CHAPTER 269:

424 24 3
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 269:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

NAGULANTANG si Hanamichi nang makita niya ang pagdating ni Rukawa kasama ang dalawa pang nihongo players mula Amerika.

"Yo!" Bati ni Moroboshi.

"Kamusta?" Minami

"K-Kayo? Bakit narito kayo? H'wag n'yong sabihin na kasali kayo sa—" naputol ang sasabihin ni Hanamichi nang magsalita si Maki.

"Hindi ganoon, Sakuragi. Narito sila para samahan si Rukawa patungo rito at makita kayo." Maki

"Ano? Samahan si Rukawa? Abnormal ba 'yan? At bakit gusto nilang makita kami? Baka naman gaganti kayo sa'min dahil tinaob na'min kayo sa Intercollegiate kahit kayo ang panalo? Ano gusto niyo pisikalan? Aba tara—"

*BLAAG!*

Hindi nakapigil si Maki na batukan si Hanamichi dahil sa kadadaan niya. "Ang ingay mo, umayos ka." Mahinahong wika niya. Bumuhakhak sa tawa si Kiyota sa nangyari.

"Buti nga sa'yo, unggoy ka! Ang dami mo kasing alam! HAHAHAHA!" Kiyota

"TUMAHIMIK KA, MATSING!" Hanamichi

"Deserve!"

"Shattap!" Agad n'yang sinakal si Kiyota.

Mabilis namang nag-awatan si Maki at Akagi para ihiwalay ang dalawa at parehong pinagsasapok ulit ang ulo.

Nagsibungisngisan naman ang apat na ungas sa nangyari sa kaibigan nila.

"Ayos 'yan, Hanamichi! Isang araw, may tatlong bukol kana!" Mito

"Laban lang, Hanamichi!" Takamiya

"Bugok kasi." Ohkusu

"Parang hindi college." Noma

Bumuntong hininga na lamang si Rukawa. "Mga gunggong talaga."

"Wala pa'rin talagang pagbabago kahit kailan!"

Sabay napatingin si Hanamichi at Kiyota sa nagsalita. Sumulpot ito sa tabi ni Rukawa na animo'y kararating lang.

"Si Sawakita." Bulalas ni Kiyota.

Napawika si Hanamichi sa isipan. 'Anong ginagawa ng kalbong Sannoh na'to dito?' Inayos niya ang kanyang sarili. "Oh, Tito Boy, ikaw pala." Nakaismid nitong bati.

Umusok ang ilong ni Sawakita sa agarang asar sa kanya. "SINONG TITO BOY?"

"Boy Abunda."

"Sino namang ponchopilato na 'yan?!"

"KITASAWAAAAAAAA!" Masayang tawag ni Sendoh at agad na lumapit sa kanya.

Agad namang nagtago sa likuran ni Rukawa si Sawakita. "Lumayo ka sa'kin!"

"Ano? Kasali kaba sa Kanagawa Prefecture Team?" Tanong ni Sendoh.

"Hindi 'no, sa America pa'rin ako magpapatuloy. Sumama lang ako dito para makita ang mga walanghiyang pagmumukha niyo." Agad pumalag si Hanamichi at Kiyota sa sinabi niya.

"Ang yabang mong mukhang bola ka!" Kiyota

"Ikaw ang walanghiya— kalbo! Boo! Boo!" Hanamichi

Pero binelatan lang sila ni Sawakita na mas lalong nagpainit ng dugo sa dalawang unggoy.

"BOO! BOO!" Hanamichi/Kiyota

Tinakpan nalang ni Rukawa ang magkabilang tenga sa sobrang ingay. "Kung normal ang mga kasamahan ko sa America, dito naman mga abnormal."

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon