa kanyang winika. "Tama ka, sa madaling salita, hindi makakaharap nina Hanamichi ang mga karibal niyang kuponan. Kung nais niyang makalaban ang mga isa sa iyon, sa pagkakataong ito ay dapat matalo nila ang mga kuponan na nakahanay sa division 1 para makaharap ang kuponang magrerepresenta sa division 2."

"Aysus, kung iyan lang naman ang kaso madali lang 'yan kay Hanamichi. Nakaya niya nga ang College Matches at Intercollegiate— ito pa kayang Prefectural Matches lang." Sabat ni Takamiya.

Umiling naman si Haruko sa sinabi niya, may halo itong pag-aalala. "Hindi tayo sigurado kung magiging madali ang laban na'to, Takamiya. Posible kasing may maglalantarang mga dark horses na kailanman ay hindi na'tin nakita at nakilala noong College Matches."

"Kahit mga dark horses pa ang mga iyan, hindi naman bababain ni Hanamichi ang pride niya." Singit ni Ohkusu.

"Pride niya? Sa anong pride?" Haruko

"'Yong pride ni Hanamichi na mula sa number 1 college team at rank 6 sa top 8 global rank. Nakakahiya sa pride niya kapag matatalo lang sila sa dark horses." Paliwanag nito.

"Tama ka diyan, pre." Sang-ayon ni Noma.

"Haruko?" Tawag ni Coach Kageyama sa kanya.

"Yes po?"

"Oras na para sabihin sa kanila ang magiging coverage ng laban bukas." Sabi nito sa kanya.

Tumango si Haruko sa sinabi ng Coach at naglakad sa harapan habang bitbit ang bluebook na naglalaman ng lahat ng impormasyon sa basketball.

"Sasabihin ko sa inyo ang coverage at saan gaganapin ang laban bukas. Maaari kayong makinig habang pinagpatuloy niyo ang stretching." Sabi ni Haruko sa kanila.

"Okay lang 'yan, myloves! I'm all ears!" Sigaw ni Hanamichi habang nag-iistretch.

"Huwag mo ngang nilalandi ang kapatid ko habang nagtitraining! Matuto kang lumugar!" Sigaw ni Akagi sabay sapok sa ulo niya.

*Boinkk!*

"Aray... Hindi ba pwedeng nagpapacute lang? Ang sama talaga ng ugali mo gori." Kunwaring naiiyak na sagot ni Hanamichi.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon